Chapter 22

7 1 0
                                    

Mistaken Address
CHAPTER 22

Nang mailagay ko na ang lulutuin sa mesa, sumilip ako sa pinto ng kusina. May nararamdaman kasi ako sa dalawa. Parang nagkakahiyaan na ewan. Kasi nang magkita silang dalawa kanina bigla silang natahimik. Parang bromance ang dating. De joke.

"Pare kumusta?" Tanong ni Jaydon.

"Ayos lang. Ikaw?" Straight face ang drama ni koya. Parang hindi nangungumusta ang isang 'to.

"Mabuti." Sagot naman ni Jaydon.

*Sound of crickets*

Sinenyasan ko si Drake na pumagitna sa kanilang dalawa. Ang layo kasi ng agwat nila sa sofa. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Drake." Sinalo ni Drake ang hinagis na kung anong bagay ni Vince.

"Ayos! Hehehe. Salamat kuya Vince!" Nagthumbs up si Vincent. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan ng dalawang 'to.

Napatingin naman ako kay Jaydon, kawawa naman nao-OP yata.

"Nga pala kuya Jay. Salamat din sa sapatos na 'to." Biglang napalingon si Vincent sa dalawa.

"It's nothing." Saad ni Jay.

"Hay! Ganyan ba ang mga lalake? Di ko sila kinaya." Bumalik nalang ako at sinimulan ko na ang pagluluto.

"Ay multo!" Halos mapatalon ako nang marinig kong may tumikhim sa likuran ko. Nakaupo siya sa upuan ng dining table ng nakaharap sa likod ko.

"Ako lang yata ang pinakagwapong multo." Aniya.

"Yeah. Yeah. Sabi mo eh."

"So..." Sumilip siya sa niluluto ko. "Sino nga pala 'yon?" Kinunutan ko siya ng noo.

"Si Jaydon. Hindi mo ba siya maalala? Pinakilala ko na kayo sa isa't isa." Pambihira 'to.

"Sorry, I'm not good in keeping names in mind." He said plainly. Tinalikuran ko nga.

"Ulyanin." Sambit ko.

"Anong niluluto mo?" Nagulat ako nang malapit na siya sa 'kin. Huli na nang humarap ako sa kanya.

*Dugdug*
*Dugdug*
*Dugdug*

"Ah. S-sinigang na baboy." Napatingala ako dahil sa mataas na taong 'to.

A-ang init. Malapit na nga ako sa stove, ang lapit niya pa sa 'kin. Narinig kong binuksan niya ang kalderong ginagamit ko. Paano ba 'to? Hindi ako makagalaw. Nakakulong ako sa magkabila niyang kamay na nakahawak sa lutuan.

"Lagyan mo ng maraming asin." Yumuko siya ng bahagya para tingnan ako. Napakurap ako dahil sa malumanay ang boses niya. Nakapanghihina.

Nang-aakit ba siya? No! Hindi! Aniyo! Akala ko lang 'yon. Maghunos-dili ka Samantha!

"Papangit ang lasa niyan kapag buhusan mo ng maraming asin." Mahina kong sabi. Halos bumulong na nga ako eh. Todo atras naman ako, kaya lang apoy na ang umaabang sa 'kin.

"Mapapaso ka." Pinulupot niya ng isang kamay ang baywang ko at wala pang isang segundo, umikot ang posisyon namin. At heto na naman ang puso ko nakikipagkarera. Kailangan ko na sigurong tumigil sa kakapapak ng kape. Palagi nalang akong nagugulat. Ito kasing si Vincent ang hilig manggulat.

Napansin kong nakangiti siya ng nakakaloko. "Anong ngiti 'yan?" Tanong ko.

"Pinagpapawisan ka sa noo."

"Ano naman 'yon? Natural, ang lapit ko kanina sa kalan." Pagdedepensa ko.

Ano ba 'to? Masyadong awkward ang atmosphere. Kailangan talaga ng ganito ka-intimate? Gumawa ka ng paraan Samantha ha. Itutulak ko ba siya o tutuhurin? At saan mo balak tuhurin? Wala joke ko lang 'yon.

Mistaken AddressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon