Chapter 9

56 5 0
                                    

Chapter 9

"Mine, ako na bahala sa lahat ng wedding preparations... ay hindi pala si Eliza siya ang pag-aasikaushin ko siya ang kakausap sa wedding organizer ok? Wag ka ng mag-isip ng tungkol sa kasal yung trabaho mo na lang ang asikasuhin mo, regarding pala sa wedding date alin ba ang gusto mong date?" nag-uusap kami sa cellphone, in fact 5 araw na kaming hindi nagkikita at parehas kaming busy sa trabaho, pero minsan nagugulat ako nagpapadeliver siya ng pagkain galing mcdo.

"Ikaw ano gusto mo? July 16 o 26?" tanong ko, nahalungkat niya kasi yung diary niya nung college pa lang kami at nabasa nga niya na July 26 talaga ang anniversary naming pero kasi nasanay na kami sa 16.

"Sige papatignan ko na lang kung ano ang available na date sa simbahan, kumaen ka ng lunch ha?"

"Ayoko nga"

"Isa"

"Tss bossy"

"Sige na babye na po ha? Tawag ulit ako mamaya"

"Ok po"

"Sige po, I love you... I miss you"

"Hindi kita namiss!" syempre nang aasar lang ako.

"Talaga lang ha? Sige po I love you"

"I love you too pero hindi pa din kita namiss"

Napalingon ako sa pinto ng may narinig akong kumatok.

"Jen, delivery oh" si Wendy, hinayaan na ako ni Jhay na kunin si Wendy sa kumpanya niya, aba halos lahat ata ng classmate naming nung college eh nag ta-trabaho ata sa kanya.

"Hindi ako nagpadeliver gaga!" tinawanan naman niya ako.

"Kay Jhay nakapangalan" sagot niya.

"Oh siya siya kunin mo na at sabayan mo ako kumain" inayos ko naman yung lamesa ko.

"Grabe Jen sa haba ng buhok mo nakarating na ng ibang bansa!" salita niya pagkapasok niya.

"Tse! Loka ka!"

"Akala ko ba kailangan muna ni Jhay na makapag luto ng buttered shrimp, makagawa ng Chinese trap ng loom bands atsaka diba kailangan niya din kantahin yung Halo ni Beyonce?" salita niya habang kumakain.

"Nabigla ako eh, nakalimutan ko na din na pinapagawa ko yon sa kanya" sagot ko.

"Breaking News, the CEO of Legaspi Company is engaged with the famous Interior Designer in the Philippines, they were college lovers and ready to settle next year!" tapos may picture pa nung press conference. OO NAGPATAWAG SIYA NG PRESS CONFERENCE KAHIT LABAG SA KALOOBAN KO!

Nagtalo pa nga kami nuon eh

'Mine kailangan natin ito gawin para tigilan na tayo ni Isabel, para hindi ka na magselos ok? Naiintindihan mo ba yung gusto kong iparating sa iyo?'

Ayan pa yung sinabi niya kaya niya ako napa-payag sa presscon na iyon. Naalala ko tinambakan pa ako ng tanong ng mga press buti na lang hindi nagkaroon ng negative effect sa kumpanya niya ang engagement namin.

"Ano ba role ko sa kasal niyo?" tanong ni Wendy.

"Ang usapan kasi namin ni Jhay kailangan may bf ka bago ka maisali sa entourage" pero syempre binibiro ko lang siya, titignan ko lang kung kakagat siya wahahahaha!

"Wag kang mag alala! May nanliligaw sa akin!" pagmamayabang niya.

"At sino naman aber?"

"Yung kasama ko sa munisipyo nung nag ojt ako"

"Sino nga! Paulit ulit ha!"

"Si Raymond"


Ang Masokista kong Boypren (Book 2 ng Ang Sadista kong Girlpren)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon