Tn'L 12

223 20 23
                                    

[click the music here ------->>>>]

enjoy! ^____^ 

Tn’L 12

[Kathryn’s Point-Of-View]

After, tumawag ni DJ. Nabuhayan ako. Alam ko naman nasaktan siya. pero marinig lang ang boses niya okay na ako. Oo, tumawag siya, alam kong bitter yun, pero okay na ako.

I’m hoping for the best.

Pupunta muna ako sa library para mag paalam na hindi papasok bukas. Alam kong may Book festival bukas sa school, pero kaylangan kong makausap si DJ. Mas importante siya.

“Shensha, nandyan ba si Ma’am Reyes?” tanong ko. Kaibigan ko din ‘to. Student assistant din kasi siya.

“Oo, nasa loob Kath. Bakit? Kakausapin mo ba? Mukhang badtrip yun eh. Marami kasing gagawin dito.”

“pwede favor? Bukas hindi ako papasok. Kakausapin ko kasi siya. sige na cute, ikaw na bahala sakin. Please.” Pagpupumilit ko. Desperado na kung desperado. Pero gusto ko talaga siyang kausapin.

“siya na naman ba? Ay naku Kath. Babae ka. Lalaki siya. dapat hindi ka ang naghahabol.”

“kasi naman, ako naman talaga ang may kasalanan. Sige na. bye Shens. Kaw na bahala ha?” sabay takbo ko. Haha.

Kaylangan talagang pilitin ang babaeng ‘yon. Pero alam ko namang di niya ko ilalaglag eh. ^______________^V

----------------------------------------------------------------

Nakauwi na ako sa bahay.

Di ako mapakali, kinakabahan ako.

Ang alam ko lang, isa ang pwedeng mangyari..

Either magkaayos kami…or Hindi. Aish! Ayaw kong isipin. Dapat magkaayos kami. Gaya nga ng sabi ko,

“for the last time. Kaya ko ‘to. AJA! FIGHTING!” aish.

Ayaw ko siyang pakawalan. Ayaw ko siyang Makita na hindi kami nagkakaayos.

At higit sa lahat, ayaw ko siyang Makita na Masaya sa iba, pero ako hindi. Selfish na kong selfish, pero mahal ko si Daniel. Mahal ko na siya. di ko kayang pakawalan siya.

I don’t want to let him go.

Pero paano?

Kung siya na ang bibitaw?

May magagawa ba ako? Aish.

Bakit ganito kakomplikado ang Love?

Mahirap ako, mayaman siya. sino ang hindi matatakot?

Kung pwede lang ibalik ang oras, kaso hindi eh. Antanga ko.

Sana huwag siyang magdesisyon na masasaktan ako. Kasi di ko alam ang mangyayari.

-______________-

-

------------------------------------------------------------------------------------------------

“D…j. I’m sorry. Sorry talaga. Di ko sinasadyang saktan ka. Sana maintindihan mo ako.”

Di ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng pag uusap namin.

Feeling ko, sasabog ang dibdib ko. Ansakit. Ang sakit.

“sorry din Kath. Sorry.” Pero nakatingin siya sa malayo. Sorry? Ibig sabihin pinapatawad na niya ako? Lord please.. sana.

Sana.--------

“sorry, dahil hindi kita pinapansin. Sorry dahil hindi ako nagrereply sa mga text mo. At sa mga tawag mo..” alam ko naman eh, hindi yun ganun kadali DJ. But I’m hoping  maging okay na tayo.

“sorry din. Naiintindihan ko naman eh. Alam ko namang hindi yun ganun kadali.”

“kath sana maintindihan mo ang desisyon ko.” Wait? Desisyon? Anung ibig sabihin niya?

“Kath. Tigilan na natin ‘to.”  Waaaaaaaaaaat? Tigilan? Ang anu? Naguguluhan ako.

Ang gulo mong tao. Anung ibig mong sabihin? Daniel. NO!

“ayaw na kitang maging Kaibigan.” Di ko alam. Pero bigla nalang ako napaluha. Ansakit marinig. Ang sakit marinig ang mga salitang ganyan lalo na nanggaling sa mahal mo.

“D…J, no. bakit? *sniff* ansakit. Angsakit DJ. Please. *sniff*..wag naman oh. Nagmamakaawa ako.”

“Kath, I’m sorry, pero di ko matanggap. Tigilan mo na ang pagtetext mo. Ang pagtawag mo. Nasasaktan ako tuwing nakikita kita. Tuwing nababasa ko mga text mo.”

Di ko naman kasalanan kung magtext man ako. Kung kulitin man kita. Gusto ko lang maayos ‘to.

Dj, hindi ko matanggap. Please.

“hindi ko kaya. Wag kang ganyan. Please DJ.”

“tama na Kath. Tapusin na natin ‘to. Ayaw na kitang maging kaibigan.”

Di ko alam, sa ganito hahantong ‘to. Bakit kylangan pa niyang tapusin kahit friendship lang?

“DJ. Please. Bakit ka ganyan ha? dahil lang sa pagsisinungaling ko? Bakit ba ang manhid mo ha? Oo, antanga ko. Pero di ko alam. Mas tanga ka. Dahil ginawa ko lang naman yun ng dahil din sayo, dahil ayaw kong mahulog sayo ..dahil wala ako kumpara sa mga babaeng karapat dapat sayo.”

Oo, tanga siya! dahil di niya alam na mahal ko talaga siya. bakit?

“Kath. Tama na. tanga na kung tanga. Pero mas tanga ka, dahil pinaniniwalaan mo yang iniisip mo. Mali ka! Kath, hindi sa yaman nasusukat ang pagkagusto mo sa isang tao. Ang pagmamahal mo sa kanya. Kath, sa kalooban yan. Pero mali, mas pinili mo kong saktan.”

“Kath, tigilan mo na ang pagtetext sakin. Ayaw na kitang Makita. Ni ayaw na kitang maging kaibigan.”

Sabay alis niya…

Hindi na ko nakapag salita.

Kumikirot…sumasakit ang dibdib ko, habang siya, nakikita kong lumalayo na…

Ang bawat hakbang niya….

Ang hakbang, alam kong mawawala na….

--------------------------------------------------------------

A/N: salamat talaga readers. :))))

COMMENT please...:))

VOTE && SUPPORT. AJA! :D

Two Inlove [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon