Chapter 10
"Jen, ano bang gusto mong color theme?" tanong ni Eliza, andito kasi ako ngayon sa opisina ni Jhay pero pagdating ko nasa meeting daw siya kaya kinakausap na lang ako ni Eliza ng tungkol sa wedding preparations.
"Siguro ahhhhmmm... hindi ko alam si Jhay na lang tanungin mo"
"Nga pala nakapili na nang date si Jhay" salita niya.
"Kelan?" tanong ko
"Sabi niya sa akin wag ko daw sabihin sa iyo eh..."
"Sige na sabihin mo na sa akin, hindi ko ako magpapahalata promise!" itinaas ko pa yung palad ko.
"Nako Jen mawawlan ako ng trabaho kapag sinabi ko sa iyo" pagtanggi ni Eliza.
"Wag kang mag-alala edi lumipat ka sa akin" bulong ko naman ng nakangiti.
"Sus Jen mas malaki ang kumpanya ni Jhay wag ng makulit" tapos lumabas na siya ng opisina.
"Tss" bulong ko sa sarili ko tapos dinampot ko yung cellphone ko para tawagan si Wendy sa opisina.
"Wendy ng peter pan!" bungad ko ng sagutin niya ang tawag.
"Bakit?"
"Alamin mo nga kung kelan ang sinet na date ni Jhay sa kasal namin" utos ko.
"Jen ayaw din sabihin sa akin ni Eliza kung kelan" tsk naman!
Lumabas din ako ng opisina para puntahan si Eliz kaso may nakita akong hindi kaaya-aya sa mga mata ko. Si Isabel.
"What brings you here?" tanong ko agad at nilapitan siya.
"Ms. Jen hinahanap niya po si Sir Jhay eh pinuntahan po yung wedding organizer ninyong dalawa" haaaay Eliz talaga inunhan agad ako na magsabi sa Isabel na ito well mabuti na din yun siguro dahil ako'y nanlalamig at nanginginig na sa galit pero may naalala ako.
"Oo nga, busy si Jhay sa pag-aasikaso ng kasal namin" nakingiti kong sagot pero nakahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko at feeling malapit na mag crack ang cellphone ko sa galit.
"I just want to say sorry to him" sagot niya.
"Sorry lang pala eh" dinial ko agad ang cellphone number ni Jhay at niloudspeak ito.
"Mine, kamusta ka na? kumain ka na ba?" salita niya agad pagkasagot ng tawag. Ngumiti naman ako na parang kinikilig.
"Dy, andito si Isabel" sabi ko.
"Anong ginagawa niyan dyan?" tanong niya na parang nag-aalala.
"Hinahanap ka daw niya sabi niya mag sosorry daw siya, naka loudspeak naman kaya naririnig ka niya" nakangiti kong sabi.
"Oh mag-sorry ka na" nilapit ko ang cellphone ko sa kanya pero hindi ko hinayaan na hawakan niya.
Tinignan niya lang ang cellphone ko.
"Ano pang hinihintay mo? Mag sorry ka na, busy siya wala siyang oras sa mga taong hindi naman involve sa kasal namin"
"J-jhay, sorry... sorry dahil sa akin nawala ang anak natin... sorry sa mga kasalanan ko" agad naman ako nanigas sa salitang 'sorry dahil sa akin nawala ang anak natin' argggghhhhhh! Nanadya na tong impaktang to! Nakaka imbyerna na!
"It's just the part of the past Isabel, wala ako sa kinatatayuan ko kung hindi mo iyon ginawa kaya nagpapasalamat din ako" humingang malalim si Jhay "Wag ka na din magpunta dito sa opisina ko pati na din ang mama mo" natuwa naman ako sa sinabi niya, tama din naman si Jhay hindi kami ikakasal kung hindi din dahil sa katangahan ni Isabel.
Aalis na dapat si Isabel ng pigilan ko.
"Isabel!" tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon.
"Nakita ko ang papa mo, imbis na si Jhay ang iniisip mong kunin mo eh bat hindi mo isipin ang ama mo na hanggang ngayon ay namamasada pa din ng taxi, matanda na siya Isabel wag mong paikutin ang mundo mo sa mundo ng taong hindi naman gusting maging parte ka ulit ng mundo nila"
Tapos pumasok na ako sa opisina ni Jhay at umupo sa pwesto ko.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa sofa, naramdaman ko na lang na ginigising ako ni Eliz.
"Jen si Sir Jhay, hindi ko makontak dumating si Mr. Cruz ikaw na muna mag present, ito yung mga documents na kailangan" inabot naman niya sa akin ang 5 folder.
"Give me one hour please? Hindi pwedeng on the spot ko to basahin, babasahin ko muna to tapos padala na din ng hot choco ha? Lutang pa ako eh" kinamot kamot ko naman yung kanang mata ko kinuha ko naman yung cellphone ko at dinial ang number ni Jhay.
'The number you have dialed is unattended or out of coverage area please try again your call later'
"Pakshet!" sabay end call.
Ibinagsak ko naman yung cellphone.
"Aish!" napasabunot ako sa buhok ko, hindi ko kasi alam ito.
"Jen eto na oh" inabot niya sa akin ang isang large cup size na may lamang hot choco.
"Eliz parang hindi ko kaya" maluha luha kong sabi.
"Kaya mo yan Jen babasahin mo lang naman yang mga yan, naka ready na talaga yang speech niya at isa pa sasamahan naman kita eh"
"Ok lets get this thing finish"
BINABASA MO ANG
Ang Masokista kong Boypren (Book 2 ng Ang Sadista kong Girlpren)
RomancePrologue Isabel Baluga pagsisihan mo na pumapasok ka ulit sa buhay ni Jhay. Link ng Ang Sadista kong Girlpren: https://www.wattpad.com/story/9371778-ang-sadista-kong-girlpren-complete