Chapter 23

21 1 0
                                    

Mistaken Address
CHAPTER 23

Guess what? Saturday na ngayon at manunuod kami ni Jay ng Musical theater, entitled Magical. About sa isang ordinary guy at isang ghost girl na na-inlove sa isa't isa. Sounds tragic dahil ghost na ang babae pero excited na talaga akong manuod. So yeah.

Namimili na ako ng damit na susuotin mamaya nang biglang mag-ring ang phone ko. Vincent is calling. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin 'yon.

"Yes?"

"Anong ginagawa mo ngayon?" Tanong niya.

"Naghahanda ng susuotin ko."

"Para sa?"

"Mamaya, sa musical theater." Nakalimutan na siguro nito.

"You're spending the whole afternoon for choosing an outfit? Hindi ka naman sobrang excited niyan." Problema nito?

"Babae ako, natural lang na pumili ako ng damit na naaayon sa gusto ko para sa isang partikular na event." Paliwanag ko.

"Pwede bang ipagliban mo muna 'yan ngayon?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"That particular event. Kailangan mong sumama sa 'kin mamaya."

"Ano? Paano si Jay?"

"I'm sorry kung hindi matutuloy ang date niyo."

"Anong date?"

"Hindi ba date ang tawag mo diyan? You're going out with a guy, so it's a date."

"Kung date nga, edi friendly date. Wala namang masama doon. Teka, saan mo naman ako ipapasama?"

"We're having a ball with the other celebrities later. Ikaw ang isasama kong partner."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napasabunot ako sa buhok.

"I'm on my way to your house. Bye." Binaba na niya ang tawag. Napaawang nalang ang bibig ko sa nangyayari.

Napahiga ako sa kama at nagpagulong-gulong doon dahil sa inis at sa hindi ko alam ang gagawin ko.

Napaisip ako. May right akong pumili kung saan ako sa sasama, tama! P-pero... Kasi naman! Kung sasama ako kay Vincent, paano na si Jay? Mamaya pa naman ang theater at ngayong araw pa ako aatras? Unfair naman.

Pero napaisip ako sa kabila, kung sasama ako kay Jay, paano naman si Vincent? May mga artista namang magaganda. Oo nga, pwede niyang yayain ang mga artistang maganda, sexy at single pa. Pero ikaw ang girlfriend niya, kaloka nito. Nako ang tanga ko talaga, oo nga't alam nilang may girlfriend siya.

So I made the final decision at naisipang tawagan si Jay. Anong sasabihin ko? Ano kayang mararamdaman niya? Baka palamanan niya ng bato ang isang ticket at ibato sa 'kin. Huhuhu~

"Hi Samantha. Are you having a good time?"

"Uh. Kasi ano..."

"Yes?"

"May nangyari kasi. Ano, hindi ako makakasama ngayon."

"Ganoon ba? What happened?"

"May ball mamaya ng mga celebrities, kailangan ako ni Vincent. Okay lang ba sa 'yo Jay?"

"It's okay with me."

"Sure ka? Nababahala kasi ako, ngayon ko palang sinabi."

"'Wag kang mag-alala. Okay lang sa 'kin. In fact, he should be the one you have to be with." Napangiti ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mistaken AddressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon