Kung nahihiram lang ang pag-ibig ay maaring nagawa ko na sa panahon na iyon. Kung parang isang dvd lang ito na pwedeng rentahan kung kailan ko gusto na may kalakip na kakaunting halaga at ibabalik ito sa nakatkdang araw ay ginawa ko na din.
Kaso hindi ganun iyon eh.
Hindi mo ito pwedeng hiramin. Ni hindi mo pwedeng rentahan. At hindi mo pwedeng ibalik kung kailan natapos mo nang gamitin.
Kasi ang pag-ibig, kahit kailan ay hindi pwedeng nahiram lalo na kung may nag mamay-ari na dito. Hindi mo din ito pwedeng bayaran dahil love is priceless. Hindi mo din ito pwedeng ibalik dahil tapos kana gamitin ito at pinagsawaan mo na.
Ang pag-ibig ay hindi isang kanin na mainit at kapag napaso ka ay iluluwa mo na lang basta basta.
Sa mga nakalipas na taon ay ito ang mga bagay-bagay na natutunan ko.
mukhang ang salitang 'move on' ang kailangan ko pang pag-aralan.
Pero hindi naman kalaunan ay nauso sa akin ang salitang iyon.
Nabaling sa iba ang atensyon ko.
And for the second time around, tinamaan na naman ni kupido ang puso ko.
Jon Leo
Alam kong pamilyar siya sayo. Kasi naman, Isa siya sa mga tropa mo.
Paano ko ba ilalarawan si Jon Leo sayo? Hmmm, tutal kilala mo naman siya dahil di hamak na mas close kayo. Pero dahil naging kaklase ko siya sa loob ng apat na taon ay nagawa ko naman siyang makilala.
Yun lang ay nung una ay hindi ko siya napapansin.
Hanggang sa may isang kaganapan na nangyari na nagpatunay sa salitang move-on para sa akin.
Nasa theater ako noon at nag rerehearsal para sa darating na musical play ng school. Nasa likod pa ako ng entablado dahil kakatapos lang ng cue ko. Medyo pawisin na ako dahil sa sayaw at acting na ginawa ko.
Then he came.
Nakita niya ako at bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at ibinigay sa akin ang kaniyang upuan nang walang pagaalinlangan. Tapos napansin niya ang pawis na tumutulo sa aking noo at pinunasan niya eto gamit ang panyo niya. Pinaypayan pa niya ako habang nakatayo siya sa gilid ko.
Sa sobrang gulat ko sa gestures niya ay hindi ako agad naka galaw. Nabigla ako dahil kahit kailan ay hindi ganyan ang pakikitungo niya sa akin. Oo, magkaibigan at magkaklase kami pero tulad nga ng sabi ko, he never cared for me like this before. Not like he doesn't care at all pero alam mo na ang ibig kong sabihin.
Ayun nga, at dahil pusong mamon lang din ako, bigla akong nahulog sa kaniya. Nagkaroon ako ng crush sa kaniya turned admiration na din dahil siya ang nakapartner ko sa play. Nanduon ka din kaso iba ang nakapareha mo.
Jon Leo helped me all the way through all rehearsals. Kapag hindi ko makuha ang mga steps, tinutulungan niya ako. Kapag nagkamali naman ako ay gumagawa siya ng paraan para mapagtakpan ako at hindi sitahin ng director.
He is an epitome of a true gentleman.
Hindi sa hindi ka gentleman, pero kay Jon Leo kasi, iba ang dating sa akin. Kahit ayaw ko bigyan ng malisya, nabibigyan ko kasi kahit kailan ay hindi siya naging malapit sa mga babae. Very aloof siya sa mga katulad ko. NGSB at wala pang naliligawan. Kung baga, inosente pa siya. Hindi niya namamalayan na ang simpleng gestures niya ay may nakakapansin na. At ako yun.
Pero di rin naman nagtagal, nawala ang pagka-crush ko sa kaniya. At sa pang ilang beses na hindi ko na mabilang, bokya na naman ako sa love life.
Jon Leo had his very first girlfriend. Si Beth na isang taon ang bata sa kaniya na matagal nang may crush sa kaniya. Alam yun ng sambayanan dahil vocal si Beth pagdating sa Nararamdaman niya para kay Jon Leo. Eto lang si Jon Leo na hindi siya pinapansin.
Pero mukhang nagayuma siya ni Beth at isang araw, pag pasok ko sa eskwelahan, ako agad ang unang nasabihan ng balita. At alam mo ba kung sino ang nag balita sa akin?
Huwag kang mag deny! Dahil alam mo kung sino!
Oo! Ikaw! Ikaw ang nagsabi sa akin na Sina Jon Leo at Beth na.
Naalala ko pa noon na pagpasok ko pa lang sa classroom ay hinila mo na ako kaagad sa labas at hinawakan ang magkabilang kamay ko and you broke the news to me. Na sa wakas, ang NGSB mong kaibigan ay may girlfriend na.
At ano pa nga bang aasahan mong sagot mula sa akin?
Eh di malamang: "wow! Congrats sa kanilang dalawa! Ganap ng binata si Jon Leo!"
Shet, bigla kong naalala ang sinabi kong yun at ang plastik pala pakinggan!
At doon natapos ang maikling pakilig sa akin ni Jon Leo. Ano pa ba ang dapat kong gawin? Eh di move on ulit!
***
BINABASA MO ANG
A Letter to Romeo (COMPLETE)
Non-FictionIsang liham para sa isang lalaking minsan kong minahal...