Chapter 14

24 2 2
                                    

Mistaken Address
CHAPTER 14

"It's not you, it's me" Napaiwas ng tingin si Kade at iniba ang expression ng mukha na wari mo'y nasasaktan. Hindi ko alam kung anong trip ng dalawang 'to. Kasalukuyan kaming nasa music room ng dorm namin para magpractice ng bago naming album. Dahil wala pa ang manager namin, kaya maingay dito.

"Hey. Tumingin ka sa'kin" Hinawakan ni Tim ang mukha ni Kade at iniharap ulit sa kanya. "Sabihin mo na sa'kin kung saan ako nagkulang. Hindi ko kayang magkalayo tayo"

"bro"

"bro" Damn bromance.

"Tumahimik nga kayo diyan! Amputs lang, nakakarindi. Ano bang mga trip nyo ha?" Naiinis na sigaw ni Kael at binato sila pareho ng unan. Pero agad naman silang nakailag at nagtawanan sa kabaliwan nila. Napailing nalang ako at muling itinuon ang pansin kay Preigh.

"Uy nagseselos ang baby. Yiie!" Ang ingay ng dalawang ugong. Mas lalo lang nilang iniinis si Kael sa mga panunukso nila.

"Mga gunggong, baby niyo mukha niyo. Bakit nga ba tinawag na throw pillow itong mga unan?" Turo ni Kael sa dalawang throw pillow na hawak niya galing sa mga upuan. Siguradong pambato niya ito sa dalawa.

"Kasi pambato 'yan eh" Nagbatuhan silang tatlo ng unan. May lumipad pa ngang unan sa direksyon ni Preigh, mabuti nalang at napailag ko agad.

"Uy Vince" Nilingon ko si Ryle ng tapikin niya ang balikat ko at umupo sa isang stool na katabi ko lang.

"Anong kailangan natin?" Tanong ko sa kanya at pinunasan uli si Preigh, ang gitara ko.

"Wala naman. Nga pala, saan kayo pumunta kanina pagkatapos ng fansigning event? Hindi kasi sinabi ni madam" Madam ang tawag nila sa manager namin. Napailing nalang ako sa isip, talagang gusto ni Miss ang tungkol sa amin ni Samantha. But I am not taking it seriously. It had been already a wrong move. I lied to the public, and I have to lie to myself too? No.

"Lalim yata ng iniisip natin ah. Saan nga? Anong ginawa niyo?" Nakangisi niyang tanong. Kalalake nitong tao, ang chismoso.

"Nothing..." I paused. Alangan ko namang sabihin sa kanya na nagkausap sila Sam at ng exboyfriend niya. Kahit ganon, I have to respect her privacy. Although I have been rude to her lately and I felt deeply sorry for that. So to lighten her mood... "Kumain lang kami ng drive thru and then I took her to the beach"

"Woah dude. Nagswimming kayo dun?" Biglaang singit naman ni Tim at talagang malapitan ang mukha. Nilayo ko ang mukha niya gamit ng palad ko.

"No. Nagpahangin lang kami" Sagot ko.

"Ay sus. Iba talaga kapag inlove" Sabi ni Kael. Napailing nalang ako sa mga pinagsasasabi nila. Nakita ko namang ngumiti ng tipid si Ryle. I don't have to say this but Ryle knows everything and even Kade.

Well I just hope this would end soon.

"Madam! Na miss ka namin!" Sigaw ni Kade ng dumating na ang manager namin. Ito namang si Tim, akmang yayakapin si Miss pero hinablot ni Ryle ang likod ng T-shirt at hinila siya palayo.

"OA niyo. Umalis lang ako ng isang oras kasi may inasikaso ako" Binigay niya na kami tig-iisa ng copy ng bagong compose na kanta. "Osiya. Ayos na ba ang mga intruments niyo?" Nag thumbs up lang kami. Kailangan pa naming kabisaduhin ang magiging tono ng kantang ito bago muna kami makagawa ng pattern.

Samantha POV

"Ayusin mo nga ang pagsasalita mo" Sabi ni Charice mula sa kabilang linya.

"Sinabi ko na nga sa'yo kanina na kumakain ako ng pipino dito" Sabi ko naman at kumuha ng dalawang slice ng pipino. Pampakinis kasi ito ng balat, at kailangan makinis at byutipol si ako.

Mistaken AddressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon