Shane's POV
She's my black pearl~
She's my black pearl~Nagising ako sa alarm clock ko. Pinatay ko na ito at nag-unat unat. Tapos inayos ko ang aking kama, yung mga unan at kumot. Pati na yung mga stuffed toys. Hehehe.
Tinignan ko yung phone ko at may isang message. 'Rise & shine!' Ang nakasulat dito pero unregistered yung number.
"Sino kaya to?" Nagisip-isip ako kung kanino ko binigay ang number ko. Ah! Kay Kenneth! Ang aga naman niyang nagising.
Nakalagay kasi sa text ay 5:00am. Eh nagising ako 6:00am. Tumigil na akong kakatingin sa phone ko at naisipang mag CR muna. Sa kabilang dulo kasi ng room ko yung personal CR ko kaya tumayo ako at dumiretso.
Pumasok ako at ginawa ang aking routine; call of nature, maghugas ng mukha or maligo nalang, magtoothbrush, maglagay ng kakaunting BBcream, at magsuklay then lumabas na ako sa CR at pumunta naman sa walk-in wardrobe ko. Tanong nyo kung paano kami yumaman?
Nagtatrabaho na kami. Pero sa mga weekends lang. CEO's kami sa limang pinakatanyag na mga kumpanya pero iba ang aming pangalan at hindi namin pinapakita ang mga magaganda naming mga mukha kaya hindi kami kilala sa school or saan man. Syempre maliban sa aming mga empleyado sa aming kumpanya. Yun kaya mayaman kami.
Pumili ako ng damit na susuotin ko at pinili ko ay white longsleeves na may katernong black vest na may white linings at above the knee black skirt. Medyo fit yung top at necktie ang katerno sa top. Ang shoes ko naman ay black high heels, 3 inches.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa walk-in wardrobe at tinignan kung ano nang oras.
"Hmm, 6:30 na pala." Sabi ko sa sarili ko tapos lumabas na ako at na-aamoy ko na ang niluluto ni Denie. Pancake!
Kaagad akong pumunta sa kusina at umupo sa gitnang upuan.
Tumingin sa akin si Denie ng kakaunti at nagbalik uli sa pagluluto.
"Ate, paki lagay na ang syrup sa table at pakigising nadin ang mga..... batang natutulog, hahahaha!" Sabi niya at sa kakatawa ay nahawak niya ang mainit na pan.
"Ouch!" Pero kaagad nawala ang paso dahil ginamit na niya ang powers niya.
"Buti nalang may powers kang ganyan, kundi sira na yung skin mo." Sabi ko at kinuha na yung syrup sa cabinet at naglakad papalayo sa kusina at pumunta sa mga kwarto kung saan natutulog ang iba.
Una kong pinuntahan si Jean at kumatok sa pinto niya carefully. Naalala niyo naman siguro ang nangyari nung last time no?
Tok* tok* tok*
Tapos binuksan ko ng paunti unti ang pintuan at pinasok ang ulo ko.
"Jean? Gising na~" tawag ko pero walang sumasagot. Pumasok na ako at pinuntahan ang kama ni Jean. Wala man siya dun.
"Boo!" "Ahh!" Biglang lumitaw si Jean sa likod ko.
"Jean! Wag kang ganyan! Hahahaha!" Tawa ko at sinabi ko nalang sa kanya na punta na siya sa dining room. Next kong pinuntahan ay si Miracle at as expected naliligo na. Si Blair naman ay natutulog pa ng mahimbing at ang hirap gisingin. Heavy sleeper kasi siya eh.
So atlast nagising ko na ang iba ay pumunta na ako sa dining room upang kumain. Nakalapag na ang mga delicious pancakes na may topping na honey syrup. 3 layers ang pancakes just how I like it. Si Miracle ay 1 pancake lang sa kanya kase nagdi-diet daw siya, si Blair ay 2 layers at si Jean naman ay 5 layers. Si Denie ay 4 layers naman. Syempre siya ang cook kaya medyo marami ang sa kanya.
Tumikim ako at ang sarap! May vanilla flavor ito at may sugary flavor dahil sa honey. The best talaga sa pagluluto si Denie!
Tinapos ko na ang pagkain at pumunta naman sa living room at nanood ng tv. They are getting ready while I'm waiting. Si Miracle ay nagse-cellphone. Parang nay katext.
