Natapos ko ang presentation ni Jhay ng walang problema, pero ako may problema pa din.
'Punyeta! hindi ko alam na nagkaroon sila ng anak! kailan niya yun itatago sa akin?! bwiset!'
Naglakad ako palabas ng building at nag punta sa isang coffee shop kailangan kong mag isip nang mabuti kong paano ko sasabihin sa kanya nang hindi nag iinit ang ulo ko pero galit na galit talaga ako eh! Siguro kailangan ko ng pagbubuhusan ng galit? ganoon ba?
Bumalik ako sa opisina kahit alam kong malapit ng umuwi ang mga tao. Pumasok ako sa opisina ko at nagpatugtog ng mga instrumentals isinandal ko ang ulo ko sa upuan at ipinatong ang mga paa ko sa lamesa nakikita ko kung paano kami nag simula ni Jhay, kung paano nasubok ang tatag naming dalawa nung panahong iyon na hindi ko alam ang gagawin ko nung akala ko wala ng 'kami' haaaay tuwing masaya ako ganito na lang ba mangyayari? may sisingit na hindi magandang balita? may darating na galing sa past namin? Asan na ba si Jhay? kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya.
Hanggang sa nag unattended na siya sinubukan ko ulit siyang tawagan pero wala na naman.
Tinawagan ko ulit siya wala pa din. Hanggang sa sumuko na ako na sasagutin niya pa ang tawag ko, siguro nagkita sila ni Isabel?
Sira ulo! narinig ko na ngang ayaw na nga niya makita si Isabel eh nag seselos ka lang kasi nagkaroon sila ng anak!
Medyo naluluha ang mga mata ko, hindi ko alam kung nasan siya hindi niya sinasagot tawag ko. Ok lang kaya siya?
Nag desisyon akong umuwi na lang.
Nagsasawa ka na ba Jhay?
Ayaw mo na sa akin?
Sabihin mo lang kung ayaw mo na hindi ko na ipipilit sarili ko kung may bago ka na ok lang basta makita kitang masaya.
Pucha Jen ang drama mo.
"Jen anak andito si Jhay" narinig kong katok ni Mama sa kwarto ko.
Tumayo naman ako agad, nakita ko agad si Jhay na nakaupo sa sala.
"Bakit hindi ka man lang nag tetext okaya tawag?" bungad ko sa kanya.
"Sorry Mine nagka-problema ako sa sasakyan kanina wala kaming mahanap na pagawaan yung cellphone ko pa naiwan ko sa kotse na iniwanan ko na lang din sa daanan at naglakad na lang kami ni Manong Jerry (driver niya) sorry na Mine"
"Yung tungkol kay Isabel bakit hindi ko alam yon?"
"Naisip ko kasing nakalipas na iyon kaya hindi ko na nasabi sa iyo yung bagay na yun."
A/N: Mga tol sorry sa matagal na update, nag sosorry din ako gaya ni Jhay hahaha!
BINABASA MO ANG
Ang Masokista kong Boypren (Book 2 ng Ang Sadista kong Girlpren)
RomancePrologue Isabel Baluga pagsisihan mo na pumapasok ka ulit sa buhay ni Jhay. Link ng Ang Sadista kong Girlpren: https://www.wattpad.com/story/9371778-ang-sadista-kong-girlpren-complete