Chapter 8
Maaga akong nagising pero hindi ako bumangon. Pagdilat ko tinignan ko ang cellphone ko. Ay hindi pala cellphone pala ito ni Jhay.
Pagbangon ko parang wala akong buhay, parang ayaw ko ng gumising.
Si Jhay, kamusta kaya siya? Nasa opisina kaya siya?
"Gising ka na?" bigla akong napabangon ng marinig ang isang boses sa loob ng kwarto ko.
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" nakita ko siyang nakaupo sa couch.
"Look, sorry kung nasabihan kita ng ganoong bagay, hindi ko alam na ganoon ka importante sa iyo ang mga ganoong bagay, hindi ko din alam na nasasakal ka sa mga privacy ko... sorry... sorry" nilapitan niya ako at niyakap, para naman akong maiiyak sa mga binibitawan niyang salita. Mahal ko pa din siya. Mahal na mahal.
"Sorry din" bulong ko at tuluyan ng tumulo ang luha na pinipigilan ko.
"Anak, Jhay kain na tayo agahan" narinig kong nagsalita si mama sa labas ng kwarto ko.
"Opo ma"
"Wag mo nay un uulitin ha? Ayaw kong mawala ka sa akin... hindi ko kaya" he cupped my face with his two hands.
Tumango naman ako at hinalikan niya ako sa noo.
"Mine?"
"Po?"
"Nagpapasalamat ako sa panginoon kasi binigay niya sa akin ang isang limited edition na taong tulad mo" tinignan niya ako sa mga mata ko at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga binitawan niyang salita.
Ngumiti ako at pumikit at pinakiramdaman ang mga palad niyang nasa pisngi ko.
"Mine"
"Po?"
"Will you marry me?"
"Seryoso ka?"
"Oo, Hinding hindi ako magbabago at hindi na ako maghahanap ng ibang tao andito lang ako hanggang sa huling hininga ko... mahal na mahal na mahal kita.. wag na wag kang magbabago ha? Sorry sa mga pagkukulang ko... salamat sa walang sawang pagmamahal at pangunawa na biibigay mo sa akin kung di man tayo laging nagkikita tandaan mo di magbabago ang pagmamahal ko sa iyo"
Awwwwww.
Natawa na lang ako bigla pagtapos ng mga sinabi niya.
"Ba't ka tumatawa? Seryoso ako dito tapos tatawanan mo lang ako" lumabas na naman ang mga wrinkles niya sa noo. At ang kilay! Salubong na naman.
"Wala" pagpipigil ko ng tawa.
"Ano nga?"
"Ang korni mo na naman kasi, tara na nga kumain na tayo" tumayo ako at paglabas ko ng kwarto eh madilim.
"Ma?" tawag ko pero walang nagsalita, nakasunod naman si Jhay sa likod ko.
Nagulat na lang ako ng biglang may tumugtog.
Minsan Oo Minsan hindi
Minsan Tama Minsan Mali
Umaabante Umaatras
Kilos mong namimintas
Kung Tunay nga ang Pag ibig mo
Kaya mo bang Isigaw
Iparating sa Mundo
Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
'Sayo Lang ang Puso ko'Napatingin ako nang biglang may umilaw sa may banner.
Walang ibang Tatanggapin
Ikaw at ikaw parin
May gulo ba sayong isipan
Di tugma sa nararamdaman
kung tunay nga ang pag ibig mo'Will you marry me?'
Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayoNapaluha na naman ako ng makita ko iyon at nilingon si Jhay na ngayon ay parang maiiyak din.
Kailangan ba kitang iwasan
sa twing lalapit may paalam
ibang anyo sa karamihan
iba rin pag tayo, iba rin pag tayo lang
Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
(Kung maging tayo)
Kung maging tayo
(Kung maging tayo)
Kung Maging Tayo
'Sayo Lang ang Puso ko'"Nakakainis ka!" hinampas hampas ko naman yung dibdib niya.
"Bakit naman?" natatawa niyang sabi pero ako yung mata ko naluluha na.
"Sineryoso mo, akala ko nagbibiro ka eh!" tapos tuluyan na akong humagulgol, niyakap naman niya ako tapos bigla na siyang lumuhod.
"Mine! Will you marry me?" inilabas niya ang isang simpleng singsing pero kahit na ganoon napaka-elegante pa din tignan.
"Yes!"
BINABASA MO ANG
Ang Masokista kong Boypren (Book 2 ng Ang Sadista kong Girlpren)
RomansaPrologue Isabel Baluga pagsisihan mo na pumapasok ka ulit sa buhay ni Jhay. Link ng Ang Sadista kong Girlpren: https://www.wattpad.com/story/9371778-ang-sadista-kong-girlpren-complete