Paano nga ba mag move-on?
Sabi nila, iwasan ang taong dapat iwasan.
Abalahin ang sarili.
Mag focus sa mga bagay na kailangan bigyan ng importansya tulad ng pag-aaral.
O
Maghanap ng ibang mapagbabalingan ng atensyon.
Yun ang mga advices na nakalap ko. Sinunod ko. Nag enroll ako sa after school activities. Yung mahiyain na ako ay nagawa kong nakapag campaign at tumakbo as a student council secretary at nanalo pa ako. Mas lalo pa akong nag focus sa pag aaral at candidate for honorable mention pa ako. At naghanap din ako ng ibang tao na mapagbabalingan ko ng aking atensyon. Ginawa ko naman ang lahat ng iyon, pero bakit ganon? Hindi ata gumana sa akin at ikaw pa din ang hinahanap-hanap ng puso ko? Bakit ikaw pa din ang gusto ko? Bakit ikaw pa din ang mahal ko?
Pakiramdam ko tuloy, napakatanga ko.
Kasi kahit may iba ka ng gusto, umaasa pa din ako at nagbabakasali na muli mo akong magustuhan.
But it never happened. You fell in love with her so hard. Sobra mong minahal si Trishia na iniyakan mo pa siya ng nakipag hiwalay siya sayo dahil may boyfriend naman pala siya ng maging kayo.
Pero pumayag ka pa din makipag relasyon sa kaniya kahit alam mo na may iba pala siya.
Matanong ko lang, bakit ka pumayag?
Mapasa hanggang ngayon, palagi ko pa din iniisip at hinahanap ang kasagutan sa tanong na iyon. Hindi ito naging malinaw sa akin hanggang sa ngayon.
Ngayon na...
Mamaya ko na lang sasabihin. Balik muna tayo sa nangyari ng taon na yun.
Ayun nga, Naghiwalay kayo ni Trishia. Nagulat ako sayo ng nakita kitang umiiyak at sinusuntok ang pader sa may hagdan. Nakatalikod ka at inaalo ka ng dalawa mong kaibigan.
"Pare, tama na yan. Respetuhin mo na lang ang desisyon niya."
Sabi ng isa mong kaibigan.
"Oo nga Pre, mas maigi na yung ganito dahil may boyfriend si Trishia nang maging kayo. Hayaan mo na lang pre."
Alo pa ng isa mong kaibigan.
Bigla kang tumigil sa pag-iyak at tumingin sa kanila.
"Hindi ko kayang mawala siya! Mahal ko si Trishia!!!" Umalingawngaw ang sigaw mo sa lugar na yun. Sapat na para marinig ng paparating na ako.
Paano ko ba maipapaliwanag kung ano ang mga naramdaman ko nung nakita kitang napaka-fragile sa mga oras na yun? Paano ko ba ilalagay sa mga salita ang mga ito? Paano ako magmomove on kung nakikita kitang nasasaktan ng ganon?
Paano ko magagawang pakawalan ka kung gusto kong yakapin kita at kung maari lang ay kunin ko ang sakit na nararamdaman mo?
Paano pa kita magagawang kalimutan kung ang salitang 'move on' ay tila nawala na sa aking isipan?
Paano?
***
BINABASA MO ANG
A Letter to Romeo (COMPLETE)
Non-FictionIsang liham para sa isang lalaking minsan kong minahal...