Tn’L 7
Kakaiba talaga ang babaeng yun. May iba talaga sa kanya, bakit Masaya ako kapag kasama ko siya, iniisip kong siya si Kath na katext ko. Haist. Alam ko namang si Mishael yun.
Ang mas nakakainis pa, parang gusto ko na siya yata? Hindi. Mahal ko na ba siya?
Flashback
“huy Kath! Ba’t tulala ka naman. Haha! Loko ka talaga, crush mo nga ako nuh. Hahaha” loko talaga ang babaeng ‘to. Palagi nalang kasi natutulala kapag kinakausap mo siya.
Pero mas nabigla ako sa sinabi nyang---
“mahal kita”.
O__O - ako
O__O --- kathryn
Anung sabi niya? Mahal niya ako?
*dug dugs. Dug dugs.*
Syet! Totoo ba ang sinasabi niya? Kathryn anu ba! Bakit napakagaan ng pakiramdam ko sayo? Bakit nasisiyahan ako?
“anu Kath ulitin mo nga? Anung sinabi mo?” pag-uulit ko. Sabihin mo Kathryn! Sabihin mo! Dahil…..
nagugustuhan na kita.
“anu? Wala! Sabi ko mahal ko ang bestfriend ko. Mahal na mahal.”
Bestfriend? Si Mishael ba ang tinutukoy niya? Haist!
Bakit nainis ako bigla? Bakit Daniel! Huwag mong sabihing nag-eexpect kang ikaw yun? Anu ba Kathryn! You give me hope!
“weh? Ikaw ha?” yun nalang nasabi ko, sabay ngiti. Alam ko namang fake yun.
“ewan ko sayo! Hindi kita crush! Sa yabang mong yan?”
Ako? Mayabang ako? Hindi nuh! Sarap mo lang talagang asarin. Kainis! Ba’t ba naiinis ako?
“hindi ako mayabang!” giit ko.
“haha! Sorry, hindi nga kasi, pinipilit mo talaga.” Huwag ka ngang tumawa. Ancute mo eh, cute ng mukha mo. Ansarap kurutin. Nakakagigil. Tsk. Leshe. Umayos ka Daniel. Corny mo.
“asus ah!” sabi ko nalang.
“DJ bakit ka pala nandito sa park ha?”
“isang lingo na kasing hindi kami nagkikita ni Kath Mishael. Hindi rin siya nagtetext sa akin, hindi niya sinasagot tawag ko. Haist.” Kamusta na pala yun? Hindi lang man siya nagtext sakin? Anu ba? Ayaw niya ba sakin? Pero gusto ko rin si Kathryn. Alam ko naman sa sarili ko.
Biglang naagaw ang atensyon ko kay Kath, matutumba na siya. Hinawakan ko siya kaagad.
“D..jJ.”
*Dug dugs. Dug dugs. *
Anu ba ‘tong nararamdaman ko? Alam ko gusto ko siya, pero...
Syet! Anu ba Daniel. Gumising ka! Ang ganda niya, maganda siya. Tiningnan ko ang mga mata niya, napakaamo, pero naagaw ako sa mga labi niya. Pucha! Bakit ba pagdating sakanya hindi ko mapigilan ang sarili ko?
Bakit parang naaakit ako?
Bakit parang may nagsasabing halikan ko siya?
Hindi.
Gusto ko siyang halikan.
Gusto ko siya..
1 inch nalang, bahala na pero gusto kong damhin ang mga labi niya.
1 inch nalang, pero nabuksan ko ang mga mata ko, at nakita kong……..naka pikit ang babaeng ‘to. Haist. Gusto niya din bang halikan ko siya? Damn it! Huwag ka ganyan Kath!
Pero pinigilan ko ang sarili ko, masyado pang maaga.
What if? Pagtripan ko muna siya? Mukhang pikunin kasi eh, nakakatuwa.
Hinintay ko nalang bumukas ang napakaganda niyang mga mata. Naks Daniel! Corny mo.
Wala pang isang Segundo.
“hahaha! Grabi ka Kath, crush mo talaga ako. May papikit-pikit kapang nalalaman jan! hahaha.”
