Chapter 35: Master Plan

16 1 2
                                    

Kenneth
*********

Alas tres ng madaling araw ay pinapasok na ako ni shane sa kwarto, grabe ang sexy niya sa sando niya at underwear lang.

"Ano tutunganga ka na lang diyan, matulog ka na." Sabi niya at pumasok na ako sa kwarto, ang lamig kaya sa labas ng kwarto, nakasando at boxer lang kasi ako.

Pagpasok ko ay agad akong yumakap ka shane pero inalis niya yun.

Paano ba naman kasi, simpleng unan lang pinagtatalunan pa namin.

"Wag mo ko landi landiin, matulog ka diyan." Sabi niya sabay yakap sa unan niya kaya natulog na lang ako.

Grabe ang sungit ni shane ngayon.

7 am ng nagising ako, nakita ko si shane na naka damit na ng maayos, T-shirt at short shorts, nag tatali si shane ng buhok niya ng makita niya akong gising na.

"Gumising ka na, mamaya baka umalis na tayo." Sabi niya tapos kinatok kami sa pinto.

"Mr and mrs hunt, handa na po ang almusal pinapababa na kayo ni madam lilith." Sabi ng butler kaya nag bihis na ako at bumaba.

Pagkalabas namin ni shane ng kwarto nakita namin si agent anderson na naglalakad pababa sa dining room.

"Uy, mukhang may problema ah." Sabi ko kay anderson sabay akbay kay shane.

"Sakit ng ulo ko, ganun ba kaingay sila parker at williams sa kwarto nila, rinig sa kabila eh." Sabi niya kaya natawa ako.

"Wag muna intindihin yun, hobby na nila yun." Sabi ko at dumiretso sa lamesa.

Nakaupo na kaming lahat dun, pati si chad na kinasama ng umaga ko.

Pero di lang naman ata ako ang masama aura dito. Si nathan at joan ang sama ng tingin kay chad na kumakain ng sopas. Napansin niyang nakatitig kami kay chad kaya tumingin siya sa amin sabay taas ng bowl niya.

"Sopas?" Tanung niya.

Umiling lang kami, tapos kinausap ko si shane.

"Shane, kung may kailangan kang libutin dito sabihin mo sakin, para masamahan kita, delikado na baka mapahamak ka." Sabi ko at akmang aalma si shane ng makita niyang seryoso ako.

"Uh-ah ok sige." Sabi niya at naglagay ng bacon sa plato niya.

"Camie mahal, balita ko gusto mo gumala sa verville, hintayin mo ko, sasamahan kita, baka mapano ka pa." Sabi ni nathan.

Kaya naman napatango si camie.

Maski ang iba ramdam ang tensyon sa hapag kainan.

"Nash, honey samahan mo naman ako mamaya." Pasweet ni tristan na kinangiwi ko.

"Umayos ka nga tristan, nakain tayo tapos nakakadiri yang pinagagawa mo eh." Sabi ni nash.

Tapos medyo natawa si tristan.
"Oo na oo na, kadiri nga. Maiba nga tayo, madame lilith bakit po parang may inaabangan yung mga security guards mo sa labas?" Tanun ni tristan na pinagtaka ko kaya tumingin ako sa labas at natanaw ko ang mga guard na nakahilera.

"Ahh, may bisita ako mamaya, ok na din kung makilala niyo siya, by the way, ikaw si Demitri Ghilletore tama ba?" Tanung ni lilith habang nakain ng steak at tumango si tristan.

"Magaling kang pumili ng espada ah, kaso ang tanung kaya mo bang hawakan sila?" Tanun niya at ngumiti si tristan.

"Luck vs curse." Sabi ni tristan at namangha si lilith at lahat kami ay di nagets yun kung ano iyun.

"So? Ang ibig sabihin nun ay ang espada na ang pumili ng master niya?" At tumango si tristan na kinapalakpak ni lilith.

Natapos na ang breakfast namin at isa isa kaming nag si tayuan at bawat isa sa amin ay nag tanguan at saka nakapako ang tingin namin kay chad.

The Guardians( Hybrid's missions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon