Nathan
********
Humiwalay si angeline samin dahil sa kakambal niya, di ko akalain na ganun din ang itsura ng kinuwento sakin ni yael na commander ng hunterdemons.Kasulukyan kaming nakikipaglaban sa mga hunter demons, at kaya namin sila kaso, parang gusto nila kaming pahinain para mamatay kami pag dating kay azazel.
"Bwisit namang problema to oh." Sabi ni alex sa likod dahil mag katalikuran kaming tatlo.
Paglingon ko sa kanya ay nakita ko ang apat na anghel na nasa labas kanina.
"Problema nga yan." Sabi ko.
Agad na tumalon si alex papunta sa apat na anghel at nakipagsabayan.
"Mukhang tayo na lang dito ah." Sabi ko kay joan.
"Bwisit ka, kapag makakuha ka ng tiyempo umalis ka na dito, kailangan mong makapunta kay azazel." Sabi ni joan.
"Oops, di pwede yun kasi aalis kayong dalawa dito." Sabi ng isang matandang lalaki na galing sa kweba din at naka trench coat na brown, tapos nakasalamin at balot ang mukha ng balbas at bigote.
Nagulat ako kung sino maging si joan, habang si alex ay di ko alam kung saan napunta dahil punong puno ng butas ang lugar.
"Mang tano?" Tanung ko tapos kumaway siya, yung matanda sa bilbid.
"Oy, mga bata, umalis na kayo dito, ako nang bahala sa mga unggoy na ito o ano man ang tawag sa mga ito." Sabi niya at saka biglang may sumulpot na isang hunter demon sa likod niya at sinaksak ang buong katawan niya ng malaking kutsilyo.
"Mang tano!!!" Sigaw ko, tapos tiningnan ang mga hunter demon na natawa sa likod ko.
"Ang yabang kala ko may binatbat, balik sa trabaho." Sabi ng demonyo na kaharap namin.
Nanggigigil na ako sa galit ng akmang susugod na ako kaso narinig kung mag salita si mang tano sa likod, na ikinagulat namin ni joan.
"Bitch please?" Sabi ni mang tano.
Pagtiningin ko sa kanya ay dahan dahan niyang tinatanggal ang malaking kutsilyo sa katawan niya, at hinagis ang hunter demon sa mga kagrupo nito.
"Di ako pumunta sa ilalim ng templo, at sasabihin kung minaliit ang mga kakayahan niyo.... pero sige, minaliit ko kayo, sorry na." Sabi ni mang tano at bumulong.
"Dafuq, ano yun? Bakit buhay pa siya?" Tanung ko pero tulala lang si joan.
"Hoy?" Ako
"Nathan umalis na tayo." Kabadong sabi ni joan."Bakit ba?" Tanung ko.
"Legal na immortal ang taong yan, ginawa niyang carrier ang sarili niya ng necromancy, at iba pa." Sabi niya at medyo kinabahan din ako, ibig sabihin pwede niya kaming makuntrol.
"Hoy bata, umalis na kayo dito, nandito na ang reinforcement."
"Kaya mo ba sila?" Tanung ko
"Gusto mo bang makipagpustahan bata? Pag baitumba ko sila ilibre mo ko ng isang linggong eat all you can buffet, tamang tama may food fest sa bayan nyu!!!!" Sigaw niya.
Sa takot kung maubusan ng pera ay umalis na kami ni joan.
Habang papunta ako sa underground village, ay tinanaw ko siya.
Nakita ko yung mga lumulutang na kalansay sa paligid niya at nakabalot ng itim na tela.
"Joan talon." Sabi ko at pagbagsak namin sa baba ay tiningnan ko ang paligid.
"Hanapin natin sila camie, delikado dito." Sabi ko.
"Ge hanapin mo na hahanapin ko naman ang kapitan ng mga hellprides, medyo delikado sila kenneth hanapin mo sila at mag-ingat ka." Sabi ni joan at pumunta siya sa kaliwang gawi ng village ako naman dumiretso.
BINABASA MO ANG
The Guardians( Hybrid's missions)
Fantasytotoong may anghel, at totoo ding may demonyo, totoo din ang digmaan sa kanila yan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao wala silang kaalam alam tungkol sa isang bata na kalahating anghel at dimonyo na namatay at napatunayan ang isang teorya na mayroon...