"Bakit ganun? Pag ako yung bumili ng ballpen, nawawala agad. Pero pag napulot ko lang, tumatagal. Ba't ganon?"
××
Bakit ganon? pagka joke, si Juan At Pedro lagi ang bida.
××
Ang galing-galing niyo nga sa practice, kulelat naman kayo sa huli.
Ba’t ganon?
××
Gusto niyo nga maging proud sa Pilipinas, iniinsulto niyo naman ang kapwa niyong mga Pilipino. Ano ba talaga ang gusto niyo?
Ba’t ganon kayo?
××
Ba’t ‘pag may pera, walang mabili. ‘Pag may napili na, wala namang pera.
Ba’t ganon
××
Ba’t sa tuwing may mahirap na sitwasyon si Batman lagi ang bahala?
Ba’t ganon?
××
Ba’t sa tuwing nahuhulog ‘yung isang gamit, dun talaga siya pumupunta sa lugar kung saan mahirap itong kunin?
Ba’t ganon?
××
Ba’t sa tuwing marumi at busy ang kamay mo, dun kumakati ang ilong mo o isang parte ng katawan mo?
Ba’t ganon?
××
Pag may inaabangang event sa isang araw at kailangang gumising ng maaga, unang alarm pa lang, bangon na agad.
Ba’t ganon?
××
Ba’t sa tuwing may planong mag-diet, biglang nakakakita ng masasarap na pagkain?
Ba’t ganon?
