Malanding - Sulutera
Yung mga taong alam naman nilang may karelasyon yung tao, todo parin sa panlalandi. Pilit gagawin ang lahat makuha lang yung taong gusto nila kahit alam nilang committed na.
Malanding - Joke
Yung nanlalandi, pero hindi seryoso na as in nilalandi niya dahil gusto niyang maging sila. Kumbaga parang trip lang ba, yung panlalandi. Parang katuwaan lang niya.
Malanding - Friends With Benefits
Yung mga taong nakikipagpaibigan lang dahil may hidden agenda. Tigang siguro. =)
Malanding - Sweet
Yung sobrang sweet mo lang pero di mo namamalayan napapaasa mo na pala yung tao, therefore belong ka sa malanding type. Chos.
Malanding - Seryoso
Malandi talaga ang peg, yung gagawin ang lahat para mapansin siya ng taong nagugustuhan niya.