Chapter 25: Rebirth and Enrage

33 1 0
                                    

Nathan
***********

"Lucas, ikaw si lucas?" Tanung ni nathan

"Hello nathan?" Bati ni lucas.

Di ako makapaniwala, ang sabi ni maldiev ay sampun libong taon na ang tanda niya pero bakit mujha siyang 25 years old at yung ga mata niya, kulay blue iyun pero yung pupil o yung mismong itim sy may halon pula.

Namangha ako sa katulad ko pero agad ko din siyan tinulak pakanan dahil may papunta saming malaking bato.

Napahiga siya habang ako naman ay hinanda ang balck diamond na katana ko.

Para sa 143 I love you slash.

Matapos kung gawin yun ay agad siyang bumangon at saka ako kinaladkad papunta kung saan.

"Sir lucas tulungan niyo ko,  itutumba ko si azazel." Sabi ko.

"Gusto ko sana, kaso trabaho mo na yan." Sabi niya akya nagtaka ako.

Tumalikod siya sa akin at saka naglakad, nadismaya ako dahil sa sinabi niya, akala ko maasahan siya pero may napansin ako.

Wala siyang anino, agad kung pinagkumpara ang sarili ko sa kanya pero siya wala siyang anino.

Dahan dahan akong tumakbo papunta sa kanya at saka ko siya sinaksak patalikod.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanung niya.

"Nagtataka lang ako." Sabi ko kaso agad siyang naglaho.

Sabi na eh.

Isang illusion nga ang nasa harap ko.

"Hahaha!!!!!  Kanina pa kita pinapanuod, at medyo nababagot na ako." Sabi niya at biglang yumanig ang paligid.

Agad akung tumingin sa may maliit na pyramid at may nakita akong nakatayong lalaki dun.

Nasa 7 feet ang taas, matipuno ang katawan na maraming itim na balahibo ng hayop at mayroon siyang sungay na paikot na katulad sa kambing, ala itim na reptile ang mata at matatalas ang ngipin.

"Azazel?" Tanung ko.

"Ako nga, sabihin mo medyo mahirap ba ang kalaban dito?" Tanung niya

"Uhm ok lang naman, pinaghiwalay mo lang naman kaming lahat para masolo mo ko." Sabi ko.

Napangiti naman siya saka siya nagsalita ulit.

"Palabiro ka, kakailanganin mo yan pag napuruhan ka." Sabi niya at bigla siyang nawala.

Sumulpot siya sa kaliwang gilid ko habang yung baston niya na may  bakal sa gilid ang tumama sa tiyan ko at tumalsik ako kung saan.

Babangon sana ako kaso sumulpot nanaman siya sa harapan ko at hahampasin ako kaso agad akung tumalon ng mababa pakanan pero nasundan yun ng baston niya at tumalsik ulit ako pakanan naman.

Nung nakakuha na ako ng bwelo ay agad akung tumakbo sa kanya at gumawa ako ng mirage na nakayuko sa paa niya habang ang tunay na ako ay tumalon pataas para tamaan ang sungay niya ng espada niya.

Yun nga lang pagtalon ko ay nahablot niya yung binti ko at sinalampak ako sa baba.

"Ang bagal mo hybrid." Sabi niya at hinawakan ako sa leeg saka hinagis sa gilid ng pyramid.

Agad akug bumaon sa pader nun kasunod nun  ay ang pagtapak niya sa leeg ko.

"600 years ago, mayroon katulad mo na nag nga-ngalang stefan matalino siyang hybrid akala siguro niya na kaya niya akong patayin dahil ma lakas siya ng anghel at demonyo pero walang silbi iyun kaya pinatay ko siya." Sabi nya sabay hampas ng baston niya sa mukha ko at medyo nahilo ako.
Nabitawan ko yung espada ko at nalag-lag sa pinakababa.

The Guardians( Hybrid's missions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon