Nash
*********
"Nash, kailangan namin ng tulong pack mo." Sabi ni Lilith.Medyo nag dalawang isip ako sa mga oras na yun pero na sipasok ang dalawang tatlong lalake at isang babae.
Si anna isang professor ng law sa isang university.
Si red, taxi driver.
Si joshua ang police.
At si leon ang sales agent."Nandito ang pack mo nash, kailangan lang nila ng go signal mo." Sabi ni lilith.
"Bakit sila nadamay dito?" Tanung ko.
Pero nag seryoso si lilith.
"Nash unang una, nung sumama ka sa grupo ni nathan, alam mo nang madadamay ang mga malalapit sayo, lalo na ang pack mo, mga pack ng true alpha, mga pack ng beta na naging alpha sa sarili nilang kakayahan." Sabi lilith.
Pumunta sa likod ko ang apat na alpha. Tapos tumayo ako.
"Anong kailangan mo Lilith?" Tanung ko.
"Simple lang, anim na milenyo na ang nakaraan ng nakatagpo ako ng katulad mong emperor wolf, base sa pagkakaalam ko, ikaw lang ang makakakita ng mga armas ng mga sinaunang werewolves." Sabi niya.
"Anong gusto mo? hanapin ko iyun at ibigay sayo?" Tanung ko.
"Hindi, gusto kong hanapin mo iyun at gamitin niyo yun." Sabi niya na ipinagtaka ko.
Uminum ng kape ang lolo ni nathan saka siya nag salita.
"Nash, isa ka sa mga key player ng......... guardians dream team na ito." Sabi niya.
"Pero---" Sabi ko pero pinutol ako ni chad.
"Isipin mo nash, nasa hitlist ka, magtago man kayo, hahanapin pa din kayo ng pack mo, malakas ang impluwensya ng katulad mo sa lahat ng mga pack sa mundong ito, sa oras na nakita ka ng mga archdemon, bukod sa kanila nathan ay may sarili kang army na may mga armas na binasbasan ng mga puti at itim na pinunong mangkukulam." Sabi ni chad.
Tapos may napansin ako sa listahan ni lilith at sobrang haba nun.
"Hindi mo sinabi kay nathan lahat?" Tanung ko at natawa siya ng unti.
"Hahaha, ikaw dapat ang makaalam nito. Yung sinasabi kong weapon storage ng mga werewolf, dalawang pyramid ang laki nun, at alam mo bukod sa inyo, may dalawang kilalang immortal na witch hunter ang nasa hitlist ng archdemon na nag ngangalang yves at stephen." Sabi niya.
"Witch hunters?" Tanung ko.
"Sila yung mga nag hahunting sa mga mangkukulam, kinatakutan din ng ibang demonyo, bukod sa immortal sila katulad ni tano, may mga storya na silang dalawa daw ay mga survivor sa havoc na nagyari sa garden of eden kung saan nagkasagupaan lucas at lucifer." Sabi ni lilith
***********
3rd person
***********Sa mystic leaf kung nasaan si lucas.
Kasalukuyan siyang nakatambay sa isang malaking puno ng mangga sa labasan ng bayan kasama si tano.
"Ang sabi ni aldrin, siguradong nagpaplano si lilith, dahil makikipagmeet up si ferdie?" Tanung ni lucas.
"Oo, siguradong yung mga kasama sa havoc ang target nila." Sabi ni tano na nagbabasa.
Humiga naman sa sanga si lucas at tiningnan ang mga ibon na lumilipad palabas ng bayan.
"Sabihin mo nga lucas, ano bang nangyari sa eden nung panahon na yun?" Tanung ni tano.
Huminga ng malalim si lucas at saka siya nagsalita.
"Sa libo libong taon natin na magkasama sa wakas natanung mo din yan." Ngiti ni lucas at saka nag simulang mag kwento.
BINABASA MO ANG
The Guardians( Hybrid's missions)
Fantasytotoong may anghel, at totoo ding may demonyo, totoo din ang digmaan sa kanila yan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao wala silang kaalam alam tungkol sa isang bata na kalahating anghel at dimonyo na namatay at napatunayan ang isang teorya na mayroon...