Chapter 8

36 2 0
                                    

Mistaken Address
CHAPTER 8

     "Anak, kumain ka na. Aalis naman kami ng papa mo" Rinig ko sa kabila ng pinto ng kwarto ko.

     Ang alam nila, natutulog pa ako dahil nag-enjoy ako sa date ko kagabi, masaya ako, wala nang problema sa lovelife.

     Pero bwisit, namaga na naman ang mata ko. Nakipag-date na naman ako sa sarili ko kagabi. Ang lusaw lang 'di ba? Nakipag-date sa sarili? Psh.

     Nang marinig kong mahina na ang tunog ng engine ng kotse ay tumayo na ako sa pagkakahiga. Nangangahulugang umalis na sila. Ayokong makita nila akong ganito na naman. Makakadagdag lang ako sa problema nila.

     "Daine, 'wag mong sabihin na umiyak ka na naman buong gabi. Nakipag-date ka lang kahapon ah. Ano 'yan, tears of joy?" Pambungad ni Drake nang bumaba na ako. Hindi ko nalang pinansin, titigilan na lang ako nyan mamaya 'pag napagod na.

     Nang mapansin nyang hindi ko sinakyan ang sinabi nya ay hindi na sya nagsalita. Alam naman nya kapag seryoso ako ay kailangan nang manahimik.

     Narinig ko namang nagpapatugtog sya ng music sa player nya. Ang ganda ng taste ng kapatid ko sa mga songs. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay tumuloy ako sa sala at doon na ako kumain.

     Nakikikinig lang din ako sa kanta habang si Drake ay naglalaro sa cellphone nya. Ano pa ba? Eh 'di yung clash of clans nya. Tapos maya-maya, bibisita naman 'yan sa mga social media accounts nya.

    

     Nasa kalagitnaan ako sa pagkakain ng tumunog ang phone ko. Tiningnan ko naman kung sino.

Bespren Calling...

     "OMG. OMG. OMGas! Ganyan ka na ngayon ha? Hindi mo man lang ako kinuwento-"

     "A-ano? Anong ibig mong sabihin?" I cut her immediately. Umaariba na naman ang pagkaloka-loka ng babaeng 'to. Wala man lang hello, Oh My Gas agad.

     "Explain this later. Papunta na ako dyan. Bye *toot*toot*" Langya. Binabaan agad.

     Hindi pa lagpas ng five minutes ay dumating na sya. Walang katok-katok at pagbati, agad syang umupo sa tabi ko at nameywang pa.

     Wow parang si Flash. Napailing nalang si Drake sa gawi ni Charice.

     "Hindi ba, nakipag-date ka kahapon?"

     "Oo"

     "Bulaklakin ang suot mo na dress?"

     "Oo"

     "Naka-bun ang buhok mo?"

     "Oo"

     "Sino yung ka date mo?" Seryoso? Ito ba ang ikina-o-OA nya? Pero wala naman akong naging ka date.

     "H-hindi ko alam"

     "Hindi mo alam? Pambihira ka naman. Ako ba niloloko mo?" Nakataas pa ang kilay nya. Inirapan ko naman. Bakit hindi nalang sabihin ng deretsahan? Batukan ko nga minsan nang mahimasmasan.

     "Hoy babae, hindi ko alam ang pinagsasasabi mo. Ano ba 'yan?"

     "Haba ng hair mo te! Sya pala ang admirer mo. You're freaking dating with a star!" Aba umi-english. Tiningnan ko sya ng nakakaloko. Wala eh, naglolokohan talaga kami.

     "Star star ka dyan" Eh wala nga akong naging ka-date eh. Hindi ako sinipot ng walangyang admirer ko kuno. May kiniss pa ako sa cheek. Ugh! Nakakahiya! 'Wag na ngang pag-usapan. Kinain ko nalang ang panghuling subo sa kutsara ko.

Mistaken AddressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon