THE LAST PART
Ang pag-ibig ko sayo ay hindi nawala, bagkus ang naging pag-ibig ito para sa isang taong naging parte na ng buhay ko. Sa iyo na naging aking kaibigan, sa iyo na aking naging barkada at sa iyo na aking naging kapatid na.
Lumipas ang ilang taon, lagi kong naisip na kung sana ay niligawan mo ako ay sana naging tayo na. Pero hindi ko inisip na... Magiging masaya kaya tayo kapag tayo na?
Along the way I learned that... love is something that you want to hold forever. There's always the right time for it. There would be a perfect person who will come to your life and make you realize that Love cannot be rushed. Hinihimay ito at pinapakiramdaman. Sinisigurado bago magdesisyon. Para kapag nakabuo ka na ng sagot mo sa mga katanungan mo ay hindi mo mapagsisihan kung ano man ang sa tingin mo ay nararapat sayo.
Ika nga ni Lola Nidora, Lahat ng bagay ay may Tamang Panahon.
Alam mo, tama ka. Ngayon ko lang napagtanto na mas mabuting pahalagahan na lang natin ang pagkakaibigan natin. Tutal, dun naman tayo nagsimula.
Meron pa nga pala ako gustong ipagtapat sayo bago ko tapusin ang sulat na eto.
Naalala mo pa ba nung nagtapat ako sayo? Ang sabi ko gusto kita higit sa kaibigan but less than a lover. I lied. Hindi lang kita gusto dahil mahal na talaga kita. Hindi ko lang masabi ang lahat dahil nahihiya ako. Wala talaga akong lakas ng loob na sabihin sayo ang tatlong mahiwagang salita.
Haaaay, sige eto na... I will finally let you go.
Dear Romeo,
Una sa lahat, i want to the thank you for all the woderful memories and feelings that you gave me. Hindi man tayo sa huli ay kahit papaano ay naparamdam mo sa akin ang dapat maramdaman ng isang normal na babae.
You made me felt how to love and how to be loved.
And I thank you for that.
Gusto ko din humingi nang tawad kung minsan ay nirereject ko ang lambing mo. Sorry din kung nasuntok kita noon. Ikaw naman kasi, bigla bigla ka na lang nanunulak sa pader at kinulong ko ako. Ang lapit ng mukha mo sa akin noon. Sobrang seryoso mo. Di ka naman nagsasalita. And then you attempted to kiss me pero nakailag ako. Sa gulat ko ay nasuntok kita. Ikaw naman kasi. Kaloka ka! Di ko man natanong kung bakit mo ginawa yun pero ibaon na natin sa limot. Parte ito ng parting time natin dalawa.
Hindi ko naman inaasahan na mabasa mo 'to. Dahil alam ko naman na hindi mo talaga ito mababasa.
Wala akong lakas ng loob sabihin sayo ng harapan ang mga salitang nilalaman ng aking liham sayo kaya idadaan ko na lang ang lahat dito.
Nang makita ko ang litrato mo sa FB kasama ang isang babae na may suot ng singsing habang nakayakap ka sa kaniya at parehas kayong masaya, at ito ang unang beses ko makita ang kislap sa iyong mga mata habang nakatingin ka sa kaniya, naisip kong eto na ang tamang panahon.
Ang panahon na parayain ko na ang sarili ko sa nakaraan.
Kung sakali man mabasa mo nga,
Isa lang ang masasabi ko sayo,
Sana ay maging masaya ka na sa piling nang iyong tunay na Juliet.
At sana, sa araw na magkita tayong muli ay maipakilala ko na sayo ang aking tunay na Romeo.
I wish you all the best. You deserve to be happy with her.
Ito na ang katapusan sa istorya nating dalawa pero ito din ang simula sa panibagong yugto ng buhay natin.
Huwag kang mag-alala, darating din ang oras na sariling istorya ko naman ang isusulat ko dito. Ang pag-ibig ay dumadating sa tamang panahon. Kaya maghihintay lang ako.
Sige, hanggang dito na lang.
Good bye, Romeo. I know you found your happy ever after.
Ipagdasal mo na lang din na mahanap ko na yung akin.
Sincerely yours,
Juliet
(END)
BINABASA MO ANG
A Letter to Romeo (COMPLETE)
Non-FictionIsang liham para sa isang lalaking minsan kong minahal...