Chapter 7

28 2 0
                                    

Mistaken Address
CHAPTER 7

This is it. This is the day. Alam na this.

Mama bought me a new floral dress, since summer pa naman ngayon. Yes, love na love ko talaga si mama. Inayusan nya ako pero hindi yung bonggang-bongga talaga, hindi yung tipong JS ang pupuntahan ko. She just rolled my hair into a bun, yeah, simple as that. And a light make up.

"Ang ganda talaga ng princess namin. Manang-mana sa akin" Nakangiting sabi ni mama habang nilalagyan ako ng orange lipstick sa ano, sa lips ko syempre, alangan namang sa mata ko. Lipstick nga eh, lipstick. Ang gondo ng color. "Tayo ka. Tumingin ka sa salamin" Nang matapos na akong lagyan ng lipstick.

Pumunta ako sa harapan ng salamin ko dito sa kwarto. Then I turn around as I look at my reflection.

"Daebak, eomma!" (Wow, ma!) Tuwang-tuwa na sambit ko habang hawak ko ang dress kong suot. Pagkalingon ko kay mama, nakita kong nakakunot noo sya.

"Tigilan mo ako dyan sa kaka-korean mo" Ay sorry. Nyehehe. Nag peace sign ako then nilapitan sya, niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Okay na ba? Ihahatid na kita anak!" Tawag ni papa mula sa ibaba.

"Opo!" Sabi ko naman at bumaba na kaming dalawa ni mama.

Pumunta naman kami ni papa sa kotse at naiwan si mama sa pintuan.

"Ingat kayo" Naiwagayway pa ni mama ang hawak nyang blush on brush.

Napapansin ko ang mga inasal namin kanina. Para naman akong ikakasal nito. Napangiti nalang ako. Buong biyahe nag-usap lang kami ng papa ko. Hanggang sa huminto na ang sasakyan. Ito na siguro. Nagpaalam na ako kay papa at bumaba na ng sasakyan.

My heart is beating fast as I walk towards the resto. It's a fine restaurant. Infairness ha, bonggacious. Paano ko kaya sya makikilala? Eh hindi ko pa naman sya nakita... Pero bahala na.

"Good evening ma'am, welcome to our restaurant. May I know your name?" Nabigla naman ako kay kuya. Pagpasok na pagpasok ko palang, sya na ang bumulaga.

"Uh. Samantha, Samantha Daine" Tanging sabi ko. Ano namang connect sa pagtanong nya ng pangalan ko? Hindi ko na binanggit ang surname ko. Baka ipa-ambush ako nito.

"Samantha" Pag-uulit nya. Ay hindi kuya, Paminta, nakakahiya naman sa iyo. "Follow me ma'am. There's a reserved table for you" Sabi nya.

Reserved table? Table lang? Walang upuan? Ang poor naman nila. Saan ako nito pauupuin? Sa sahig? Walanjo. Sa susunod magdadala ako ng upuan. Okay na sa akin yung plastik na upuan.

Hindi, nag jo-joke time lang ako. Pampalubag loob. Tawa na ako. Heh-heh.

"Dito na po madam" Sabi ng nag-accompany sa akin. Mabuti pa sya, kesa kay Jay na nakaupo lang noon. Mabuti naman at sinamahan ako ni kuya, eh kung tinuro nya lang, mababatukan ko sya. Umupo naman ako tapos umalis na sya.

Round table sya ha, nice. Pero wala pa dito ang ka-date ko. Malamang eh, ako palang. Iwinalis ko ang table cloth at tumingin sa ilalim, baka nagtatago lang. Pero wala rin. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid, baka may makita akong hint sa kanya.

Mayroon ding mga tao dito sa restaurant, karamihan ay mga nagde-date din at may isa namang loner. May sumbrero pa sya, wala yata syang tiwala sa bubong ng restong ito. At yung mata nya, napaka-creepy, nagpapalinga-linga na akala mo ay may hinahanap sya ditong kakatayin tapos tatago-tago pa sa cap nya.

Napailing nalang ako. Nakita ko sa peripheral vision ko na may pair na kadadating palang. Tumingin ako sa direksyon nila at agad namang binawi.

What the fuss!? They're freaking here. Natakip ko ng kanan kong kamay ang mukha ko ng 'di oras. They're at the right side, beside this table na pinaroroonan ko. What to do? What to do?