Kinuha ko ang aking cellphone sa pocket ko at tinignan kung ano ng oras... 6:59 am. Whoah! Ang bilis ko palang kumain ngayon! Male-late kami siguro ngayon. Pa-stop ko nalang kay Denie yung time para hindi kami ma-late.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tapos na silang mag-ready at pinastop ko ang time kay Denie habang hinawakan niya kami para i-teleport na kami sa school habang naka-stop ang time. Risky? No, sanay na si Denie. Hindi naman siya nanghihina, nagpapanggap lang sa harap ibang tao.
Na-stop din kami kasama ang oras pero ng i-play na ulit ni Denie ay nasa school na kami. Ganda naman ng powers niya.
Nagpaalam na kami sa bawat isa upang pumunta na sa room namin.
Habang papunta ako ay nakasalubong ko si Samuel, kaklase ko. Parang crush ko na ata siya eh. Alam mo ba yung feeling na pagka nakita mo siya ay parang may butterflies sa loob ng tiyan mo?
"Hi Shane!" Bati niya sa akin. "U-umm, h-hi S-samuel!" Ugh, nakakahiya!
"Tara! Sabay na tayong pumunta sa room!" Sabi niya at inakbayan niya ako! He freaking placed his arm on my shoulder! Kyaaaa!
Feel na feel kong namumula ang mukha ko kaya yumuko nalang ako.
At nangyari pa ang isang ikakahimatay ko.
He kissed me! Hindi sa lips ah, sa temple ko lang. Pero! Pero! Hindi ko na kaya to... Sa sobrang kilig ko ay nag-black out ako.
---
Binuksan ko yung mga mata ko. "Huh?"
Tumingin ako ng daretso at nahalata kong nasa clinic ako, sa bed ng clinic to be specific.
"Shane! Okay kalang?!" Tinignan ko kung saan nanggagaling ang boses at nakita kong si Kenneth pala ito.
"Uhm, anong nangyari?" Tanong ko.
"Pumasok sa room si Samuel, ine-excuse ka kay ma'am, tapos tinanong ko sa kanya kung ano ang nangyari then eto na." Ahh... wait. So binuhat ako ni Samuel?! Wahhh! Baka mabigat ako!
"Pumunta na si Samuel sa next class niya pero nagpaiwan ako. Pero pagkatapos nyan ay lunch break na kaya tuloy nalang tayo sa canteen. Ayun pala ang mga gamit mo." Sabi niya tapos tinuro kung nasan ang gamit ko nga.
"Ah, thank you. Sakto gutom na ako, hahaha!" Medyo biro ko para sumaya naman ang aura, hahaha. At isa nanamang unexpected ang nangyari.
Growl~
"HAHAHAHAHA! Ang lakas naman ng boses ng tiyan mo! HAHAHAHAHA!"
"Tss." Di talaga magbabago tong lalakeng to.
Mga 12:00 ay lumabas na kami sa clinic at pumunta sa canteen. Pinag-order nalang ako ni Kenneth dahil daw baka mahina pa ako. Umupo nalang ako sa isang bakanteng upuan at kumuha para kay Kenneth.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita ko ng paparating si Kenneth. "Ang haba naman ng pila, ayan tuloy napatagal ako." Paliwanag niya. I smiled and said it's okay.
Nagsimula na kaming kumain. Ang sarap!
"Uhm, Shane, may ano ka dito oh?" Turo niya sa tabi ng labi niya. Pinunasan ko kung saan niya tinuturo. "Yan?" Tanong ko. "Hayss, sandali lang."
Kumuha siya ng tissue at...
---------------
Cut! Itutuloy sa tamang panahon! Ano? Okay lang ba? Or do I suck at this? Paki-comment po ang thoughts niyo para alam ko kung anong gagawin sa susunod. 캄사! Kamsa! Thanks!
Sorry sa mga typos, hehehe, lagi namang may ganyan eh, paki-intindihan nalang po! Salamat! Yung nasa picture po ay si Kenneth! Gwapo niya no? Hahahaha! Pati rin naman si Lawrence, which is si Luhan. OT12 po ako. Sige na, ba-bye!
-MoonlightGirl88
BINABASA MO ANG
Love & Conflict
Fanfiction(Exo Fanfic) Naranasan mo nabang ma-inLOVE sa taong pinaka ayaw mo? O naranasan mo naba na ang pinaka gusto mong tao ang maging pinaka hate mo? Naranasan mo nadin bang magka-CONFLICT sa taong pinaka-mamahal mo? O yung naramdaman mo na ba yung feelin...