“ewan ko sayo! Umalis ka nga.” Haha. Yun na nga. Hindi ko siya hinalikan. Haha. Kalma lang Kath. Mahahalikan din kita. Haha. Sarap mo talagang asarin.
End of Flashback
Hindi pwede. Hindi. Dahil gusto ko din si Kath Mishael, mas nauna ko siyang nakilala. Hindi pwede.
Pero nasaan si Mishael? Bakit hindi siya nagpaparamdam?
Mishael’s POV
A/N: naks! May POV si Mish. Haha. Malalaman na natin kung bakit hindi siya nagpakita. Enjoy! Please Vote && Comment please. ^____________^
----------------------------------------------------------
Namimiss ko na ang bestfriend ko.
Alam ko naman na nasasaktan siya eh. Bakit kasi kaylangan pa niyang magpanggap? Alam ko namang hindi yun ang tingin ni DJ eh.
Flashback
“DJ, may tatanungin ako sayo kung okay lang ba?”
“sige Mish, anu yun?”
“paano kung nalaman mong mahirap ako? Working student ako? Okay lang ba yun sayo?” tinanong ko na talaga si DJ. Alam ko kasing di kaya ni Kath na magpakilala sa kanya dahil nga sa mahirap lang daw siya.
“okay lang, bakit? Yun ba ang dapat para magkaroon ng kaibigan? Hindi diba? As long as Masaya kayo. At totoo sa isa’t isa.” Nabilaukan ako sa sinabi ni Daniel. Leshe.
“huy. Okay ka lang? tubig oh. Di kasi nag iingat.”
Huy! Nag iingat ako nuh. Lalakeng ‘to. Sadyang tagos lang sa puso pinag sasabi neto. Hay, bakit kasi ang manhid ng bestfriend ko, akala ko ba kilala niya si DJ eh bakit natatakot yun? Tanga naman oh.
End of Flasback.
Sarap untugin ng bestfriend ko oh. Tsk. Antagal ko na rin siyang di nakakausap. Baka isipin niyang galit ako? Kaylan pa ako nagalit sa bestfriend ko? Nag walk out lang ako kasi baka san pa mapunta yung usapan namin. Mahal ko kaya yun.
Nawala lang ako dahil may kaylangan akong gawin.
Flashback
“anu ba Mish! Ipaliwanag mo nga sakin kung anu ang meaning neto!” sabay hagis niya ng mga litrato sakin.
“Paulo! Wala ‘to. Kung anu mang iniisip mo, mali ka.”
“mali? Mish! Anu ang mali dito? May kasama kang lalaki ng di ko alam, sa tingin mo ba anu iisipin ko, ha?”
“maniwala ka, kaibigan ko lang siya. Crush siya ni Kath, okay? Pinapanggap niya ako, kaya kasama ko siya. Pero wala yun. Paulo naman, kaylan ba ako nagsinungaling sayo ha? huminahon ka nga.”
“kaylan? Ngayon mish! Ngayon.” Giit niya.
“anu ba Paulo! Wala ka bang tiwala sakin? Pucha naman oh!” galit na ako. Ganyan na ba siya? Walang tiwala sakin? Napasabi nalang ako ng masama.
Anung tingin niya? Manloloko ako?
I’m just doing the favor of my bestfriend, anung mali dun? Alam kong antanga ko para patulan ang gusto ni Kath, pero bestfriend ko siya, di ko pwedeng saktan siya.
Pero kung pati ang lovelife ko maaapektuhan, I’m sorry Kath. Pero kaylangan na sigurong itama mo ‘to.
A/N: pabitin muna….
Haha! Read Tn’L 8 to know kung sino si Paolo, at kung anu ang gagawin ni Mish.
Leave a Comment guys! ^_____________^V
Please Vote! Salamat. Mwuuuah! Cheeeeeers!
BINABASA MO ANG
Two Inlove [KathNiel]
Teen Fiction“Langit siya lupa ako. Magkaiba kami. Mayaman siya, gwapo. Ako? Walang panama sa mga babaeng nagugustuhan niya. Sa mga babaeng karapat’dapat para sakanya.”