Chapter 4

55 2 0
                                    

Mistaken Address
CHAPTER 4



Pagkatapos naming magkulitan ni bestfriend ay napag-isipan ko nang umuwi dahil dumidilim na rin ang paligid. Hindi yung mata ko, kundi dahil maggagabi na.

Habang mag-isa akong naglalakad sa sidewalk, may napansin akong magkasintahang naglalakad din papunta sa dati kong nilakaran. malayo pa naman sila. Haaay! Nakakainggit naman.

Sa 'di kalayuan, may nakita naman akong pamilyar na motor. At totoo nga, kilalang kilala ko ang motor pati na ang mokong na nagda-drive nito. Malapit na sya sa'king direksyon kaya napatingin ako sa kanya. Alam kong nakatingin din sya sakin sa ilalim ng helmet nya. Pinadahan dahan nya ang takbo ng kanyang motor, alam kong titigil sya sa tapat ko kaya binilisan ko ang paglakad. Nang napansin nya 'atang umiiwas talaga ako, nagpatuloy na sya sa pagmotor. Nakakainis.

Malapit na ang magkasintahan sa akin. Ang saya nila sa isa't-isa! (Note the sarcasm). Psh.

"Mag be-break din kayo. Walang forever" Sabi ko sa kanila. Kaya sa gulat ay napatingin sila sa akin. Binalewala ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad. Line ko na 'yan eh. Masanay na sila.

Nang makarating na ako sa bahay. Binalibag ko ang pagsara ng gate namin kaya nagtatahol ang aso sa kabilang bahay. Nagulat 'ata.

Pati ang pinto ng makapasok ako sa bahay ay binalibag ko pagsara. Badtrip ako eh. Ba't ba?

"Daine, ano ka ba? Ayusin mo nga ang pagsara! Mamaya masira mo pa ang pinto, eh 'di yari ka kina mama at papa" Salubong agad ni Drake sa akin.

"'Asan na mga kaibigan mo? Umuwi na?" Tanong ko.

"Umuwi na. Nga pala may package ka" Sabi nya.

"Huh?" Package?

"May package ka bingi, ewan ko kung sino nagpadala nyan. Walang pangalan tapos yung apelyido mo, mali pa. Tsk! Ang bobo" O edi sya na matalino.

"Asan?" Tanong ko agad.

"Wag kang atat. Nasa dining table." Pagkatapos nun ay umakyat na sya sa taas. Kung di lang dahil may package ako, babatukan ko ang batang 'yun.

Pumunta agad ako sa kusina at nakita ang isang box sa ibabaw ng dining table. Nilapitan ko iyon. Sakto lang sya, hindi malaki, hindi naman maliit. Tinignan ko ang ibabaw.

"Takte naman oo" Ay ganurn? Mali ang apelyido ko.

To: Samantha Locsin

Bruh! Ang pangit lang no? Sino kayang nagpadala nito?

Binuksan ko iyon. Natagalan ako sa pagbukas, dami pang proseso eh. Sa inis ko ay pinunit ko na ang box. Pero walanjo! May box na naman dito sa loob. Nagbuntong hininga nalang ako at binuksan iyon.

Waaaaaaa! Nalula ang mata ko. Isang Eiffel Tower! Pero syempre, hindi yung totoong tower sa Paris. Hindi naman yun kakasya sa box. Common sense. Pang display sya pre. Hang gondo!

May napansin akong maliit na button sa baba nito at pinindot iyon. Okay. Mas maganda na sya ngayon.

Umiilaw na sya katulad ng totoong Eiffel tower at may cute sound pa. Yiiiiee!

Sa pinakadulo ng box may napansin akong papel doon. Kinuha ko 'yun. Isang sobre at binuksan ko naman.

Nganga ako ng basahin ko iyon. Ito lang naman ang nakasulat:

Samantha,

I hope this doesn't come as a surprise, but I am secretly admiring you since the first time I saw you.
And I hope you like this simple gift.

Secretly Admiring

May secret admirer pala ako? Ang ganda ko naman. Ehem! Haba ng hair.

Oo na, ako na ang GGSS. Masisisi nyo ba ako? Haaay!

Sino kaya ito? Kilala ko ba sya? O baka tambay lang 'to sa kanto. Pero sino ba ang tambay na may nalalaman pang magpa english english? Baka naman, modus operandi ito, niloloko lang ako tapos kikidnapin ako tapos kukunin ang mga lamanloob ko. Brrrr! Kinilabutan naman ako sa inisip ko.

Mamayang hatinggabi pa na naman sina mama at papa uuwi. Nag dinner lang ako saglit, hinugasan ang kinaing plato at naglock ng bahay. May susi naman sila kaya sila na ang bahalang pumasok.

Umakyat na ako tapos nadaanan ko muna ang kwarto ni Drake.

*knock* *knock*

"Drake? Natutulog ka na ba?" Tanong ko sa pinto. Oo pinto ang tinanong ko. Common sense ko, nasa labas ako eh.

"Oo!" Sino ba ang tulog na sumasagot?

"Baliw. Sige matulog ka na, mukhang mamaya pa sila uuwi eh" Tapos pumunta na ako ng kwarto ko bitbit ang Eiffel tower at ang 'mahiwagang mensahe!'

"Hoy, Eiffel tower. Sino ang bumili sayo? Sagutin mo ako" Para akong sira. Kinakausap ko ang tower na ito. Ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon ko 'pag sumagot ito.

Pagkatapos kong mag-ayos ng pantulog ay di-display ko sa bedside table ang tower at pinagmasdan ko iyon. Ang ganda lalo na kapag off ang lights. Pinindot ko naman para magkaroon ng sound.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako.





Nasa isang hardin ako. Ang ganda ng paligid. Maraming bulaklak, iba't ibang kulay at may mga lumilipad na paru-paro sa ibabaw ng mga ito. Ang damo ay berde. Ang mga puno ay perpekto ang hugis. Mayroong mga bench din.

Inilibot ko ang tingin then... From afar kahit hindi ko masyadong makita ay nakilala ko ang dalawang tao. Kasama nya si Lyra at ang saya nila sa isa't-isa. Nakaupo sila sa isang bench. Lumingon si Nicco sa akin. Tapos parang may sinabi si Lyra at tumingin naman sya sa kanya, then dahan dahang naglapat ang kanilang mga labi.

Gusto kong umiyak sa nakikita ko at umalis sa lugar na iyon. Pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

Nakapagtataka nga kasi hindi ko maramdaman kung may luhang pumapatak.

Napansin ko namang biglang naging gray ang kalangitaan. Hudyat na uulan na.

Nang nagsimulang pumatak ang mga butil ng ulan. Nakita kong naghiwalay na ang labi nila at hindi mapakali dahil sa ulan. Pero hindi ako makagalaw, nakatayo lang ako doon sa gitna ng hardin.

May napansin naman akong may tumatakbo. Papunta... papunta sa akin. Nakataas ang kanyang kamay na may hawak na coat. Nakasilong sya doon.

Ewan ko pero inabang ko lang sya doon hanggang sa nasa harapan ko na sya. Ang taas nya kaya nakataas ang ulo ko para tignan sya. Isinilong nya rin ako sa coat nya. Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha pero parang nararamdaman kong nakangiti sya.

Ako naman, parang hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sandaling 'yon, parang saya...

----------

To be continued...

-Iamachacha

Mistaken AddressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon