Chapter 17

14 1 4
                                    

Mistaken Address
CHAPTER 17

"You're blushing" Nakangisi niyang sabi. Marahas naman akong humiwalay sa pagkaka-akbay niya sa akin. Pinagtitripan niya ako. "Nagba-blush ka ba ng dahil sa'kin?" Nanunuksong tanong niya. Lumapit siya sa'kin at sumilip sa mukha ko.

"Lumayo ka nga. Blush ka diyan. Ang init kaya ng panahon. Natural, mamumula ang mukha ko. Tanungin mo pa si mareng araw" Nagpatuloy ako sa paglalakad, sinundan niya lang ako.

"Tsk. Napaghahalataan ka tuloy. You're being defensive" Lumapit ulit ako sa kanya para kunin ang bag ko sa kamay niya.

"Akin na 'yan" Inilayo niya ang bag ko at hinahabol ko naman iyon sa kanya. Pero mabilis ang kanyang galaw, kaya hindi ko maabutan. "Akin na nga sabi"
Dahil mas mataas siya sa'kin. Nagtatalon pa ako para abutin ang bag ko. Mabigat kaya iyang bag. "Claude Vincent!" Napupuno na ako. Nakakainis siya. Ting! 'Wag ka, tunog 'yun ng lightbulb ko.

"Hahaha! Pikon" Binelatan niya ako. Ako naman ngayon ang ngumisi ng nakakaloko. Lihim akong natawa sa ekspresyon niya ngayon. Mukhang kinakabahan sa gagawin ko.

"Magbibilang ako ng tatlo. Isa... Dalawa..." Napapaatras naman siya habang humahakbang ako palapit sa kanya. Tinignan ko siya ng may pagbabanta. "Ayaw mong ibigay? Magsisisi ka sa gagawin ko" Hinanda ko na ang mga kamay na parang aswang at mangangatay ng tao. Bwahaha.

"Ayaw mo talagang ibigay? Dalawa't kalahati... Tatlo..."

"Damn! Hahahaha. S-stop it! Haha" Para na siyang bulate ngayon. Ang tigas kasi ng bungo, ayaw pang bitawan eh. Kinikiliti ko lang naman siya sa magkabila niyang tagiliran. Pero shemay lang ang siomai. Parang nakahawak ako ng pande-bato.

"Sumuko ka na!" Mas nilakasan ko ang pagkiliti sa kanya.

"Sheeet! Kinikilig ako" Tumigil ako at napalingon kami sa tatlong tinedyer na kumukuha na pala ng picture namin. Dalawa ay babae, tapos 'yung isa siguro ay bakla. Nako naman. Nagulat sila ng tumingin kami sa kanila at maya-maya'y nagtitiling lumapit sa amin.

"OMG! Kyaaa! Nandito talaga kayo!" Tili ng isang babae. Niyakap naman nilang tatlo si Vince kaya ibinaba na niya ang bag ko. Ngumiti naman siya. Shemay. Parang gusto kong maging die hard fangirl ngayon at sumali sa yakap session nila. Pero pinigilan ko ang sarili at kinurot ang pwetan ng bakla. Jokesczx lang.

Pagkatapos nilang yakapin si Vince, tumingin sila sa akin at niyakap naman ako. Nakangiting tinignan ako ni Vince at ang mga fans niya.

"Pwede bang magpapicture?" Nangungusap ang mata ng isang babae.

"Sure" Sabi ni Vince.

"Ako na ang magpi-picture sa inyo" Pagbo-boluntaryo ko. Inilahad naman nila ang iPhone 6 sa akin. Nahiya ako sa cellphone nila ah. Mga ritskid talaga. Kinuhanan ko sila ng dalawang litrato. Ganun din, nagpa-picture sila sa'kin at si Vince naman ang kumuha.

"Tayo po namang lahat" Sabi ng bakla. Nilagay nila ang cellphone sa selfie stick. Charot lang ha. Nadala ko ba 'yung selfie stick ko?

Lahat ng pose nagawa na namin siguro. Para na kaming magbabarkada dito. Mas matanda nga lang kami ni Vince sa kanila.

"I'm a huge fan of yours. Lalo ng malaman ko ang relationship ninyo" Kinikilig na sabi ng babaeng mukhang sosyalin talaga, maliban sa isa niyang kaibigan na simple pero pretty rin. "Kayo naman ang kukuhanin namin ng picture. Promise po, last na 'to" lumayo sila ng konti sa amin. Kinuha ni Vince ang bag na nasa kamay ko at nilagay muna sa gilid.

"Picture daw natin" Sabi niya at inakbayan ako. Ayan na naman ang feeling kanina.

Kinuhaan kami ng picture. Feeling ko marami 'yun. Pero nag-enjoy ako sa company nila. Parang na-miss ko tuloy ang pagiging minor ko. Charot. I'm turning 19 na kasi.

Mistaken AddressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon