ALTR Page 4

47 1 0
                                    


Ilang buwan pa ang lumipas, panibagong taon na naman sa highschool. Third year na tayo at magkaklase pa din. Mukhang ayaw tayo paglayuin ng tadhana ano? Kasi kahit sa seating arrangement, magkatabi pa tayo.


Pinagtritripan ata ako ng tadhana eh.


Kasi kahit anong gusto kong lumayo sayo, pinaglalapit pa din tayo.


Pero kaya ko naman tiisin yun. Nagsimula naman tayo bilang magkaibigan at sa tingin ko kaya ko naman pakisamahan ka tulad ng dati.


Pipilitin ko, kakayanin ko. Basta lang ay maki-ayon ang pagkakataon sa akin. Kung kinakailangan ay hindi kita gaanong pansinin kahit katabi pa kita ay gagawin ko. Basta lang ay huwag nang manumbalik ang naudlot na pagtatangi ko sa iyo. Ang hirap kasi eh, kung magugustuhan mo man ako, may patutunguhan ba?

Isang malaking WALA.


Dahil alam mo kung bakit?


Kasi una sa lahat parang langit at lupa tayo eh. Ikaw langit, ako lupa. Kape at gatas. Ikaw ang gatas ako ang kape. Tubig at langis. Kahit kailan ay hindi maaring maghalo. Ganun tayo. Kahit kailan ay hindi nababagay sa isa't-isa.


Kaya kung sakali man matuloy ang mga hindi natuloy noon, wala rin iyong silbi. Hindi rin iyon magtatagal dahil sa mga sasabihin ng mga taong nakapaligid sa atin.


Pero teka, mabalik tayo. Sa tingin mo, kakayanin kong huwag kang pansinin?


Psh! Oo na! Tama ka! Hindi ko nga kaya!


Dahil kahit magsungit ako ay hindi ko pala talaga kayang tiisin ka. Isang simpleng joke mo lang ay napapatawa mo na ako. Isang mabilis na ngiti mo lang ay tumitibok ng ganitong kabilis ang puso ko.

Dug.tug.dug.tug.dug.tug.


Bwisit na buhay 'to. Mukhang mahal na naman kita.



At diyan na nagsimula ang pagpasok ko sa mundong hindi normal sa kinagisnan ko. Sobrang bago ito sa akin. Para akong isang sanggol na nag aaral pa lang kung paano gumapang, maglakad at sabihin ang mga unang kataga tulad ng Mama at Papa. Lahat ay kinakapa ko pa at pinapakiramdaman.



Sa buong taon na kasama kita, ang dami na nangyari.


Ayokong isalaysay ang lahat dito dahil sa totoo lang ay ang dami ko nang nakalimutan.


Pero may dalawang pangyayari sa taon na iyon ang hinding-hindi maalis sa isipan ko mapasa hanggang ngayon.

 Alam mo kung ano yun?


Sige sasabihin ko. Makinig--este, basahin mong maigi ha. Dahil sa totoo lang ay gusto kitang saktan sa mga oras na yun.


FIRST: Syinota mo si Emily.



Alam mo yung pakiramdam na gusto mong sumabog sa halo-halong emosyon na lumalabas sayo sa tuwing nakakatanggap ka ng isang balita na hindi mo inaasahan at hindi magandang malaman?



Galit. Inis. sakit. At ano pa ba? Ah! Gusto kong pumatay ng tao! Ay hindi, joke lang yun. Masyadong harsh.


Ayan ang mga naramdaman ko ng kumalat sa buong ekswelahan ang relasyon niyong dalawa. Nung una ay di ako naniwala. Si Emily? Si Emily na senior. Si Emily na running for salutatorian ng batch nila. Editor -in-chief ng school news paper. Si Emily na mestiza. Si Emily na matangkad at balingkinitan na parang modelo. (Ay, nag model nga pala siya para sa Palmolive! Kasama niya si KC. Susyal! Sige, siya na!)si Emily na ang galing sumayaw. Si Emily na nasa kaniya na ang lahat.



Si Emily na walang kamuang-muang na pinapatay ko na pala sa isipan ko. Biro lang pero jokes are half meant.


Ayokong maniwala! Kasi sabi mo noon, kung magkakagirlfriend ka man ay ayaw mo sa mas matanda sayo. Ayaw mo din ng mas bata sayo. Ang gusto mo ay kasing edad mo lang. Pero anyare?! Si Emily na dalawang taon ang tanda sayo, syinota mo!


At hindi ka pa nakuntento, pagkatapos ng kay Emily, si Darling nam.an!


Si Darling na Freshman. Si Darling na cute. Si Darling na 1/4 British. Si Darling na sobrang sweet. Si Darling na kahit medyo boyish ang pananamit ay sobrang ganda pa din.


Ang sarap mong murahin! Pero di ko gagawin yun. Kasi bad daw yun sabi ni God. At masama ang magsabi ng masasamang salita sa kapwa.


Ayokong palabasin na ikaw ang masama dito. Sorry. Pero gusto ko lang malaman mo na... Leche lang talaga, parang pinamumukha mo talaga sa akin na isa lang akong malaking (literal) na joke sa iyo. Isang entertainment. Isang nagbibigay aliw. (Don't be green minded!)

Bago ko tapusin ang pahinang ito na humahaba na ng humahaba. Ang dami ko kasing gustong ikwento at sabihin sayo eh. Pero... Gusto ko lang malaman mo na...

Bwisit ka... Makarma ka sana.


Sige. Bye.


***



A Letter to Romeo (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon