Chapter 13

61 2 5
                                    

Mistaken Addrress
CHAPTER 13

Sa totoo lang. Gusto kong magmura ng malutong. Ano naman ang pakay nya ngayon sa'kin? Argh! Parang bumalik ang sakit. Parang kahapon lang nangyari. Hindi ko gustong makita sya sa ngayong hindi pa lubos na naghihilom ang sugat na tinamo ko sa kanya. Pero ano naman ngayon kung gusto nyang makipagkita? Ihahanda ko nalang ang sarili ko.

"Sam, okay ka lang?" Napukaw ang diwa ko nang magsalita si Vince.

"Uh. Oo"

"You're spaced out" Kasalukuyan kaming nasa kotse nya. Ihahatid nya raw ako pauwi sa bahay. Hang sweet lang diva? *giggles* Ehem! Pero hindi eh. Baka daw ako masagasa. Photech. Ano akala nya sa'kin?

"Wala lang. May iniisip lang ako" Tumingin ako sa dinadaanan naming establishments. "Ahm, Vince pwede ba'ng pakihinto mo nalang doon?" Turo ko sa isang coffee shop. Kapehang Lami. Masarap na kapehan daw. Parang kapehan lang sa kalye diba?

Hindi sya umimik pero nakita ko sa peripheral vision na tumingin muna sya sa'kin. Sinunod naman nya ako. Nagpark sya sa parking lot doon at huminto. Bumuntong-hininga ako at saka sya nilingon. "Salamat Vince, dito na muna ako. Nakikipagkita kasi sa'kin ang... Kaibigan ko. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ako baliw na maglalakwatsa sa gitna ng daanan ng sasakyan" Sarcastic 'yun sa huli. Hindi sya sumagot kaya bumaba nalang ako at sinarhan ang pinto ng kotse nya.

Pumunta na ako sa coffee shop at umupo sa vacant table. Hindi sa literal na table, syempre sa upuan. Hinihintay ko si Nicco, kasi sabi ko dito nalang kami magkita sa coffee shop na ito. Mabuti naman at konti lang ang tao.

Um-order ako ng dalawang kape at hinintay ang mokong. Psh. Ayoko ng pinaghihintay ako. Nakakabismud este beastmode. Weh? Nung una nga okay lang na maghintay ka kahit abutin ng bukas. Oo alam ko, noon 'yun nung nagkakandarapa ako sa kanya. At alam kong hindi pa talaga ako maka-move on sa kanya, pero sinasabi ko lang sa sarili na wala na talaga akong nararamdaman. Kahit 1% lang ang bawas sa paniniwala kong 'yun.

"Daine" Itinaas ko ang ulo ko at tumingin sa kanya ng walang emosyon. Umupo sya sa harapan ko. Inabot ko naman ang isang cup ng kape at tumingin sa labas. Hindi ko sya matingnan sa mata. Narinig ko syang nagclear throat. "Kumusta?"

"Okay lang ako. Masaya naman" Saka muli ko syang tinignan at ngumiti ng pilit. "Ikaw?"

"Ayos lang" Nakangiti nyang sambit. Mabuti ka pa. Ayos lang.

"Ano nga pala ang gusto mong sabihin?" Walang emosyong tanong ko tsaka tumingin sa kape kong nangangalahati na.

"Boyfriend mo pala si Claude Vincent ng The Haven" Ngumisi ako habang iniikot ang tasa. Bakit nya 'to sinasabi?

"Oo. Bakit?" Tanong ko naman.

"I read the article. 3 months na pala kayo" Eh ano naman ngayon?

"Oo" Tanging sabi ko.

"Alam kong wala na akong karapatan pero, you were cheating on me from the past two months of our relationship?" Boom! Alam mo naman palang wala ka nang karapatan. Sabi ko na nga ba't ganito ang magiging reaksyon nya. Tumingin ako sa kanya.

"Well? Tapos na naman yun. Tapos na tayo. The end" Tsaka ininom ko na lahat ng nasa tasa ko. Nagbuntong-hininga sya. Ano naman ngayon kung mainis sya? Wala na kami eh. Tapos lakas pa ng sikmura nyang sabihing wala na syang karapatan. Oo nga, eh wala na naman kami.

"Daine. I know you're still not over me" Tinapunan ko sya ng masamang tingin. Wow! Iniinis nya ako. Tama ka! Aba't, lumalaki pala ang ulo ng mga tao kapag 100% sure silang mahal sila. Psh.

"What? Haha!" Tumawa ako ng mapakla. Takte. Pwede na akong gawaran ng best actress. "Duh. Oo minahal kita..." Biglang bumara ang lalamunan ko. Pero hindi ko pinahalata "Noon yun. Alam ko namang matatapos tayo kasi may mahal ka ng iba. Inihanda ko na noon ang sarili ko. Mabuti na lang at nakita ko ulit si Vince" Salamat sa'yo Vince. Salamat talaga. Le cries. LOL.

Mistaken AddressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon