Chapter 2

96 8 0
                                    

Chapter 2

Andito ako ngayon kasama si Kevin nagtatago pero malapit kami sa Starbucks.

"Alam mo parang tanga tayong nagtatago ditto, eh kung nilalapitan mo siya ede natuwa pa ako sa iyo tapang-tapangan ka pa dyan sa chat hanggang chat lang naman pala ang kaya mo." Bulong niya sa akin.

Minsan hindi ko alam kung kaibigan ko ba itong si Kevin eh.

"Tang ina pwede mag intay? Paki distract muna siya lalapitan ko ang kotse niya para butasin ang gulong." Bulong ko.

"Nako tigil tigilan mo nga ako."

"Tss, lalapitan ko na nga lang siya tapos ikaw ang magbutas ng gulong ok?" inayos ko naman ang sarili ko, hindi ako naka-heels hindi din ako naka dress, ang suot ko lang ay ordinaryong putting pantaloon at crop top.

"Hi!" nakangiti kong sabi ng lapitan ko si Isabel Baluga.

"Who are you?" napataas naman ang kanang kilay niya ng makita niya ako.

"I'm Jhay's present, and you are???" umupo ako sa kaharap na upuan niya.

"I'm Jhays first love" ngumiti din siya.

PLASTIK! Napipikon ako actually.

"Oh sinong hinihintay mo nga pala dito?" tanong ko.

"Si Jhay" tapos nag flash ang kanyang mapang-asar na ngiti.

Hindi si Jhay ang naka-chat mo t*nga! Gandang babae t*nga naman.

"Kung ganoon bakit siya nag friend request sa fb ko kung hindi niya pa pala ako mahal?" nginitian niya ako pero nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko ipapahalata. Bawal ako mag-mura pero putngina eh.

"Ah talaga? The last time I check eh ako ang gumagamit ng fb ni Jhay coz he was way too busy for our future"

Tumayo siya at naglakad papalabas sinundan ko siya ng tingin at nakita ko si Jhay sa parking nakatayo at nakasandal sa kotse niya, nang magtama ang mga mata naming napa-iling na lang siya agad naman ako tumayo para lapitan siya.

"Diba sinabi ko sa iyo wag mo na siya pansinin?!" litanya niya agad sa akin pagkapasok ko sa loob ng kotse niya.

"Hindi ko mapigilan sarili ko eh! Ano bang motibo niya at nag message siya sa iyo?! Tsaka ano yung sabi niya na ikaw ang naunang mag friend request?! Jhay ano ba talaga ang gusto mo sino ba? Napapagod na ako lahat na lang itinatago mo sa akin!" tumutulo na ang luha ko hindi ko mapigilan.

Nagmaneho naman siya pero alam ko sa opisina niya ang diretso namin.

Nakayuko lang ako ng mag lakad kami patungo sa opisina niya.

Dapat kasi hindi siya nagpunta! Paano niya nalaman na makikipagkita ako duon sa Isabel na yon?!

Nang makapasok ako sa opisina niya, dumiretso agad ako sa lamesa ko, aba may lamesa din ako dito at computer, gusto niya kasi nakikita niya din ako kapag nag tatrabaho ako at hindi pa din namin tapos yung bahay na pinapagawa niya sa akin.

Ok ayun nga binuksan ko ang computer at umupo, siya din ganoon ang ginawa pero ako pagkabukas ko ng computer naglaro ako ng 8 ball pool sa facebook.

Unang game nanalo ako.

Tapos biglang maya-maya may lumabas.

Jhay Challange you!

Putspa! Ano to akala ko nagtatrabaho siya? Bat hinahamon niya ako ng laro sa 8 ball pool?

Syempre dinedma ko tapos nilingon ko siya, paglingon ko seryoso pa din siyang nakatingin sa computer.

I rolled my eyes, akala niya siguro I accept ko. No way! Galit ako, galit na galit ako!

Nag log-out na lang ako sa facebook ko tapos kumuhan na lang ako ng libro para magbasa ng bigla naman siyang nagpatugtog, duuhhh! Yung mga speaker nasa apat na sulok ng opisina niya.

Nanadya lang yan Jen wag mo ipahalat na naiinis ka.

Tumayo ako at umupo sa sofa na nakaharap sa lamesa niya habang nagbabasa ako unti unti ko siyang sinisilip at lalo niya pa nilakasan yung tugtog.

Tinignan ko ulit siya ng masama tapos pinatay niya yung tugtog maya-maya lang may narinig na naman ako

'Love will lead you back

Someday I know that
Love will lead you back to my arms
Where u belong
Sure'

Parang video ko ata ang pinapanood nito, nung na stolen video ako ni Carlito habang nagbabaliw-baliwan ako sa school noon at kumakanta ng Love will lead you back.

Tumatawa tawa naman siya habang pinapanood yung video, nagpapansin lang yan Jen wag mo yan pansinin. Kausap ko sa sarili ko.

"Pwede paki hinaan?" salita ko. Tapos tinuon ko na ulit yung atensyon ko sa libro.

Napalingon ako bigla sa pinto ng may kumatok, si Eliza.

"Sir, maguumpisa na po ang meeting niyo with Mr. Dela Cruz in an hour"

"Sige na, hindi mo na kailangan akong samahan si Jen na lang ang sasama sa akin." Sabi ni Jhay, teka wala pa akong sinasabi na payag ako!

"Sige po Sir" nilingon naman ako ni Eliza at ningitian.

"Eliza nasan si Wendy?" tanong ko at binitawan ang librong hawak at nilapag sa lamesa.

"Andun sa 1st floor Jen" hanubayan! Nasa 1st floor pa siya eh nasa 16th floor kaya kami!

Tumayo naman ako at sinundan si Eliza palabas.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jhay, hindi ko naman siya nilingon pero syempre sinagot ko siya na pupuntahan ko lang si Wendy.

"Anyare?" tanong ni Eliza.

"Aysus yung ex ng boss mo nagpaparamdam sa facebook ayun kumulo dugo ko at nakipagkita ako doon sa babae." Sagot ko naman at umupo sa upuan sa harap ng lamesa niya.

"Ay ganun? Anong ginawa mo pagtapos?" inaayos naman niya yung mga papeles.

"Nahuli ako ng boss mo, hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na nakipag kita ako doon sa ex niyang si Isabel Baluga." Bigla naman siyang napatigil sa pag aayos ng papeles at mukang nagpipigil ng tawa sa narinig na apelyido ng Isabel na iyon.

"ANONG NAKAKATAWA?! ABA GALIT NA GALIT NA AKO DITO" tumirik naman ang mata ko.

"AY kaya pala aligaga siya kanina at tinawag ang head ng IT, pinahack siguro niya facebook niya" salita ni Eliza.

"Ay kaya siguro niya nalaman na magkikita kami ni Isabel, sige alis na ako puntahan ko muna si Wendy, kumain ka na ba?"

"Ay oo kumain na ako" tumingin siya sa relo. "Bilisan mo kasi baka umalis si Wendy, patapos na duty nun."

"Tss dapat kasi secretary ko na lang si Wendy ede sana may binabatukan ako pag badtrip ako, charot!" patawa ko.

"Sira ka talaga" at tinuon na niya ang atensyon niya sa computer.

Agad-agad naman ako naglakad papunta sa elevator ng biglang may tumulak sa akin, sh*t! pasalamat ka hindi ako naka heels kundi yari talaga tong babaitang ito sa akin nilampasan niya lang ako at naglakad papasok ng elevator at inunahan pa ako.

Hindi ata ako kilala ng babaing ito.

Anyways hahayaan ko siya, wala ako sa mood para sirain ang mood ko... hanudaw?!

So ayun hintay ulit ako ng elevator. Pagkasakay ko may susunod sana na babae na naman ng bigla siyang pigilan ng isang lalaki, taas noo naman ako ng magsara ang pintuan ng elevator.

Nang biglang...

"Sh*t naman" biglang huminto ang elevator. Pwede ba Jhay wag mo tipiran ang maintenance ng elevators mo! Mapapatadyak na lang ako sa ganitong nangyari sa akin. Kukunin ko sana ang cellphone ko sa bulsa ko ng marealize ko na wala pala ito sa bulsa ko.

"Tss, just great!"

a


Ang Masokista kong Boypren (Book 2 ng Ang Sadista kong Girlpren)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon