Ara's POV
*sa sports complex*
Coach Ramil: Girls, kasabay ng training natin, ay ang training ng green archers.
Aby: Talaga coach?
Coach Ramil: Oo. Sige girls, warm-up na. Aby, you're in charge. Susunduin ko lang 'yung rookies sa office.
Aby: Yes coach. Siya nga po pala coach, kelan po tutuloy sa dorm 'yung rookies?
Coach Ramil: Siguro after the game na lang. Gusto ko na makilala nila kayong lahat ng husto, at pati na rin kayo para makilala sila ng husto.
Aby: Yes coach.
Tadhana nga naman o. Sabay pa 'yung training namin.
Wait, partner ko nga pala si Mika tuwing nag-wawarm up. Pano na ngayon?
Kim: Vic!
Me: O, bakit Kimmy?
Kim: Nag-usap na kami ni Majoy. Ako na lang muna 'yung partner mo ngayon habang 'di pa kayo nakakapag-usap ni Yeye.
Me: Thanks Kim.
Kim: Tara, start na tayo.
*habang nag-s-stretching*
Me: Kim, pa'no ako lalapit sa kanya?
Kim: Edi maglakad ka papunta sa kanya.
Me: That's not what I meant. Nahihiya ako sa kanya.
Kim: Nahiya ka pa! Best friend mo naman 'yan.
Me: 'Di kaya. Si Jessey kaya 'yung best friend niyan.
Kim: Asus nagselos pa. Mamaya kausapin mo na, para magkaayos na kayo.
Me: E nahihiya nga ko e. Ang sama ko kaya sa kanya kahapon.
Kim: Hindi naman ganun kasama. Siguro, 50% na masama, tapos 50% naging mabuti ka rin sa kanya kahapon.
Me: Upakan kita dyan Kim e! 'Di naman ako nakikipagbiruan.
Kim: Pinapatawa lang kita, ang seryoso mo kasi ngayon e, nakakapanibago. Siya nga pala, narinig mo pala 'yung sinabi ni coach kanina?
Me: Oo Kim. Rinig na rinig.
Kim: Edi, kakausapin mo na rin si Thomas ngayon?
Me: Depende. Basta I'm not going to make the first move.
Kim: Pride! Or should I say... pa-hard to get?
Me: Ang sakit kaya Kim. Bago kami bumalik ni Yeye sa dorm, pinuntahan niya ko sa Pampanga, tapos nasabi ko na sa kanya na sasagutin ko na sana si Thom pag-uwi namin dito sa Manila. Tapos bigla ko pang nalaman 'yung nangyari.
Kim: Sasagutin mo na dapat siya kahapon?!
Me: Wag kang maingay, loko.
Carol: Sasagutin mo na dapat si Thom, Vic?
Me: Hindi.
Carol: Che! Ito na naman 'tong pilosopong 'to...
![](https://img.wattpad.com/cover/5073377-288-k61905.jpg)
BINABASA MO ANG
Lucky (an Ara Galang - Thomas Torres fan fiction)
FanfictionIt's not how you start it, it's about how you end it. This is a ThomAra fanfic with a hint of the Mika Reyes-Jeron Teng loveteam. Watch how the lovebirds fought - and won - for their love despite all the challenges life threw at them.