Blair's POV
Habang sinusundan namin sina Seraphim ay may naalala ako...
"Blair, nasa clinic daw si Denie"
"Blair, nasa clinic daw si Denie"Marunong si Phim ng Tagalog?! Sabi niya hindi man siya, pero bakit siya nakapagsalita ng Tagalog? Sabi niya eh!
"Phim, you knew how to speak Tagalog?" Sabi ko.
Napatingin siya sa akin at kinamot ang batok niya.
"Well, yeah, marunong ako, sorry nagsinungaling ako sayo, hehehehe" sabi niya in an English accent, you know what I mean?
"Ah, ok"
Miracle's POV
WAAAAAAAAAH! WALA AKONG KASAMA! T_T Magtanong tanong nga.
Humarap ako sa classmate ko na nasa likod ko. Pagkaharap ko ay lalake pala siya at nakatingin sa akin.
"Umm, pwedeng makipagkaibigan?" Tanong ko.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa then balik nanaman sa mata. Tinaas niya ang kilay niya at sinabi.
"Who are you to speak to me like that huh? Ugly." Did he just call me ugly?!
"Ugly?! YOU-" turo ko sa kanya "-call ME-(-Baby, wohoo! Hahaha)" turo ko sa sarili ko "-UGLY?! Anong klaseng lalaki ka ha?! Tss." Sabi ko sa kanya at umalis sa kinauupuan ko. So he thinks he's a good looking guy?! Well... he kinda is.... but to call me ugly? Curse him!
Lumabas nalang ako sa kwarto namin at sinundan ang mga estudyanteng naglalakad. Kung sanang may powers lang ako ni Denie, magteteleport na ako eh. Hays.
No One's POV
Lingid sa kaalaman ni Miracle na ang mga estudyanteng sinusundan niya ay hindi pala papunta sa canteen, kundi sa garden upang may pagusapan.
Bat kaya hindi pa kami nakararating sa canteen? Ang sakit na ng mga paa ko Isip niya.
"Aish!" Sabi ng isang estudyanteng sinusundan niya.
"Bakit ka sumusunod sa amin?!" Galit nitong tanong. Ang laki panaman ng boses niya.
"Hindi ba kayo pupunta sa canteen?" Tanong ni Miracle.
"No! Doon banda ang canteen!" Turo niya sa bandang kanan. Uminit lalo ang ulo ni Miracle dahil sigaw ng sigaw ang lalake.
"O bakit ka muna sumisigaw?! Baguhan palang ako dito eh! Expect niyo, agad agad kong makakabisado ito?" Sigaw niya sa dalawa, isang lalake, isang babae.
"Just shut up will you and go to the canteen." Sabi ng babae. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umilaw ang mata ng babae at para bang nakontrol si Miracle.
Tumikom ang kanyang bibig at bigla nalang lumakad ang sarili niyang paa.
Lumakad siya sa kanan at dumiretso. Nang makita niya ang malaking sign na CANTEEN at bigla nalang tumigil ang kanyang paa at nakapagsalita na rin siya.
"What the fudge just happened?" Tanong niya sa sarili niya.
"Slavespeak" sabi ng isang boses.
"Slavespe-"
"Ate Miracle!" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinawag siya ni Denie.
Tumingin siya sa kanila, Denie, Tristan, Seraphim, at Blair.
"O, bakit wala kang kasama te?" Tanong ni Blair.
"Ang susungit ng mga kaklase ko eh, so hinanap ko nalang ang canteen." She lied. Ayaw niyang sabihin na naslavespeak siya at sinabi iyon ng unknown na tao na may powers na telepathy, so iyon. All in all, ayaw niyang sabihin yung totoong nangyari sa kanya.
"Ohhh, pero walang gwapo? Hahahaha" joke naman na patanong ni Denie.
"Meron nga, di naman gentleman! Tinawag ba naman akong pangit! Like duh, ganda ko kaya." Sabi ni Miracle as she flipped her hair. Denie and Blair just rolled their eyes.
"Feeler talaga tong ate natin no?" Bulong ni Blair kay Denie. "Oo nga."
"Ah, saka pala, ate, meet Tristan and Seraphim, mga bago naming kaibigan" pakilala ni Blair. Tinignan ni Miracle sina Tristan at Seraphim "Nice to meet you, I'm Miracle, ate nina Blair at Denie" at nakipagshake hands siya sa kanilamg dalawa.