Bigla akong napaisip. Bakit ko ba sila tinataguan? Wala naman akong kasalanan. Para akong tanga. Pero... Hindi ko pa sila kayang harapin. Lalo na at ganito ako. Kailangan ako ang pinakamaganda sa balat ng mundo. Pero maganda naman ako ngayon ah.

Nilaro-laro ko lang ang flower vase na nasa gitna ng mesa. Pininggot pinggot ko ang plastik na bulaklak. Bakit wala pa ang ka-date ko? Nasan ba sya? O baka naman bini-big time lang ako.

I made a glimpse at them again then umiwas ulit. Naninikip ang puso ko. Nakaisa palang akong dinala ni Nicco sa isang mamahaling restaurant. Yun yung 1st anniversary namin. Karaniwang sa park, mall, movies, carnavals lang kami nagdi-date. Pero mukhang kay Lyra lang sya pupunta sa mga ganitong lugar.

The oh-so-sweet-couple beside me is no other than Nicco and Lyra. Their conversations and Nicco's sweet talks makes all my hair stand. Tch. Corny! Please! Walang forever!

"Nicco, punta lang ako sa cr" Malumanay na sabi ni Lyra sa kanya. Sigh. Kahit kailan maikukumpara ko talaga ang sarili sa kanya. Narinig ko ang kalampog ng sapatos niya, nangangahulugang umalis na siya.

Puhlease! Where are you my knight in shimmering armour? Save me from here.

"Uh. Sorry for the long wait" A husky voice came out. W-wait...

Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko. From the hips, abdomine, chest, to the face. Omo! An angel sent from above! I'm mesmerized by his gaze kaya natanggal ko ang aking kamay na nakatakip sa mukha ko. This is my date? Parang nakita ko na siya nung una. Pero wag ka, wafoo teh. Tumingin naman siya sa'kin na parang gulat. Na starstruck siguro.

"D-Daine?" Rinig kong tawag sa kabilang mesa. Oh geez. Tinawag ako ni Nicco. What to do?

Papa God, patawarin mo ako sa gagawin ko...

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ko ang aking date. Hinawakan ko ang right cheek, na syang ikinagulat nya at tumingin sa akin. But the next thing I did... I made a smack kiss on his cheek. After that humiwalay na ako at pilit na ngumiti ng pagkatamis tamis. Kahit na sa kaloob looban ko ay hiyang hiya ako sa ginagawa ko. Pero I want to show him the new me, the Daine he left.

"L-let's go" Sabi ko at hinawakan ko ang kamay ng ka date ko at hinila sya hanggang sa paglabas.

Pagkalabas na pagkalabas namin ay huminga na ako ng malalim. I was like, 'What was that?'. Napunta kami sa parking lot sa may madilim na part. Hanubeyen?

"Salamat, salamat dahil sinakyan mo ang trip ko" Nilingon ko ang date ko. Nakita ko namang napahilamos sya ng kanyang kamay.

"Crap" Sambit nya.

"Yeah, crap" Pagsasang-ayon ko rin sa sinabi nya. Makapigil hininga yung nangyari doon ah.

"What the heck!? Ano bang pinagsasasabi mo? Sino ka?" Huh?

"Hindi ba ikaw yung ka date ko?" Naglolokohan ba kami nito?

"Really? Look miss, I don't even know who you are tapos sasabihin mong ikaw ang date ko? What you did there was embarassing" Tinuro pa nya ang resto. Ouch! Pinaalala pa sa'kin.

"Kung hindi ikaw ang ka date ko, eh bakit mo ako kinausap? Ha? Aber? May pa sorry sorry for the long wait ka pang nalalaman" Wala eh. Naiinis na ako fre.

"You're ridiculous. I have a date, I thought it was you. Nakaupo ka pa sa pina-reserve kong mesa. Do you even have a little shame in your body?" Pigilan nyo ako, masasapak ko ito eh!

Pero imbes na bugbugin ko sya dito sa madilim na parte ng parking lot. Yumuko nalang ako habang nakakumo ang kamao. Huminga ako ng malalim dahil ang sakit. Hindi sa nasaktan ako sa mga sinasabi nya. Kundi, dahil sa nakita ko ulit si Nicco na iba na ang kanyang kasama.

Nakita kong tatalikod na ang lalaking sinusumbatan ako. Mukhang aalis na sya. Nang humakbang na sya papalayo, napaupo na ako at umiyak. I let out quiet sobs para walang makarinig.

Bakit ba 'to nangyayari sa'kin? Gaano ba kalaki ang mga pagkakamali ko't ganito na lang ako kung parusahin?

Mistaken AddressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon