Sa kasalukuyan, nakasakay ako sa bus papuntang Seattle habang sinusulat ang liham kong ito para sayo. Ano nga ba ang ginagawa ko dito sa lugar kung saan libo-libong milya ang layo sayo? Sinusubukan kong abutin ang pangarap ko dito sa lupang banyaga kung iyong ibig malaman.
Malungkot na masaya ang buhay dito. Malungkot, dahil malayo ako sa pamilya at mga kaibigan ko na nasa pilipinas. Namimiss ko ang buhay na kinalakihan ko dahil malayong-malayo ito sa kung ano meron ako ngayon. Masaya naman dahil kahit papaano ay naiibsan ang kalungkutan na tinatamasa ko. May skype at facebook naman para makausap ko ang pamilya ko at syempre mga kaibigan ko na din. Masaya dahil naeenjoy ko ang trabaho ko at nagkaroon ako ng nga kaibigan dito na masayang kasama.
At sa kabila neto, lagi ko tuloy naiisip, ano nga ba ang nangyari sa ating dalawa?
Madaming taon na ang lumipas simula nang tinanong mo sa akin iyon. Ano nga ba ang nangyari?
Isa lang ang masasabi ko.
Our love came at a wrong place at a wrong time.
Matapos kasi ng tagpong iyon, sa hindi ko malamang dahilan, dinistansya ko ang sarili ko mula sayo. Nakaramdam kasi ako ng takot. Baka masaktan mo ako at hindi ako handa sa ganung pangyayari. Baka matulad ako sa mga babaeng naging parte ng buhay mo na umiyak at nasaktan.
Pero bago tayo tuluyang tumuloy sa dalawang buwan na school break ay muli kang nagpahayag. Liligawan mo na talaga ako sa susunod na school year.
That made my hopes go up.
Kaya naman sumunod na school year, sinubukan kong ayusin ang sarili ko. Medyo nagpapayat ako ng kaunti at natuto na ako maglagay ng kolorete sa mukha ko. Mantakin mo, i was 13 when i started using compact powder from Avon, Concealer galing Nichido, at Skin White na cream pero pag nilagay mo sa mukha mo ay magiging powder. Bumibili din ako ng cheek and lip tint mula sa penshoppe at baby cologne naman sa bench. Halos maubos ang baon ko sa mga yun. Nagpapakulay na din ako ng buhok at pina-rebond ko pa. Salamat sa sponsor kong si Mama.
Ginawa ko ang lahat ng iyon dahil gusto kong maging maganda sa harapan mo araw-araw. Gusto kong mapansin mo ako, gusto kong sabihin mo na maganda ako.
Oo na, ako na ang papansin. Pero anong magagawa ko kung natamaan talaga ako sayo?
Wala akong kontrol sa puso ko. Kahit ang sabi ng isip ko ay huwag kang piliin dahil baka masaktan lang ako, pero heto ang puso ko, hindi nakinig. Pinagpatuloy pa din ang pakikipaglaban.
Nasaan na ang sinasabi mong liligawan mo ako? Lumipas na ang ilang buwan simula ng magbukas ang school year, pero ni isang paramdam mo ay wala akong naramdaman. Ano na naman ba 'to? Hopia na naman ba, huh?
Aaaaahhh... Kaya pala... Kaya pala hindi mo na tinuloy kasi nakahanap ka na ng iba.
Si Trishia.
Si Trishia na simple lang ang ganda. Magaling sumayaw. Wala masyadong arte sa katawan. Isang ideal girl sa mga kalalakihan dito sa eskwelahan natin.
Alam mo ba, napaiyak ako nung malaman ko na naging kayo?
Never naman ako umiyak ng maging kayo ni Emily at Darling eh.
Pero iba ang sakit na naging hatid sa akin neto ngayon. Umiyak ako. Nakita mo ako. Tinanong mo ako kung bakit.
Sagot ko: "masaya ako para sayo. Bagay kayong dalawa."
T*ngna, natuto na din pala ako magsinungaling.
Kaya naman naisip ko, baka hindi naman talaga tayo para sa isa't-isa. Baka pinatikim lang sa akin ng tadhana kung paano ang umibig. Baka isang panaginip lang ang mga panahon na hawak mo pa ang kamay ko at ang madalas mong pag yakap sa akin noon. Baka... We are not really meant for each other.
At siyempre, matapos ng tagpong iyon, isa lang naman ang pwede kong gawin eh.
Ang mag-move on.
***
BINABASA MO ANG
A Letter to Romeo (COMPLETE)
No FicciónIsang liham para sa isang lalaking minsan kong minahal...