Chapter 40: We are scholars

18 1 0
                                    

3rd person
***********

Sa isang powerplant na abandonado sa tetriphilis.

"Ang saya mo naman pala kalaro." Sabi ni september habang winawasiwas niya ang dalawang katana niya kay timothy na kapatid ni alex.

Kasalukuyang nag karoon ng engkwentro si timothy sa dalawa sa mga personal guards ni arkham na kung tawagin ay twelve sisters.

Nakikipag espadahan sa ere ngayon si timothy gamit ang greatsword niya kay september, at biglang sumulpot sa likod niya si august na nakangiti. Gamit ni august ang gauntlet niya at mga leg guards na kung tawagin ang set ng armour niya ay Gilgamesh.

Agad hiniwalay ni timothy ang isang malaking espada niya sa great sword niya at bale dalawa na ang hinahawakan niyang espada ngayon.

Masyadong mabilis at maliksi ang atake ng dalawa kaya yung iba dun ay di na niya nailagan at nasalag.

Bumagsak siya sa isang tubo na 32 inches ang lapad, kaso nakasunod na si august sa kanya at ng sisipain sana siya pababa ay nakatalon si timothy paalis.

Nakalaban niya sa ere si september na nakangiti.

Mabilis na iwinasiwas ni timothy ang dalawang great sword niya kay september pero sa sobrang bilis talaga ni september ay walang tumama sa kanya dahil nasalag niya, at bigla siyang yumuko dahil nag spinning kick sa likod ni september si august, sakto sa pagyuko ni september ang tinamaan ay si timothy.

Tumalsik palayo si timothy pero nakakuha siya ng tiyempo para maibaliktad ang katawan niya itusok ang isa sa greatsword niya sa mga tubo para matigil ang pagtalsik at saka tiningnan ang dalawa na nakatayo at nakangiti.

"Ganito ba talaga kalakas ang mga personal guards ni arkham? Masyadong mataas ang posibilidad  na mamatay ako dito." Isip isip ni timothy.

"Sis, ready na?" Tanung ni september na handang sumugod.

"I'm always ready." Sabi ni august sabay sana silang sumugod ng dumating ang isang rakistang babae na kapatid nila.

"April?" Tanung ni september.

"Ang utos satin, ay kunin ang subject at umalis, di sinabing kalabanin ang anghel na yan." Sabi ni april kaya napatango ang dalawa at akmang aalis ng biglang sumulpot sa likod si timothy.

Naalaerto kagad si april kaya naihampas niya ang yantok niya kay timothy at muli ay tumalsik si timothy.

"ARRRGGGHHH!!" Pag inda ni timothy ng sakit at bigla siyang nahilo dahil tinamaan siya ulo at napadapa sa lapag.

"Umalis na tayo." Sabi ni april at nag si talonan sila.

Tinaas ni timothy ang kamay niya pero dahil sa pagkahilo niya ay di na siya makatayo at unti unting nawalan ng malay.

Mabalik tayo sa mystic leaf ang lugar ng mga hunters.

Kasalukuyang nakatambay sila nathan sa van nila habang si tristan ay inasikaso ang kapatid niya na kasama si yuri na nag titinda sa shop nila, si nash naman ay tumambay sa may talyer nila warren.

Nagkanya kanya sila ng gawain, si joan at angeline ay nag mall, si chad at alex nangisda naman sa lawa, si kenneth at shane namitas ng prutas para sa hapunan, si camie at nathan naman ay tumambay sa bar ni rayven.

Pagdating ng alas singko ng hapon ay nag sama sama silang lahat sa opisina ng tatay ni nathan na si aldrin na kasama si agent anderson.

"Maupo kayo." Sabi ni aldrin.

Tapos may pinakita siyang image sa projector.

"Ngayon alam na ni agent anderson kung sino tayo, pwede na niya tayong matulungan para maitumba si mr. Brylle o si arkham. Isa sa nakalap kong impormasyon kay anderson." Sabi ni aldrin at saka pa inintroduce si john.

The Guardians( Hybrid's missions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon