Chapter 4

79 8 0
                                    

Chapter 4

"Sorry kung nagseselos ka, sorry" paulit ulit niyang sinasabi sa pagitan ng mga hikbi niya.

"Ok lang Dy" sabi ko. "Wag na umiyak ok?"

"Pero sorry talaga Mine"

"Isa pang sorry tatadyakan na kita" sabi ko. Binitawan ko siya kaya tumayo siya hinawakan niya ako at hinalikan sa noo.

"Pero pupunta pa din tayo ng gym bukas" ngiti kong sabi, alam na niya kasi ang mangyayari sa kanya bukas.

GYM

"Araaaaay!" sigaw ng ka sparring ko.

"Mine bitawan mo na!" sigaw ni Jhay sa labas ng ring.

"Dy workout to" sagot ko.

"Mine maawa ka naman"

"Tutal gusto mo bitawan ko siya, ikaw na lang... buti nga hindi ikaw ang ginanito ko." Sabi ko tapos binatawan ko na yung ka sparring ko.

"Sige ako na lang." umakyat siya ng ring.

Nang aatakihin ko na siya parang hindi ko kaya, kahit na mas malaki ang katawan niya sa akin hindi ko pa din siya kayang saktan kahit na badtrip na badtrip ako kahapon.

"Sige na Mine saktan mo na ako kung gusto mo ako saktan para lang mawala na yung galit mo" nakatingin siya sa mga mata ko, lalo ako nakokonsensya sa paghihimutok ko kahapon.

Naglakad ako paalis ng ring at uminom ng tubig.

"Intayin mo ako dyan" sabi ko at dumiretso ako sa locker room at nagpalit ng damit.

Paglabas ko naka upo lang si Jhay sa isang bench.

"Tara na" sabi ko at buhat buhat ang gym bag ko.

"Mine swimming tayo gusto mo?" salita niya nung nasa kotse kami.

"Sige, pero wala kang meeting?"

"Wala naman, ikaw ang baka may meeting" hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Salamat" sabi niya.

"Para saan?"

"Kasi kahit na galit na galit ka hindi mo ako iniwan" dumaan na naman ang pagiging korni neto.

"Pwede ba wag mo ako simulan ng pagda-drama mo" sabi ko "Mag maneho ka na nga lang" binitawan ko ang kamay niya well well well ang hirap magtago ng kilig ha!

Andito na kami sa resort talagang planado na ni Jhay yung pag swimming namin, kaming 2 lang yung tao. Tss mas gusto ko nga yung may ibang tao dito eh.

"Oh bat ganyan itsura ng muka mo?" tanong niya habang nagbababa ng mga kailangan namin.

"Bakit tayo lang tss korni neto" sabi ko, pero naglakad na ako papunta sa comfort room para mag shower.

Paglabas ko nakaupo siya sa may side ng pool at naka shorts.

Agad nya ako nilapita ng makita niya ako at niyakap sobrang higpit ng hawak niya sa akin ng hinila niya ako patalon sa pool.

"Dy! Hindi ako marunong lumangoy wag mo ako bibitawan" salita ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala kasi kahit kalian hinding-hindi ko bibitawan ang kamay mo kahit anong mangyari" bulong niya.

"Hugot" patawa ko.

"Bakit ba pag tuwing seryoso ako eh sinisira mo ang moment?"

***

"Mine, anu kaya bagay sa akin? Eto o eto?" iitinaas niya yung dalawang tuxedo. Aattend kasi siya ng debut.

"Kahit alin" sagot ko, habang nakaupo sa sofa.

"Mine naman, tignan mo ako." Ayun nilingon ko siya alam ko kasi hindi niya ako titigilan kapag hindi ko siya tinignan at hindi ako pumili.

"Yung nasa kaliwa" sagot ko, ayaw ko talaga siyang payagan eh kasi nga madaming babae, plus! Pag nalaman na siya ang CEO ng Legaspi Company ede mas lalo siyang pinagkaguluhan ng mga GOLD DIGGERS! Aaarrrgggggghhhh! Galit ako deep inside pero ningingitian ko siya.

"Anong problema?" tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Wala naman, bakit?" sagot ko at tinignan ko siya.

"Ano nga?"

"Ok ayaw ko kasi na umalis ka. Tapos" salita ko at niyakap ko siya. I can hear his heartbeat, mabilis ito.

"Ayaw mo talaga? Pwede naman akong hindi umalis eh" sabi niya at niyakap niya din ako pabalik.

Tumango naman ako.

"Sige hindi na ako pupunta" ewan ko pero parang nalungkot din ako sa sinabi niya at the same time masaya din nagiging busy kami nitong mga dumating na araw, nagkikita nalang kami tuwing lunch.

"Patingin nga ulit ng invitation" sabi ko pagabot niya sa akin may tumawag sa cellphone niya.

"What?" unang sabi niya.

"Wag mo papapasukin" tapos binaba na niya yung cellphone.

"Sino yon?" tanong ko.

"Ah wala" biglang kumunot ang noo niya pagtapos ng tawag, sino kaya yung tumawag sa kanya? Bigla naman may pumasok sa utak ko.

"Nasa baba ba si Isabel?" para naman siyang nagulat sa tanong ko.

"Wala" sabi niya at tinabihan na niya ulit ako.

"Sir may meeting po kayo in about 5 minutes with the board members" pumasok si Eliza.

"Sige" tumayo naman si Jhay.

"Mine saglit lang ha? Intayin mo ako dito ok? Wag kang aalis" tumayo siya at umalis, hindi naman umalis si Eliza at binulungan ako.

"Yung mama ni Isabel andun sa baba"


________________________________

Guys mag comment kayo! plith!


xoxo,

Dimple


Ang Masokista kong Boypren (Book 2 ng Ang Sadista kong Girlpren)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon