IBAT-IBANG KLASE NG BOYFRIEND:
1. Simple - Eto yung tipo ng mga lalakeng simple lang as in. Yung mag gogood morning sayo, tas gagawin ulit ung daily routine or yung daily na paraan niya ng pagtetxt sayo. Kamusta, kumain ka na ba? Mga ganun. Eto rin yung mga lalakeng kumbaga walang anik-anik kapag in love. Walang kaartehan, hindi demanding kung matipid kang magtxt, yung tanggap ka kung sino ka talaga.
2. Simple lang pero sweet - Eto naman yung mga lalaking umagang umaga, sobrang sweet na kagad sayo sa txt. Yung kunwari, "Good Morning mahal ko, kain ka na po ah, wag papagutom" . Di ka magsasawa sa mga ganto, kasi hindi lang sweet, sobrang cute pa ng pagkakainlove niya.
3. Sweet pero OA - Hayy. Eto naman yung mga nakakainis na lalake. Sample naman nito, eh yung kapag hindi ka lang magtxt sakanya ng ilang minuto. Ganto na kagad itetext niya "Mahal ko, marami ka po sigurong katxt no? Sana kahit papano, mabigyang pansin mo ko, miss na miss na kita eh" Para bang wala ng bukas para makapagtxt ulit kayo. Hanep diba.
4. OA pero cute - Eto naman yung to the highest level mang magmahal, cute naman. Sample nito. Kunwari sa school. Pag di kayo nagkausap. "Oi, madaya ka, galit na ko sayo, di na namamansin. Try mong mamansin ah?Hehe" OA diba? Ano naman kung di ka pansinin? De ikaw kaya ang mamansin. Pero at the same time, cute kasi nahahalata niya or else, may pake siya sayo.
5. Pakipot - Kung dati, babae lang ang nagiging pakipot, ngayon lalake, pwedeng pwede na rin. Sample: Umaga. Magggm. "Saya ng araw ko. Nagpm sakin si crush" Yung kumbaga dinadaan pa sa ibang way para mapakita niya na in love siya. Takot lang or Nahihiya siyang ideretso niya to.
6. Moody - Syempre, ano pa ba. Ede yung mga lalake naman na sobrang gulo. Magulo sa txt, magulo kausap sa phone, magulo kausap sa personal. Yung kumbaga moody as in. Masaya katxt ngayon, maya-maya, magiging matipid na ulit sa txt. Eto yung mga lalakeng, tinetest lang siguro pasensya mo para malaman kung in love ka ba talaga sa kanya. Yung iba pa nga pacool cool lang.Maya-maya magiging sweet ulit.
7. Complicated - Eto naman yung mga lalakeng maraming branches ang buhay. Kunwari, maraming org, maraming laro like dota or basketball. Yung kumbaga naiitsapwera ka na. Pero ayos lang kasi ang mahalaga naman talaga eh yung naglalaan talaga kayo ng oras sa isa't isa. Dahil di talaga maiiwasang magkaroon ng ganon sa buhay.