Chapter 7
Pag-uwi ko nakita ko si Jhay sa sala nakaupo at mukang inaantay ako.
"Jen" bungad niya pero itinaas ko ang palad ko para patigilin siya sa pagsalita.
"Anak ilang oras nay an dito si Jhay kaka-intay sa iyo, san ka ba galing?" tanong ni Mama.
"May inasikaso lang sa opisina"
"Galing ako sa opisina, sabi ni Kevin hindi ka daw nagpunta doon"
"Paki mo ba?" I rolled my eyes at nagpunta na lang sa garden.
"I thought I lost you" umupo siya sa upuan na na katapat ko.
"You will" sagot ko.
Nakita ko ang gulat sa ekspresyon ng muka nya.
"You will... kung hindi ka titigilan ni Isabel, simula ngayon putulin mo na ang communication sa kanya at sa mama niya o kahit na sinong kamag-anak niya"
"Sige po" sagot niya.
"Oh ano yang dala mo?" tanong ko ng mapnsin ko ang isang plastic bag na hawak niya.
"Ice cream" agad ko naman kinuha ang hawak niyang plastic bag.
"Kumuha ka sa loob ng kutsara dali" agad naman siyang kumuha ng kutsara sa loob ng bahay.
"Ahhhh ang sarap" salita ko habang kumakain.
"Talaga?" nakangiti niyang tanong.
"Wag mong isipin na bati na tayo, galit pa din you're still not forgiven"
"Mine, sorry na po kasi"
"Pag-iisipan ko" sagot ko at kumuha ulit ng isang puno ng ice cream sa kutsara at sinubo ito.
"Tss, akin na nga yang ice cream" aagawin na niya sana ng hatakin ko ulit ito.
"Ano ba! May laway ko nay an, tsaka binigay mo na ito sa akin wala ng bawian" salita ko.
"Bati muna tayo"
"Tss isip bata... Oo na bati na tayo pero galit pa din ako, hindi pa din iyan makakalimutan ng utak ko" sagot ko.
"Bat kasi binuksan mo fb ko privacy ko na yon"
"Una sa lahat naiwan mong naka open ang fb mo sa cellphone mo pangalawa hindi ako ang naunang mag message at pangatlo paano yun nagiging privacy kung lahat ng friends mo sa fb eh nakikita ang information tungkol sayo?! Ha! Sagutin mo nga ako! Usapang privacy na naman ba? Ako nagging open ako sa lahat ng bagay tapos pag ako ang lagi mong sagot privacy! Putang inang privacy iyan! Kung paiiralin mo pa din ang privacy mo ayaw ko na! suko na ako lahat na lang may issue sa iyo!" tumayo ako at pumasok sa kwarto ko leaving him behind.
Sumalampak ako sa kwarto ko, ayaw ko siyang iwan pero kung lagi na lang ganito lagi nalang ganoon ang isyu sa aming dalawa.
I cried.
I regret.
BINABASA MO ANG
Ang Masokista kong Boypren (Book 2 ng Ang Sadista kong Girlpren)
RomancePrologue Isabel Baluga pagsisihan mo na pumapasok ka ulit sa buhay ni Jhay. Link ng Ang Sadista kong Girlpren: https://www.wattpad.com/story/9371778-ang-sadista-kong-girlpren-complete