Chapter 1: No introduction

312 12 0
                                    

Nathan
********
Nakakalungkot man pero ang buhay ko ay umiikot sa pag aaral ko at trabaho.
ako si nathan parker 20 years old at nasa 3rd year college na wag nyu na alamin ang course ko.
Nandito ako sa library para mag research sa mga activities ko at uuwi na ako kasi nagka interes ako sa isang libro na sinasabing pumapagitna sa mga anghel at demonyo di ko alam pero nahohook na ako sa babasahing ito at di ko namalayan ang oras na alas singko na pala.

Di yun isang kwento parang history siya o paniniwala at naging interesante ako dun.
Binalik ko lang yung libro sa bookshelf at saka na ako lumabas.
Habang naglalakad ako napansin ko yung mga bata na naghahabulan.
Nakakainggit kasi.

Nung bata pa kasi ako sa halip na laruan ang hawak ko baril ang hawak ko. At sa halip na habulan ang ginagawa ko, sparring at training ang ginagawa namin at ayaw nila sabihin sa akin kung bakit ganun ang pina pagawa nila.
Kaya sa edad na 16 umalis ako sa kanila at namuhay mag isa..

Pagdating ko sa bahay ay naramdaman kung may tao sa loob dahil di nakalock ang bahay ko at sigurado akung nasa loob pa siya.

Kaya pagpasok ko sa loob ng bahay ko na di naman masyadong malaki ay agad akung pumunta sa sala at sa ilalim ng lalagyan ng T.V. at sakto naman ang pagsulpot ng isang lalaking may takip ang mukha kaya nilabas ko ang revolver ko ang blue rose. Sa ilalim ng t.v

Isang revolver na dalawa ang labasan ng bala.
At itinutok ko sa kanya kaso may narinig akong pagbaba ng hammer ng baril dito sa likuran ko.

"Anong kailangan nyo?" Tanung ko.
Kaso tahimik pa din sila kaya niyuko ko ang ulo ko saka ko sinipa patalikod yung nanutok ng baril sa likod ko. Saka ako na sideroll pakanan papasok sa kusina. Kaso mabilis yung isa dahil nakasunod siya sakin at kumuha siya ng kutsilyo. Sa kusina kaya bumalik ako sa sala at saka tumalon sa gilid ng sofa para tumaas yung kabilang parte ng sofa at naharangan nun yung kutsilyo habang yung isa naman ay susuntokin na ako kaya itinutok ko sa kanya ang baril ko kaya napahinto sila..

"Chill lang nathan ako to.." sabi niya at tinanggal ang takip sa mukha.
Siya si rayven ang kuya ko na apat na taon ang agwat sa akin at yung isa

"Di kapa rin nagbabago nathan.." sabi ni yuri ang kakambal ni rayven..

Ang dalawang kuya ko nandito.

"Ano bang kailangan nyo may bar na malapit dito at wag nyo dito dalhin yun mga masusungkit niyo." Sabi ko.
Natawa naman yung dalawa saka binaba ni kuya yuri yung sofa na nakatayo na.

"Naku ang bunso namin may dalaw ngayon. May beer ka ba diyan bigyan mo naman kami.." sabi ni yuri.

Agad akung pumunta sa fridge saka kumuha ng tatlong bote ng beer at saka binigay sa kanila at sumandal sa isang maliit na couch.
"Ge simulan nyu nang magpaliwanag." Sabi ko at uminum ng unti.
"May pumatay kay mama at kumidnap kay papa.." sabi ni rayven na nagseryoso ng itsura..

Alam kung totoo ang sinasabi ni rayven dahil siyang lang an kapatid ko na nagsasabi ng totoo. Agad kung nilagay ang baril ko sa likuran saka nagsalita ulit.
"Nakita nyo na ba..?"

Yung mga magulang ko ay si aldrin parker na isang doktor at mary parker na isang architect. Nanay ko yung nagpapadala ng pera sa akin, at kami lang naman ni papa ang magkaaway eh.. pero nagtatrabaho din ako bilang isang crew sa fast food.

"Hindi pa.. kaya nga kami pumunta dito kasi mas expert ka sa amin sa paghahanap eh.." sabi ni yuri.
Agad akung tumayo sa sofa saka naglakad papasok ng kusina..

"Kaya nyu na yan.." sabi ko..
Kaso pinaharap ako ni yuri sa kanya saka niya ako sinuntok.

"Nanay natin yung pinatay dito. Hahanapin namin yung pumatay nagpapatulong kami sa iyo tapos sasabihin mo kaya muna yan?"
aaminin ko na galit ako at gusto kung alamin kung sino ang pumatay kay mama pero medyo mataas ang pride ko pagdating sa dalawang ito eh.

The Guardians( Hybrid's missions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon