Ako'y muling nagbabalik para ipagpatuloy ko ang mga dapat kong sasabihin. Ilalathala ko na kaya dapat ka nang maghanda. Buksan mo ang iyong mga mata at isipan at balikan ang nakaraan.
^echos ko lang yan. Ang lalim ng mga sinabi ko! Nakakadugo ng ilong! Anyway....
Pero bago ang lahat, bago mo basahin ang mga susunod na nakasulat, gusto ko lang ipagbigay kaalaman sayo na dahil sa mga nangyaring iyon ay madami akong natutunan.
Tulad na huwag umasa dahil masakit ma-hopia.
At maaring lahat ng matatamis na pakikitungo mo sa akin noon ay wala naman talagang laman.
Kumbaga, bokya.
Isa ko pang natutunan?
Kapag malapit ka ng mahulog, sigaw ka bigla ng: 'wait a minute! Kapeng mainit!' At maglagay kaagad ng harang o limitasyon. Lalo na kung wala kayo sa iisang bangka. Wala kayo sa iisang pahina.
M.U nga talaga. malabong usapan, malabong ugnayan.
Ewan ko kung dapat ko bang ipagpasalamat sayo ang mga aral ba natutunan ko pagkatapos nang mga nangyari kaso eto ka na naman eh!
Hiwalay na kayo ni Darling.
Kawawang bata, nasaktan ng sobra sa break up niyo. Saksi ang mga mata ko kung gaano ka niya kagusto. Alam ko naman na gusto mo din siya. Kaso hindi lang kapantay o higit sa pagkagusto sayo ng tao.
Di ko na aalamin ang dahilan ng paghihiwalay niyo pero alam mo ba, sa totoo lang ay masaya ako. Oo na, ang sama ko dahil ako pa ang may ganang maging masaya sa kabila ng malungkot at masakit na pamamaalam niyo sa isa't-isa. Pero masisisi mo ba ako? Eh kung sa single ka ng muli at maaring balikan mo din ang naudlot na love story sa ating dalawa, kung meron man talaga.
At di nga ako nagkamali!
Likas kang malandi!
Ay este, sweet ka pa din! Balik sa mga 'da moves' mo sa akin.
Bigla kang manghahawak ng kamay, manghahalik sa pisngi tulad nung christmas party naten noon. Mangyayakap at kung ano ano pang kalandian. Ang dami mong alam! Kaloka!
Tapos dalawang buwan bago matapos ang school year, eto ka na naman. Umaariba. Susulyapan mo ako ng palihim. Paano ko nalaman? Kung hindi ka naman sa engot na may salamin kaya sa harapan ko. Huling-huli kita uy! Pero di ko pinapahalata kasi kahit papaano kinikilig pa din ako.
Tapos!
Nung minsan nanuod ang klase natin ng isang historical movie sa theater, sa dinami-rami ng mauupuan ay sa tabi ko pa talaga mo napiling umupo. Tapos habang nanunuod tayo, kinuha mo ang kamay ko at pinagsiklop ito sa iyo.
Nagulat ako sa ginawa mo. Oo, paminsan-minsan ay hinahawakan mo ang kamay ko at kalimitan ay wala lang sa akin yun dahil nasanay na din ako. pero bakit iba ang naramdaman ko sa pagkakataong iyon? May gusto ka bang ipahiwatig? Gusto mo na ba talaga ako?
Ayun nga, habang hawak mo ang kamay ko ay siya namang pag upo sa tabi nang iyong matalik na kaibigan. Sunod ay biniro ka niya tungkol sa panliligaw 'kuno' mo sa akin.
Tinawag niya ako sabay sabi: "Pag niligawan ka neto, huwag mong sagutin ah."
Bigla tuloy nawala ang atensyon ko sa pinapanuod natin dahil nawindang na ako mismo sa sinabi nang iyong kaibigan.
Natawa na lang ako at pasimpleng tinanggal ang kamay kong nakahawak sa akin. Pero kinuha mo iyon ulit at muling pinagsaklop ang mga kamay natin. Kahit madilim ay nagawa kitang tingnan. At halos himatayin ako nang seryoso kang nakatingin sa akin.
Eto na naman, haaaay, aasa na naman ba ulit ako?
And then you said to me... "Okay lang ba sayo kung liligawan kita?"
Nang marinig ko ang sinambit mo ay napahinto ang tibok ng aking puso. Eto na ba yun? Eto na ba ang hinihintay kong pagkakataon?
Magiging tayo na kaya???
***
BINABASA MO ANG
A Letter to Romeo (COMPLETE)
Non-FictionIsang liham para sa isang lalaking minsan kong minahal...