Tn'L 5

288 14 0
                                        

Tn’L 5

DJ’s POV

Nakakatuwa talaga. Nakilala ko na siya, ang ganda rin niya. Ansaya ko talaga kahapon. Di ko akalain na iisang school din kami, makakasama ko pa siya. Haii. Umayos na ako sa pagkakahiga. At naligo. May pasok na naman.

8am na ako nakarating sa school. Syempre hinanap ko kaagad si Kath Mishael. 10am pa naman klase ko eh. Dinalhan ko din siya ng pagkain, syempre mabait at gentleman kaya ni Daniel. Haha. Pumunta agad ako sa department niya.

“hi. Kilala mo ba si Kath Mishael? Nakita mo ba siya?” magaan na sabi ko sa mga taong dumadaan. Haha, malay natin kilala nila. Diba?

“ha? Di ko siya kilala. Wala namang Kath Mishael akong kilala, Mishael  lang.” Girl 1

“ganun ba? Siya nga siguru. Si Mishael.”

“ah, eh. Wala naman siyang Kath, si Kathryn lang.” girl 2

Anu daw? Di ko maintindihan pero bigla nalang dumating si Kath Mishael, kaya di ko na tinanong pa. siya naman talaga hinahanap ko eh. Masaya na ako.

“DJ! Bakit ka nandito?” hingal na sabi ni Mish. Bakit ba siya tumakbo? Naman oh.

“wala lang, hehe. Dinalhan kita ng pagkain, nag breakfast ka na ba? Kainin mo to.” Sabay abot ko ng binili ko sa kanya. Cheesy ba? Haha. Di naman ako nanliligaw, mabait lang. haha

“ah. Hehe. Nag abala kapa. Salamat DJ ha. ^_^” Ngiting sabi niya.

“walang anu man Kath.” Pagkasabi ko nun, bigla siyang nabilaukan.

“okay ka lang? bakit? May masama ba sa sinabi ko?”

“di naman. Hehe. Kain ka?”

“haha, sige salamat. Akala ko di mo na ko bibigyan. Haha!”

nakakatuwa. Tawa lang kami ng tawa.

Mga dalawang oras din kaming nag usap. Wala kasi siyang klase eh. Ako? Papasok na, iniwan ko na siya sa cafeteria. Kylangan ko kasing pumasok eh, accounting class pa naman.

Kathryn’s POV

Hinahanap hanap ko ngayon si Mish. Syempre naman siya bestfriend ko eh slash classmate. Haha! Bait kaya ng babaeng yun. May pagkabaliw minsan, syempre mana lang ako sa kanya :p nandamay!

Habang naglalakad ako sa building namin, bigla kong nakita si Mishael. Mukhang nagmamadali. Loka! Wala naman kaming klase ngayong umaga. Bakit siya nagmamadali?

“uy! Mish! Mish!” di manlang niya ako narinig? Bakit siya tumatakbo? Babaeng yun. Sira talaga. Masundan nga.

O_______________O

Pero nabigla nalang ako ng nakita ko si Daniel, kasama siya ni Mish? Iyan pala ang rason bakit siya tumatakbo at nagmamadali? Lumapit ako ng kunti para Makita at marinig pinag uusapan nila.

 “wala lang, hehe. Dinalhan kita ng pagkain, nag breakfast ka na ba? Kainin mo to..” iyan ang narinig ko kay DJ. Dinalhan niya ng breakfast si Mish? Waw.

*tugs tugs*

Pero bakit nakaramdam ako ng inggit? Haissht. Kasalanan ko naman diba. Bakit kasi kylangan ko pa ipapanggap ang bestfriend ko bilang ako?

Sana ngayon Masaya ako. Sana ngayon, alam ni DJ na ako talaga si Kath.

Si Kath na katext niya,

si Kath na dumamay sa kanya.

Na dapat si Kath na dinadalhan niya ng pagkain at si Kath na hinahanap niya. >O<

Umalis nalang ako, ayokong Makita silang masaya. Haist, selfish na ba ako? Haist Kathryn, kasalanan mo yan. Pinasok ko to, so bakit ako naiinis? Tsk. Pupunta nalang ako sa library.

---------------------

Magdadalawang oras na ako dito sa library nagugutom na din ako.

“Mam, pupunta muna ako sa cafeteria. “ pagpapaalam ko sa librarian. Tumango lang si Mam Reyes.

Nadatnan ko sina Mish at DJ na tumatawa sa Cafeteria, so ibig sabihin dalawang oras silang magkasama at magkausap? Ansaya nilang tingnan, di ko mapigilan ang di mainggit.

Nakita ko silang magkahawak ang kamay?

*dug dugs*

Hinahawakan ni DJ ang kamay ni Mish? Sumakit bigla ang dibdib ko. Selos na ba ang nararamdaman ko sa bestfriend ko? Pero hindi ako galit, naiinggit ako.

Palabas na si DJ ng Cafeteria, di ko alam pero papunta na ako ky Mish.

Mish!” bigla kong sabi.

“kath!” parang gulat ata siya?

“mukhang nagkakamabutihan kayo best ah.”

“best, magkaibigan lang kami, wala na.”

“defensive much? Wala naman akong sinasabi ah.”

“Kathryn, kung anu mang iniisip mo mali ka. Isa pa, ikaw ang nagplano neto, ginagawa ko lang naman obligasyon ko bilang bestfriend mo. Ginagawa ko yung makakaya ko wag ka lang mabuking ni DJ. Kaya huwag ka magalit, dahil alam ko nasasaktan ka.”

“Kung ako sayo, sabihin mo na, bago pa mahuli ang lahat.” Yun lang sinabi niya, sabay walk out. Nasaktan ako. Sumasakit ang dibdib ko.

Masama na ba ako? Haist. Pati bestfriend ko nadadamay. Pero ayoko pa malaman ni DJ na ako talaga yung katext niya. Ayoko. Hindi kami bagay, mayaman siya, mahirap ako, so para saan pa? mapapahiya lang ako, kakamuhian niya ako.

--------------------------------------

please comment and Vote po mga readers! J

sa lahat ng chapters, Tn’L 6 ang pinaka gusto ko, cute nila…kaya please read. ^__________^

enjoy! KathNiel cheers! Leave a comment please. J

VOTE. COMMENT. Support. Mwuaaaah! :*

Two Inlove [KathNiel]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon