2006
Ayan yung taon nang lumipat ako sa eskwelahan na pinapasukan mo noon. Doon kita nakilala. Sa una pa lang ay nakuha mo na kaagad ang atensyon ko. Dahil sa angking kagwapuhan mo at talaga namang palakaibigan ka ay agad naman ako napalingon kung saan ka nakaupo. Boses mo ang laging laman ng classroom. Pangalan mo ang bukambibig ng lahat ng kaklase natin.
Ako na bago, alam ko na hindi ko makukuha ang atensyon mo dahil madami nang nakapaligid sayo.
Ako na wala pa sa kalingkingan ng nga babaeng kumakausap sayo.
Ako na tahimik.
Ako na pipiliin na lang na huwag mag salita para hindi mapahiya.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nilapitan mo ako at nakipagkilala.
Sa sobrabg gulat ko ay hindi ko nagawang tanggapin ang kamay mo. Pasensya na dahil naunahan ako ng kaba sa aking dibdib. Mas gwapo ka pala talaga sa malapitan. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi humanga sa iyo sa panahong iyon.
Isang simpleng "Hi" at "Ako nga pala si..." Ang bungad mo sa akin na naghatid ng kakaibang pakiramdam sa buong sistema ko. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko pero napako na lang ang aking mata sa mga mata mong nangingislap. Pansin ko din na ang haba at makakapal pala ang iyong pilik-mata. Nakakatawang isipin pero nainggit ako. Hahahaha!
Ayun nga, sinabi mo ang pangalan mo at ngumiti ka sa akin. Ikaw lang ang kaisa-isang lalaki na nakikilala ko na may napaka-perpektong mga ngipin. Halos mabulag ako sa sobrang liwanag ng iyong ngiti. Pero hindi naalis sa akin ang pagtataka. "Bakit mo ako nilapitan?"
Ngumiti ka lang ulit at napamulsa.
Ang sabi mo, gusto mo ako maging kaibigan.
Alam mo ba kung gaano ako pinasaya ng sinabi mong iyon? Abot langit ang kasiyahan ko. Dahil sa unang pagkakataon ay may gusto pa lang makipagkaibigan sa akin. Akala ko ibubully na naman ako. Isa ito sa mga sikreto ko na ayaw ko ipagsabi. Nakakahiya man aminin pero biktima ako ng pangungutya at pangangawawa sa nakalipas na mga taon.
Mahina akong tao. Mas pipiliin ko pang manahimik na lang kesa lumaban.
Pero dahil sayo, hindi ko naramdaman ang panganib na muling maranasan ang nakakatakot na bangungot.
Dahil sa sumunod na mga buwan, pinagtatanggol mo na ako mula sa mga tao na ang kasiyahan lang ay ang magpa-iyak at manakit ng kanilang kapwa.
Mailang beses mo din akong sinagip. Ako na hindi marunong lumangoy ay inahon mo ako mula sa pagkakalubog mula sa anim na talampakang swimming pool sabay sabi: "ayos ka lang ba, huh?" Tono mo pa lang na para kang nag aalala ay naiyak na ako. Marahil ay sa takot ko na muntikan ng mamatay pero nangibabaw dun ang dahilan na nagalala ka sa akin at kung wala ka sa mga oras na iyon ay paniguradong nakikipag laban na ako kay kamatayan. Niyakap kita agad at gayun din ang ginawa mo sa akin. I found safety on your arms.
Ilang buwan pa ang lumipas, bigla kang nag tapat sa akin. Ang sabi mo ay gusto mo ako. Hindi ako makapaniwala sa tinuran mo dahil una sa lahat, alam ko na hindi ako ang tipo mong babae. Ang layo ko sa mga babae na nakapaligid sayo. Tulad nga ng sabi ko, wala pa ako sa kalinkingan nila. Ayaw ko man maliitin ang sarili ko pero ito ang totoo.
Hindi ako maganda.
Hindi ako balingkinitan.
Hindi ako kasing puti ng mga balat nila.
Sobrang tahimik ako at mahiyain din.
Wala akong gaanong talento pero kumakanta naman ako...sa banyo.
I don't stand out.
Kaya ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko ng magtapat sa akin. Baka lamang ay binibiro mo ako, tutal, ayun naman ang hilig mong gawin. Masyado ka kasing makulit at masiyahin kaya ang paraan mo para mapatawa ang isang tao ay dinadaan mo ito sa pabirong pagbitaw ng matatamis na salita. Hindi ako galit sayo kung ayun man ang dahilan mo. Sa katunayan niyan ang magiging masaya pa ako dahil alam kung gusto mo lang lagyan ng ngiti ang aking mga labi kahit na ang nakasalalay dito ang aking damdamin.
Babae lang din ako, at aamin ko. I am Naive when it comes to love.
Paano ko nga ba malalaman kung totoo ang sinasabi mo kung sa akin pa lang ay hindi ko pa alam ang tunay na kahulugan ng salitang "PAG-IBIG".
Marami na akong naging crush noon. Pero hanggang paghanga lang ang naramdaman ko. Pero aaminin ko, may naging 'puppy love' ako nun. Hindi ko alam kung ayun ba dapat ang itawag dun pero kung hindi nagkakamali ang alaala ko noon ay lagi kong sinusundan siya. At dahil kapit bahay ko siya ay walang araw na hindi kami magkasama. I know that time, i think I'm in love dahil lagi akong kinikilig pag nakikita ko siya. Siguro nga puppy love nga iyon.
Kaso hindi natuloy iyon. Kasi lumipat ako ng bahay at hindi ko na siya muling nakita pa. Nagkita kami isang beses pero wala na akong ibang nararamdaman na kahit ano para sa kaniya.
Pasensya na kung pati ito ay kailangan kong ikwento sayo. Mahilig kasi ako may flashback eh. Pero sige, balik na tayo sa ating usapan.
Ayun nga, bigla kang dumating sa buhay ko. Yinanig mo ang tahimik kong mundo. Wala ito sa plano ko. Ang gusto ko lamang ay mairaos ko ng matiwasay ang buhay highschool ko. Pero mukhang hindi na mangyayari yun dahil nung sinabi mong gusto mo ako ay...
Nakikita ko na ang sarili ko na nahuhulog na sayo.
Pero, pinigilan ko ang sarili ko. Dahil baka lamang ay pinaglalaruan mo lang ako. Winaksi ko ang naiisip ko tungkol sayo at tumawa na lang sa iyong inamin.
Ang sabi ko: "huwag ka nga! Palabiro ka talaga!" Nahampas pa tuloy kita. Sorry ulit.
Pero ikaw itong hinuli ang aking mga kamay at ngumiti ng malumanay. Hindi mo pinuputol ang tingin mo sa aking mga mata. And there... I felt the spark.
At doon na nagsimula ang paghanap ko sa totoong paliwanag sa salitang "Pag-Ibig"
***
BINABASA MO ANG
A Letter to Romeo (COMPLETE)
Non-FictionIsang liham para sa isang lalaking minsan kong minahal...