"Ang formal mo naman te!" Natatawang sabi ni Denie at hinampas sa balilat si Miracle. "Ouch! Ganyan mo ba tinatrato ang ate mo!" Sabi ni Miracle na pabiro.
"Tara kain na tayo!" Sabi niya at tumawa nalang sina Tristan at Seraphim. Para sa kanila, the three are so adorable to watch.
Meanwhile...
Shane's POV
Hayy, salamat! Tumigil na din sa kakawink tong lalakeng to at kumain nalang ng fries. Bale masyadong baduy kung habang kumakain at kumikindat parin, like eww!
Kumakain ako ngayon ng sundae, cookies n cream, my favorite! Buti nalang meron dito. Mainit din, buti nalang may powers akong wind para hindi ako mainitan ng masyado, wahahaha.
"So Shane, may powers ka ding flying no?" Tanong ni Kenneth.
"Ya, bakit?" Sagot at tanong ko. "Bonding tayo mamayang break, lipad tayo, gusto mo?" Suggest niya. Hmm
"Sige, kaya mong mataas? Hahaha" joke ko pero gusto ko talaga pataasan kami, ha! Kung matalo siya, sasabihin ko sa sarili ko, hindi siya tunay na lalaki, hahaha!
"Syempre! Baka ikaw ang hindi may kaya, huh" Ah, ganyan ah? Sige.
"Sus, tignan nalang natin mamaya, anong subject mo bago lunch?" Sabi ko at kinuha ang schedule ko sa bag ko.
"Hmm, History" sagot niya. Tinignan ko ang aking schedule at History din ang subject bago lunch.
"History din, so magkaclassmate tayo dun kaya sabay narin tayong lalabas, okay?" Sabi ko sa kanya. "Mhm. Since History of Legendaries din yung topic nyan, kilala mo ba ang mga Legendaries na pinatay ng mga Hellios?"
Legendaries na pinatay ng mga Hellios?
"Huh? Hindi, bakit?" Tanong ko.
"May anak daw sila at hindi napatay ng mga Hellios, bigla lang daw nawala. Ganyan nyan yunh topic natin mamaya, don't ask me paano ko nalaman no? I have my ways." At siguro alam mo na ang kanyang signature move.
"WOULD YOU PLEASE STOP WINKING YOU KENNETH FUDGING SANTOS!"
At doon nagtapos ang aking not-so-healthy health break.
Jean's POV
Ugh, I shouldn't be talking this much. It's like I totally forgot that- That.
"And I got this eyeliner from nowhere! It was really mysterious and, and-"
Ring! Ring! Ring!
Tunog ng bell at pinutol ang mga pinagsasabi nitong baklang to. Kesyo eyeliner ganyan, eyeliner ganito. Naka-aish!"Tara na Jean!" Hinatak niya ang kamay ko. "Hep! Hep! Hep! Tanong! Parehas ba tayo ng next subject?" Tigil ko sa kanya. Like duh, Spells and Magics yung next subject ko.
"Uhm, ano ba yung sayo?" Tanong niya as he bit his lip. Mukhang nalungkot. Aww-not!
"Spells and Magics" sabi ko at nagbalik sa pagkapoker faced.
"Ay, Kinds of Moonlights sa akin" naiiyak niyang sabi.
"Uwaaaa!" At iyun, umiyak. Like umiyak na para bang isang 3 year old na bata na kinuhanan ng lollipop.
Please kill me- no him now!
-------------------------
Thank you thank you! Natapos din! Andami kasing school things na pinapagawa eh, so ayan, nabusyhan. Sorry sa mga typos at kung lame ang part na ito pero sa mga bandang gitna, gaganda yan. I hope.Sorry po at natagalan ako *peace* ^_^ pero since christmas break, medyo mabibilisan akong magu-update. Siguro no? Hahaha, don't expect. Thanks for reading! Vote, comment, and share! I would really appreciate that!
-MoonlightGirl88
BINABASA MO ANG
Love & Conflict
Fanfiction(Exo Fanfic) Naranasan mo nabang ma-inLOVE sa taong pinaka ayaw mo? O naranasan mo naba na ang pinaka gusto mong tao ang maging pinaka hate mo? Naranasan mo nadin bang magka-CONFLICT sa taong pinaka-mamahal mo? O yung naramdaman mo na ba yung feelin...