Love & Conflict 3

33 4 0
                                    

Jean's POV

"Magugustuhan kaya tayo ng mga kaklase natin?"
"Wala naman sigurong mga bullies no?"
"May hot guys kaya dun?"
"What?!"

Sabay sabay silang nagulat dahil sa sinabi ni Denie. Ako naka-earphone lang pero mahina lang ang music kaya naririnig ko sila.

"Denie, yun lang ba ang iniisip mo kanina pa?" Tanong ni Blair.

"Bakiiit?~ Hindi ba pwede?" Sabi naman ni Denie.

At nagpatuloy nalang silang magusap habang naglalakad kami papunta sa bago naming school.

"Oh? Jean okay kalang? Tahimik mo ah? Atchaka bakit hindi kumakain ng baozi ngayon?" Pabirong sabi naman nitong leader namin.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Tinaas niya ang kanyang mga kamay at sinabi " Okay ~ Okay~ Hindi na kita guguluhin~"

"Good." Sabi ko. Nanlaki ang kanyang mata. "Ki - ki - kinausap mo na din ako sa araw na ito!! Woot! Woot!" At nagpa gewang gewang pa siya.

"Bahala ka na nga" at iniwan ko nalang siya.

Naglakad kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa aming school.

"Tara, punta na agad tayo sa office. Hmmm, sabi dito sa map, nandun ang office" sabay tiuro ni Shane sa left side ng building.

Malaki kase ang school namin kaya nangangaylangan kami ng map.

Pumunta kami kung saan tinuro ni Shane ang office. Tumigil kami sa harapan nito at may naka-ukit sa tabi ng pinto na Head Office.

"So kung Head Office to edi may Hand, Body at Feet office din?" Joke siguro ni Miracle.

"Duh~ Hindi nakakatuwa ate." Sabi naman ni Blair.

"Psh, nagpapatawa lang ang tao eh. Ang seryoso kasi ng mga mukha nyo ngayon eh." Nawawalang ganang sabi ni Miracle.

"Maghihiwalay kasi nyan tayo ng room at building eh. 4th year college kana, ako 4th year din pero iba ang course. Si Jean naman 3rd year. Buti nalang sina Denie at Blair ay same year at same course. Di natin alam kung ano ang mangyayari kung maghihiwalay tayo eh." Sabi ni Shane.

"Huwag kang magalala te, we can take care of our selves."sabi ni Denie.

"Wow, nagsalita ang laging napapasok sa gulo" sabi ko.

Napatingin silang lahat sa akin dahil siguro nagsalita ako.

"Napapadalas ata ang pagsasalita mo ngayon ah? Nakamove on ka na ba?" Tanong ni Shane.

Naalala ko ulit ang nangyari. Hindi parin ako maka move on dahil dun.

Napatigil silang lahat sa kakasalita nang magsalita si Miracle. "Guys? Hindi ba tayo papasok sa office?"

"Oo nga no? Kanina pa tayo nandito sa labas. Hahaha!" Sabi ni Shane.

Pumasok kami sa loob at nakitang ang luwalas sa loob. Parang isa ng building ang office na ito. Bale, tatawagin pa bang Head Office kung isa lang kwarto?

Sa dulo ng first floor ay makikita ang isang elevator.

"So anong floor ang office talaga? Wala mang tao dito eh, ang lamig pa" sabi ni Blair.

Tinignan ni Shane ang mapa at mga ilang segundo lang ay sinabi na kung nasaan ang office talaga.

"Nasa 5th floor." Sabi niya.

"Then let's go or we'll be late." Sabi ko.

At sumakay na kami sa elevator. Sa loob nito ay color blue ang walls. May handle sa bawat corner at maaliwalas pa ito. Like, magkakasya siguro ang 20 persons na hindi nasisikipan.

May nakita akong button na may nakasulat na 'food'. Pinindot ko iyon at may lumabas na iba't ibang selection ng iba't ibang klase ng foods and drinks! Wohoo! Ang ganda naman ng elevator na to! Sabi ko sa aking sarili pero naka pokerface sa labas.

May nakita akong baozi kaya pinindot ko iyon. Mga ilang segundo ay may lumabas na baozi! Tinikman ko iyon at.... "Ang sarap!" Nasabi ko ng malakas.

Napatigil sila sa kung ano man ang ginagawa nila at tumingin sa akin.

"Jean, saan mo nakuha ang baozing yan?" Tanong ni Shane.

Tinuro ko lang ang button at pumunta lahat sila dito. Pero bago palang nila mapindot ang button ay bumukas na ang door ng elevator.

"Ayyy, nandito na nga tayo sa 5th floor?" Sabi ni Blair habang nagpapout.

I just shrugged my shoulders.

"Well, it's not your lucky day then" sabi ko.

"Pwede naman mamaya Blair pagka aalis na tayo. Okay lang yan." Sabi naman ni Shane.

Nagsaya muli si Blair at tumuloy na kami sa office which is nasa dulo nanaman ng floor na ito.

Bago palang kami pumasok ang kumatok kami tapos pinasok lang ang ulo namin para timingin sa loob.

"Come in." Sabi ng... Principal siguro.

Blair's POV

"Come in." Sabi ng... Principal siguro no?

Ang lalim ng boses niya.

Pumasok kaming isa't isa.

"Please sit." Sabi niya. Umupo kami sa mga couch. Ang bangoo~

Pagkatapos naming umupo ay nagsalita nalang siyang nagsalita. Hindi ako makafocus sa kanyang mga sinasabi dahil busy ako sa kakatingin sa paligid. Ang ganda naman ~

"Here..." yun nalang ang last word na naitindihan ko nung tumayo na ang mga kasama ko at sumabay na rin ako. Nagbow nalanh kami at umalis na. Sira ako no? Hindi man ako nakinig, hehehe.

Lumabas na kami at tumulao sa elevator at kinuha ko na ang pagkain ko at kinain ko na. Tinignan ko ang aking relo at nakalitaw ay 7:36 na. Binigay ni Ate Shane ang mga mapa na siguro binigay nung principal namin.

Tinignan ko kung saang buildung kami ni Denie. Nasa....... 3rd building kami.

"Denie, tara punta na tayo sa room natin, late na tayo oh?" Sabi ko sabay pakita kay Denie nang relo ko.

"Oo nga, sige tara na. Excited na akong makita ang mga classmates natin!" Sabi niya.

At tumuloy na kami sa aming classroom.

Nang makarating na kami sa aming classroom ay narinig na namin ang guro.

"Goodluck nalang sa atin!" Sabi ko. Nag nod nalang si Denie.

Kumatok kami sa pinto at narinig naming huminto ang guro.

Bumukas bigla ang pinto at nandun na at nakatingin sa amin ang guro.

"Hey! Nandito na rin ang mga bagong estudyante! Come in! Come in!" Sabi niya.

Pumasok kami sa loob at tumingin sa mga fellow classmates namin. Then, someone caught my eye. He was smilling at me. I smiled back to him.

Doon ko naramdaman ang pagtibok ng puso ko. Ba-dum ba-dum ang sabi nito. Ito na kaya?

----------------------------------
Yesh! Natapos ko din! Sorry sa mga typos. Ok lang ba? Hindi nakakabore?

Please vote, comment and share! Thank you! P.S si Jean pala ang nasa picture.

-MoonlightGirl88

Love & ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon