Chapter 6
Pag alis ko ng building sumakay agad ako ng taxi.
"Saan po tayo ma'am?" tanong ni manong driver.
"Kahit saan manong basta tahimik kung saan ako pwedeng mag-isa" sagot ko.
"Mukang broken hearted ka ata iha" nilingon ko si manong, nakangiti pa siya habang nagmamaneho.
"Ma-bobroken hearted pa lang manong" sagot ko.
"Ah LQ pa lang"
"Manong may itatanong ako"
"Nagtatanong ka na iha" si manong kahit muka ng 50's ganyan pa sumagot.
"Manong, halimbawa ikaw may Ex ka ha? Tapos yung EX mo na iyon eh nabuntis mo dati tapos pinalaglag niya yung bata tapos ngayon mayaman ka na, isa ka ng may-ari ng kumpanya tapos may girlfriend ka na then all of a sudden gusto ka ulit ng EX mo at ginamit niya pa yung nanay niya para kausapin yung girlfriend mo. Anong gagawin mo manong eh hindi mo nga sinabi sa girlfriend mo na nagka-anak ka sa EX mo?"
Matagal bago sumagot si Manong.
"Ayan ba ang problema mo ngayon?" nilingon niya ako kasi huminto kami sa stoplight.
Tumango naman ako.
"Alam mo iha kung bumalik siya dahil sa mayaman na ako malamang pera ko ang habol niya pero wag na niya kami guguluhin ng girlfriend ko kung ganoon" tumigil si manong sa pagsasalita at parang nagiisip pa. "Nakakaawa naman kung sino yung babaeng iyon"
"Pero manong bakit hindi mo sinabi sa girlfriend mo na once ka ng nagkaroon ng anak? Ano yung dahilan mo?" tanong ko ulit.
"Siguro dahil ayaw kong madismaya yung girlfriend ko, tsaka nakaraan na iyon eh, ang mahalaga yung kasalukuyan, yung masaya ka sa piling ng taong mahal mo at wala kayong tinatapakan at sinasaktan na damdamin"
Tama kaya si Manong?
"Pero manong diba karapatan pa din naman ng girlfriend mo na malaman ang nakaraan?"
"Iha, hindi maganda sa isang relasyon na pag-usapan ang tungkol sa mga nakaraan nila, hinahalikan ka ba niya sa noo?"
Tumango ako.
"Ginagawa niya ba ang lahat para magkasama kayo?"
Tumango ako.
"Nakikita mo ba sa mga niya ang sinseridad?"
Tumango ako.
"Mahal ka niya, maniwala ka sa akin"
"Bakit naman po?"
"May mga babae kasi na bigyan lang sila ng materyal na bagay ng lalaki ay akala nila mahal na sila nito, kung hindi kaya ipakita ng lalaki ang sinseridad nila sa kanilang kilos idadaan nila ito sa materyal na bagay"
"Ganoon ba iyon manong?"
"Oo, ganoon ako dati kaya iniwan ako ng girlfriend ko noon at nagdadalang tao na siya nuon"
Awwwww.
"Eh manong nakikita mo ba anak mo?"
"Oo, tingin ko ka edad mo siya. Naisakay ko nga siya nung nakaraan sa starbucks na flatan daw siya ng kotse"
"Pero manong alam niya na ikaw ang tatay niya?"
"Hindi eh, pero kitang kita ko na nasa maayos siyang kalagayan at sapat na iyon, ayaw ko ng guluhin ang buhay nila"
"Sana nagpakilala ka na lang manong malay mo hinahanap ka din niya"
"Mukang hindi, nakita ko yung ex ko galing sa building kung saan ka nang galing, mukang may kaya na siya"
"Ha? Anong suot manong?" nagtaka naman ako sa sinabi ni manong.
"Naka pula siya maiksi ang buhok hanggang leeg" sh*t
"Manong Isabel ba ang pangalan ng anak mo?" nilingon ko siya at napatigil siya sa pagmamaneho.
"Oo iha"
"Manong anak mo yung nang gugulo sa love story ko, nang galing kanina yung nanay niya duon sa opisina ng boypren ko at sinabi nga niya na gusto niyang magkabalikan si Isabel at yung boypren ko"
"Ha?"
"Nako manong! Lalo akong naiinis manong" nag init ulo ko, all this time tatay pa ng Isabel na iyon ang kausap ko at si Isabel pa ang pinaguusapan namin dalawa ay nakaka badvibes lalo!
"Andito ka na, maganda dito, lagi akong may mga pasahero na sinasabi na ako na bahala kung saan sila pupunta at lahat sila dito ko ibinababa, magagandang ala-ala ang ibinigay sa akin ng lugar na ito, sana sa inyo din" sabi ni manong, inayos ko naman yung mga gamit ko at binayaran si manong ng pamasahe.
"Manong kung ako sa iyo magpakita ka na sa anak mo bago pa masira ang buhay niya" tapos bumaba na ako.
--------------------------------------
hindi ko matiis ang hindi mag-update
xoxo,
Dimple
BINABASA MO ANG
Ang Masokista kong Boypren (Book 2 ng Ang Sadista kong Girlpren)
RomancePrologue Isabel Baluga pagsisihan mo na pumapasok ka ulit sa buhay ni Jhay. Link ng Ang Sadista kong Girlpren: https://www.wattpad.com/story/9371778-ang-sadista-kong-girlpren-complete