Bookworm- Mga babaeng high school students na matalino, walking dictionary, at alam ang lahat. Hindi sila mukang matalino dahil wala naman silang salamin. Cool lang ang dating nila, walang kalandian, mahilig lang talagang magbasa ng libro. Pero magaling silang magpayo. Madalas mong maririnig ang punch line nilang "Ang eksplinasyon dito....."
--
Nerds- Nakasalamin, may brace ang ngipin, taas man o baba. Nakapusod ang buhok, as in brush-up talaga. Mabilis magsalita pero may pagkabulol. Talsik ang laway at kung ngumiti, labas lahat ng ngipin pati gilagid. Hindi lahat ng nerd matatalino. Yung iba ganun lang talaga ang style. Yung iba naman kahit hindi malabo ang mata nagsasalamin, masabi lang na matalino sila. Madalas mong maririnig ang punch line nilang "Angpzhs eksplinasyonpzsh ditopszh...". ( Ganyan sila magsalita kasi bulol sila, dahil siguro sa brace. May kasama pang laway habang nagsasalita.)
--
Matalinaw- Hindi sila matalino. MATAlinaw sila. Mahilig mangopya, puro hangin ang utak, madaming crush pero walang syota. Madalas nilang kinokopyahan ang mga utu-utong nerds. Sila ang mga assistant ng Socialera. Ang bag nila imitation. Kahit ano gagawin nila para lang magaya ang mga diosa nila. Madalas mong maririnig ang punch lines nilang "Di'ba kaibigan kita, pakopya naman." At "Gucci 'to, pero 250 lang."
--
Socialera- Mga Goddess para sa mga Matatalinaw.Hindi sila makakapasok hangga't hindi sila nakakapag-make-up. Bawat sigundo o minuto nagpa-foundation sila. Laging may hawak na suklay at pulbo. Hindi mapakali kapag nakakakita ng pogi. Lalo na kapag crush na nila ang kausap nila. Laging may kulay ang kuko sa kamay at paa, kahit na bawal ito sa school. Kundi kulay pink, purple, orange at yellow, paminsan checkered pa ang mga kuko nila. Kapag may warning na sila, colorless naman ang kyutiks nila. Di'ba, hindi mo mapipigil ang kalandian nila. Kahit walang kulay, basta may kyutiks, kuntento na sila. Ang mga bag nila mamahalin. Ayaw nilang bumibili ng peke. Nagpapagawa sila ng seatwork at assignment sa mga Matatalinaw. At takot sila sa lahat ng insekto at maduduming bagay. Sila ang kinahuhumalingan ng mga lalaking ambisyoso. Sila din ang kinaiinisan at kinaiinggitan ng mga Etsuserang Frog. Madalas mong maririnig ang mga punch lines nilang "Yuck, you bought it from Ukay-ukay only". At "Eww! Cockroach!"
--
Emongoloid- Mga babaeng mahilig sa kombinasyong pink at black. Umiiyak sila ng walang dahilan. Papansin at gusto ng madaming kaibigan. Naka-eyeliner lagi. Yung makapal na makapal at kulay itim. May full-bangs na buhok at may mahabang stripes na medyas. Kinaiinisan ng mga bookworm dahil laging humuhingi ng payo. Nagpapa-payo sila sa walang kwenta at mababaw na problema. Mabababaw ang luha at konting asar lang iiyak na. Mahilig sa bungong kulay pink na nakangiti. At may checkered na bag. Madalas mong maririnig ang punch line nilang "Nag-iisa nanaman ako, lagi nalang nila akong iniiwan."
--
Goth- Sila ang original na mabababaw. Mababaw ang kasiyahan at mababaw ang luha. Sila ang magulang ng mga Emongoloid. Doble pa sa Emongoloid ang emosyon nila. Kaya nga lang, hindi sila naka-focus sa fashion. 'Di tulad ng mga Emongoloid, kulay black na T-shirt lang o.k na sa kanila. Laging nakasimangot. Pero hindi sila humihingi ng payo. Sa diary nila sinasabi ang lahat ng nasa isip nila. Madalas na may earphone o headphone. Malakas ang tunog at sumisigaw ang mga kanta. Mahilig sila kay Evanescence at sa My Chemical Romance. Ang bungong kinahihiligan nila ay kabaligtaran sa mga Emongoloid. Gusto nila ng bungong nakakatakot ang itsura, yung hindi nakangiti at may crack ang ulo. Madalas mong maririnig ang punch line nilang "Taaaake my haaaand, we'll be..." (Wala silang ginawa kundi patutugin ang paborito nilang kanta.)
--
Rakista- Mga daredevil at mahilig sa adventure. Gusto nila sa mga bagay na may thrill. Kinaiinisan nila ang mga bagay na boring. Kumakain sila ng mga exotic food. Paborito nila ang kulay itim. Lagi silang may dalang skateboard o kaya bisikleta. Mahilig sila sa mga nakakatakot na bagay. Mahilig din sila sa mga lamang loob. Mahilig sa rock bands tulad ng Metallica, Slapshock, Linkin Park at Parokya ni Edgar. Naiinis sila kapag minamaliit sila ng mga lalaki. Pinag-kakait nilang naging babae sila. At naiinis sila kapag may "REGELS" sila. Lagi mong maririnig ang punch line nilang "Rock and Roll!"
--
Amen- Mga makadiyos at may keychain na rosario. Hindi sila nagsasalita at wala silang madaming kaibigan. Hindi kasi sila pinapayagang makipagkaibigan sa mga masasama, kaya kapwa Amen lang lagi ang kasama nila. Hindi naman lahat ng Amen magkakasama. May iba't-ibang uri din ng mga Amen. Depende sa relihiyon nila. Kahit na gano'n ang ugali nila may natatago parin silang kuleksyon. Makikita mo sa kwarto nila ang iba't-ibang uri ng collection na hindi mo makikita sa mga ordinaryong kwarto lang. Para kang nasa simbahan kapag nakapasok ka sa kwarto nila. Madaming picture ng Diyos ang nakasabit sa ding-ding. Pero hindi lahat ng nakasabit, picture na. May mga nakasabit ding medal sa ding-ding. Pero hindi medal ng pagkatalino, kundi medal na may nakasulat sa likod na "Most behave - S.Y ....-...." Madalas mong maririnig ang punch line nilang "Dear ...., Sana po... Amen."
--
Ma-Ma-Ma- Maganda na matalino na, mabait pa. Crush ng bayan at may laman ang utak. Kahit hindi sila ang 1st Honour, sila parin ang nasa isip ng halos lahat ng lalaki sa school. Nagpapakopya sila ng assignment kahit hindi naman sila hinihingan ng tulong. Namimigay ng baon pero palaban. Pinag-babati niya ang mga mag-kakaaway. Hindi nila siniseryoso ang mga lalaki. Sa kanya pumupunta ang mga nerd na gusto na magbagong buhay. Sa kanya pumupunta ang mga babaeng may problema sa pagkatorpe. Pero hindi sila magaling magpayo. Kinaiinisan sila ng mga Socialera at Matalinaw, dahil sinasabi ng mga Socialera na nang-aagaw daw sila ng Stalker. Eto lang ang punch line na maririnig mo sa kanila "Dapat always positive, wag mong isipin ang iniisiip ng iba tungkol sayo, ngitian mo lang sila, tapos!"
--
Smiley- Hindi sila masyadong maganda, pero cute sila. Laging nakangiti at maraming kaibigan. Kahit may problema nakangiti lang. Hindi nila siniseryoso ang lahat ng bagay. Cool lang sila sa lahat ng nangyayari. Ang gusto lang nilang seryosohin ay Pag-ibig. Hindi pa sila handa sa pag-iibigan pero gusto na nila itong maranasan. Isa lang ang crush nila at tinotopak kapag na-inlove. Lalo na kapag first time palang siyang na-inlove. Mahilig silang magbiro at may konting kalibugan. Mga Smiley na lalaki din ang nagkakagusto o nagiging boyfriend nila. Open sila sa lahat ng bagay. Pala kwento at hindi korni. Hindi ka nila pababayaan sa ere. Sila din ang dream bestfriend ng mga babae. Lagi mong maririnig na bukambibig nila ang pangungusap na "Smile lang! Wag mong dadamin may likod ka pa!"