Chapter 4: The Conditions

123 7 0
                                    

Kenneth
*******
Matapos nilang lapain si nathan ay bigla silang naglaho.
Habang si nathan naman ay nahati sa dalawa maski ako naiiyak na sa nagyayari, ito ba yung gustong pumatay kay nathan.

"Dalian nyu dalhin natin sa bahay si nathan." Sabi ni sir aldrin an papa ni nathan habang dala dala niya yung ibabang parte ni nathan habang si rayven naman ay buhat buhat yung itaas na parte ni nathan.

Agad kung kinuwelyuhan yung anghel na gusto ding pumatay kay nathan.
"P******a mo, bakit mo gustong patayin yung kaibigan ko? Sagutin mo ko." Sabi ko at susuntukin ko na siya pero naunahan niya ko susuntokin din sana siya ni yuri pero ganun din ang nangyari sa kanya.

Napansin ko naman na wala na si camie na umiiyak dito, siguro ay sinundan niya sila sir aldrin pabalik sa bahay.

"Utos ng nasa itaas ang mamatay si nathan. Pero nabigo ako." Sabi niya
"Gago!!! Nabigo ka? Di mo ba nakita yung kaibigan ko huh? Patay na siya, patay." Sabi ko at susuntokin ko na ulit siya pero sinipa niya ko kaya napahiga ako sa lupa.

Agad nang nawala ang espada niya sa kaliwang kamay niya at lumabas naman ang pakpak niya ulit. Agad bumangon si yuri para habulin yung anghel kaso napahinto siya sa pag hikbi ko.
"Pasensya na sa kaibigan mo. Pero isipin mo ang magandang parte, ang banta sa mundong ito ay di mangagaling sa kanya, sa huli maiintindihan mo din kung bakit namin to ginagawa." Sabi niya at lumipad siya palayo.

Agad lumapit sakin si yuri at nilahad niya yung kamay niya sakin.
"Kenneth, tara na bumalik na tayo sa bahay." Sabi ni yuri sabay alalay sakin patayo, may sugat pala ang kaliwang paa ko kaya nakakbay sakin si yuri at saka kami naglakad pabalik sa bahay.

Di ako naniniwalang mabubuhay pa si nathan sa mga nangyari sa kanya, imposible na yun.

Pagdating namin sa bahay ay nakita kung umiiyak si camie sa gilid habang pinapatahan siya ni mam mary, habang si rayven ay nakayuko sa tabi ng pintuan ng garahe.

"Si nathan?" Tanung ko pero tinuro lang niya yung sa loob ng garahe.
Pagpasok naman namin ni yuri ay nakita kung nakaupo sa gilid si sir aldrin at naiyak.

"Wala na siya." Sabi niya
Si yuri naman ay napatigil sa paglalakad niya at diretsong nakatayo lamang habang ako ay lumapit ng todo kay nathan, naiyak na naman ako ng todo sa kanya.
"Pre naman, ang aga pa pre" sabi ko at naiyak na naman ako, tumahimik ang paligid ng ilang minuto bago magsalita si yuri.

"Kailangan na natin siyang sunugin." Sabi ni yuri na nakayuko lang.
"Wag ilibing natin siya?" Sabi ko at pinunasan ko yung luha ko.
" kenneth kailangan natin siyang sunugin para sa ikakatahimik niya." Sabi ni yuri, pero umiling lang ako at wala silang nagawa dun kaya napagdesisyunan naming ilibing siya.

******
Nathan
******

Dinilat ko yung mga mata ko at nagising ako sa damuhan na itim ang kulay habang pula naman ang liwanag ng araw sa madilim na lugar na ito.
Tumayo ako at naglakad papunta sa may puno na walang dahon.

Ito pala ang impyerno.
Pagdating ko sa puno ay nilibot ko ang paningin ko. Isang malawak na damuhan na may mga bulkan na di ko mawari kung gawa ba sa bato o sa buhangin.

"Sulfur ang tawag sa buhangin na yan, kung mayroon niyan sa mundo ng tao siguro marami na ang namatay dun." Sabi ng boses sa likod ko.

Paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaking nakasuit na may hawak ng apple at kinakain niya ito.
Bubunotin ko sana ang baril ko pero wala ito sa likuran ko at saka yung suot ko bakit ganito, nakapantalon lang pala ako.

"Sino ka?" Tanung ko at nakaporma ng depensa.
"Di mo na kailangan pang pumorma ng ganyan wala akung interes na labanan ka." Sabi niya sabay tapon ng apple na hawak niya at naglakad paikot sa akin.

The Guardians( Hybrid's missions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon