APRIL 2007
Umalis ako ng bansa para sa isang Youth Conference sa Singapore. Isa ako sa mga delegado na pinadala ng pilipinas upang lumahok sa nasabing pagtitipon.
Limang araw akong nanatili sa bansang iyon. May friendster naman kaya hindi naman ako huli sa mga balita na nagaganap sa pinas.
Madami akong nakilala at nakasalamuha na iba't-ibang lahi.
Sa pagkakataong ito, winaksi ko ang pagiging mahiyain at nakipag-halubilo sa mga foreigners na aking kasama sa conference.
Tapos may nakilala ako. Koreano. Gwapo siya at sabi niya ay naglalaro siya ng soccer sa school nila. Naging interesado ako sa kaniya dahil napaka-gaan niyang kasama. Paminsan-minsan ay kinakausap ko siya. Hirap man sa ingles dahil hindi ito ang araw-araw na ginagamit ko para sa komunikasyon ay nagawa kong magtanong sa kaniya. Random questions.
Hanggang sa nakalimutan ko na may isa pa lang lalaki na naghihintay sa akin sa pinas. Echos lang! Pagpasensyahan ko na ako kung medyo may pagka-feelingera ako. Anyway, ayun nga, ng mga sandaling iyon, nakalimutan kita. Ni-hindi ka sumagap sa isipan ko ng dahil sa kaniya. Sobrang nag enjoy kasi ako sa company niya.
Hanggang sa huling araw na ng pananatili namin sa Singapore.
Nilapitan ko siya, at nagpaalam. Plano ko sanang hingiin ang email address niya para ma-add ko sa friendster o di naman kaya ay mapadalhan ko ng email pagbalik ko ng pinas. Maka-chat sa yahoo messenger o maka video call. Either way.
Ang kaso, hindi natuloy ang paghingi ko ng impormasyong iyon. Alam mo kung bakit?
Eh kasi, mas type niya pala ang kaibigan ko at bago ko pa mahingi ang email add niya ay inunahan niya na ako sa pagtanong ng email add ng aking kasama sa delegasyon.
Haaaay, bigo na naman ako.
Ang saklap lang dahil parang sinampal talaga sa akin ang realidad na walang magkakagusto sa akin.
Ganun naman siguro ang buhay. Kung ano pa yung gusto mo, ayun pa ang ayaw ibigay sayo.
Tulad mo.
Hep! Bago ka mag-isip ng kung ano diyan, linawin mo muna kasi ang intensyon mo sa akin. Sala sa init, sala sa lamig ka paminsan-minsan. Ang hirap mong espellingin at ang hirap mong idecipher. Ang sakit mo sa ulo at ang sakit mo sa puso! Nakakainis din paminsan-minsan dahil pa-fall ka din eh.
Ang sweet mo naman kasi na halos nakakalanggam na. Kahit sino ay kikiligin sa mga 'da moves' mo. Kahit sino ay mahuhulog sayo.
Pati ako.
Oo, inaamin ko na nahuhulog na pala ako. Hindi ko alam kung kelan, hindi ko alam kung saan, hindi ko alam kung bakit o Kung paano...
Hindi ko nga alam ang tunay na kahulugan ng pag-ibig eh.
Kaya nagtanong ako, nag research at inalam kung ano nga ba iyon. At ayon sa napagalaman ko ay... Walang tama o mali na eksplenasyon sa salitang pagmamahal. Maraming klase eto. Pagmamahal mo sa pamilya, pagmamahal mo sa mga kaibigan o kahit ang simpleng malasakit sa kapwa ay isang porma ng pag-ibig.
Eh yung sayo? Isa pa lang ang sigurado ako sa pagkakataong iyon. Ikaw ay espesyal sa akin.
***
BINABASA MO ANG
A Letter to Romeo (COMPLETE)
Non-FictionIsang liham para sa isang lalaking minsan kong minahal...