Chapter 2

97 1 1
                                    

Mistaken Address
CHAPTER 2


Gaaaaaah! Wala na akong mata! Wala. Mugtong mugto na sya, isama pa ang eyebags. Iyak lang ako ng iyak kagabi. Hindi muna ako magpapakita kina mama at papa, kaya late na akong bumaba kasi alam kong papasok pa sila ng opisina.

Tinabunan ko ng buhok ang mukha ko at bumaba na para kumain.

"Daine, umayos ka nga kinikilabutan ako sa itsura at kilos mo" Sabi ng nakababata kong kapatid na nag-aalmusal palang. Hindi sya tumatawag ng ate sa'kin. Ewan ko sa kanya sarap nya minsang batukan.

"Ang sabihin mo, takot ka lang sa mga horror get up" Sabi ko tsaka umupo na. Bacon, sausage, pancit canton, at fried rice for breakfast. Great! Gutom na ako. Inayos ko ang buhok ko.

"Eew. Saang lupalop mo nakuha ang itsurang 'yan?" OA na sabi nya. Kung maka 'eew' para namang may kung anong nakakadiri sa mukha ko.

"Tumigil ka nga. Kumain ka nalang dyan, kundi uubusin ko 'to" Hindi na sya umimik, kasi totohanin ko ang sasabihin ko.

"Daine, Ano raw ba ang gusto ng mga babae para masagot ang isang lalaki? Nagtatanong kasi ang kaibigan ko" Sus! Kaibigan daw.

"Bigyan sya ng stuffed toy, letter, flowers o chocolate. Pero hindi naman kami mga materialistic eh, simpleng sincere na mga gestures lang ng guy, yung mismong makakapanlambot ng puso. At ang mas maganda, haranahin mo sya."

"H-haranahin?" Tanong nya.

"Oo. Kung gusto mo talaga syang maging sayo, gagawin mo talaga ang lahat" Dagdag ko.

"Ah, g-ganun ba?"

"Ikaw? May nililigawan ka na ba?" Nakita ko naman syang mukhang nasamid sa iniinom nya. Tinaasan ko ng kilay. Anong mali sa tanong ko?

"Wala! Wala." Seriously? Ang OA nya. Minsan, iniisip kong baka bakla ang kapatid ko eh.

"Oh? Para sa tanong lang, ba't ka defensive? Ha? Meron ano?" Sabi ko sa kanya habang ngumunguya. Kami lang namang dalawa kaya okay lang.

"Don't talk when your mouth is full" Sabi nya.

"Pabayaan mo na. So, ano? Meron na?" Tanong ko ulit ng lunukin ko na ang kinakain.

"Wala nga ang kulit mo" Sabi nya at kumuha pa ng sausage. Sows! Baka sya ang manliligaw, hindi ang kaibigan.

"Alam mo. Kung manliligaw ka, dapat mahal mo talaga sya. Kasi kaming mga babae, madali lang kaming mahulog. Kapag masaktan naman, to the max ang sakit" Parang nung kahapon lang.

"O-okay"

Wala na kaming imik hanggang sa naubos na namin ang pagkain namin.

"Daine, pupunta ang mga kaibigan ko. Mag mo-movie marathon kami" Sabi nya.

"O sige. Ikaw na manhugas ha?" Bago pa sya kumontra, tumakbo na ako pataas. Huh! Ano sya? Sinuswerte?

Pupunta ako kina Charice. Magsosorry ako, susuyuin ko sya. Nagtatampururut sya sa'kin, kasi hindi ko sya pinaniwalaan yung tungkol kay Nicco. Hindi nya ako pinapansin kaya pinabayaan ko lang muna.

Kayo ha, 'wag kayong magpakatanga sa pag-ibig. 'Wag nyo akong tularan. Dapat mas minamahal ang mga kaibigan kasi kung magkahiwalay kayo ng dyowa mo, mga kaibigan mo ang lalapitan. 'Di ba? Friends are worth to be treasured, they are precious as gems.

Pero hindi ko naman pinili si Nicco over my friends. Pinagtatanggol ko lang naman sya noon, kaya lang nagtampururut ang bestfriend ko. At ang loko, totoo pala ang chismis tungkol sa kanya.

Mistaken AddressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon