Chapter 12

45 1 2
                                    

Mistaken Address
CHAPTER 12

"OMG! Talaga!?" Inilayo ko ang selpon sa tenga. Kinapa ko ang tenga ko kung ano ang lumalabas na malamig na likido. Dugo!... Pero biro lang. Grabe naman makasigaw ang babaeng 'to. Nasa kabilang linya sya. Malamang, selpon eh, tumatawag.

"Oo!" Sigaw ko naman sa kanya.

"Ay galit?" Tanong nya. Malakas pa rin ang boses. Pusang allows. Mga bingi ba kami?

"Hindi!" Magiging routine na yata namin ito kung tawagan. Psh.

"Ba't ka sumisigaw?"

"Hindi ako sumisigaw!" Hindi obvious.

"Hahaha! Pikon! Ble!" Alam kong binelatan nya talaga ako kahit hindi kami magkaharap. Sigh. "Pero seryoso na, ikumusta mo rin ako sa kanila ha?"

"Feeling close lang te?"

"Aba!"

"Oo na"

"Grabe, sikat ka na bes mag online ka. Wooo!"

"Alam ko na 'yan girlaloo" Sabay flip ng bulbol... sa ulo.

"Lakas ng hangin. Ge, ibababa ko na. Tutal magkikita na naman kayo mamaya, magpaganda ka na. Hihihi. Maghahanda naman ako para mamaya. Party! Party!" May reunion kasi sila ng mga classmates nya noong highschool. Hindi kami mag classmate noon kasi mas matalino tong babae kesa sa'kin kaya hindi ako sama sa reunion nila.

"Oo na. Ikumusta mo rin ako kina Desiree" Ani ko. May kaibigan din akong iba. Anong akala nyo sakin?

"Oo. Bye"

"Bye" Sya na ang nag-end call.

Sigh...

Tingin sa bintana...

Sigh...

Tingin sa wall clock...

Sigh...

"Tumigil ka nga dyan sa kakabuntong-hininga mo. Akala naman nito napakabango ng hininga nya" Nahimasmasan ako sa pagsalita ng napakagaling kong kapatid.

"Heh! Magtigil ka nga. At saka, hoy! Mabango ang hininga ko, nag-toothbrush ako no. Amuyin mo" Lumapit ako sa kanya at binugahan sya
. Bwahaha!

"Lumayo ka nga! Tch" Pagtataboy nya sa'kin. Humpf!

"Kitams?" Pagtataray ko.

Alam mo? Hindi pa rin ako naka-get over tungkol kahapon. Akala ko nananaginip lang ako. Simula nung kahapon, mula sa press, sa restaurant, sa bahay ng The Haven, hanggang sa pag-uwi ko. Deep down hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa'kin. Pero I must say this, I'm a happy-go-lucky, a daredevil person at kahit ano sinusuong. Shemay! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Ewan ko kung may konek?

Ready na ako. My gosh! Nasan na ba ang boyfriend ko? Ehem... Hinihintay ko nalang sya. O-M-G! Isasama nya raw ako sa fansigning nila. Bakit nya ba ako pinasama? Mag role play na ba kami? Boring dun, sigurado. Titingin lang ako sa kanila.

*Dingdong*

Nagulat ako sa doorbell at biglang napatayo sa kinauupuan. Agad akong lumabas at pinuntahan kung sino ang nagdoorbell. Habang papalapit ako sa gate, may nakita akong babaeng nakatayo sa labas.

"Sino sila?" Tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng gate. Mukhang ka-age lang kami nito. Simple lang syang babae. Hmm... Cute sya. Maganda ako.

"Hi. Inutos lang akong magdoorbell sa bahay mo. Naghihintay na si Claude sa loob" Nakangiti nyang sabi. Tinignan ko ang nasa likod nya at may sports car. Kay Vincent nga ito.

Mistaken AddressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon