Tn'L 13 (part 2)

188 13 9
                                    

Tn’L 13 part 2

Hinintay ko ang reply niya kahapon, pero hindi siya nag rereply.

Tinawagan ko siya, pero hindi niya sinasagot.

“shit! Kathryn! Sagutin mo!”..

Nandito ako sa labas ng department niya. Hinihintay kong lumabas siya. pero wala parin. Miscall ako ng miscall pero wala.

Sumuko na ba siya? Kath. Sorry!

Antanga ko! Antanga ko, dahil di ako nag isip. Kath! Sana mahal mo parin ako. Sana ako parin.

“haha! Nakakatuwa ka talaga kanina. Hindi ka kasi nakikinig. Yan tuloy..ginawa kang sample ni ma’am. Haha..”

“tumigil ka nga.. napahiya na nga ako eh.”  Wait? Kilala ko ang boses na ‘yun. Si Kath?

Pero Masaya siya? at sino ang kasama niya? Bakit iba yung tingin sa kanya ng lalaki.?

Shit! Ayoko sa lalaking yan. Lalaki ako. Kaya alam ko kung gusto siya ng lalaki.

Umiinit ang ulo ko. Kaya pala. Kaya pala di na siya nagrereply sakin, kasi okay na siya? kasi Masaya na siya?

At ako? Wala na sa kanya?

Bakit nanghihina ako. Masakit din pala.

Masakit.

----------------------------------------------------------------

“pre. Tama na yan. Ang aga’aga umiinum ka?”

“hayaan mo nga ako! Pwede ba! Back off!”

“anu ba? Ano bang problema mo ha? huy! May klase tayo mamaya. Antanga mo. Gusto mo bang pagalitan ka?”

“wala kang paki!”  nasa resto ako ngayon. Malapit rin naman sa school. Nasaktan ako sa nakita ko. Nasaktan ako! Kaya mas mabuting uminum nalang ako!

“yan bang Kathryn na naman ang pinoproblema mo ha?” si Jan to. Bestfriend ko.

“bakit ganun ha? ganun na ba kadali yun para makalimutan niya ko? Ganun na ba kasakit yung ginawa ko? Sabihin mo! Antanga ko. Antanga ko dahil nainlove ako, at sa babae pang ‘yon. Antanga!”

“pre! Sabihin mo nga, nagseselos ka ba sa nakita mo kanina ha?. yung totoo?”

“ako? Magseselos? The F..” ako? Magseselos? Hamak na gwapo naman ako. Hmp!

“hay naku pre! Inlababo ka. Deny pa, yan kasi di ka nag iisip! Oo, antanga mo! Hamakin mo, siya na nga nagmamakaawa sayo, di mo pinansin. Aba’y nagdesisyon ka pang tapusin ang friendship nyu, tanga ka talaga.”

“mahal niya daw ako? Ako? Mahal niya? Kung mahal niya ko, eh di sana di niya ko niloko.” Bakit ganun? Lame excuses. Mahal? Damn it!

“pre. Diba nga, sabi niya natakot siya. kasi mayaman ka. Intindihin mo naman.”

“mag sama nga kayo! Lesheng buhay ‘to.”

“bahala ka! Kung ayaw mong making, eh di mabuti. Magkakaayos talaga kayo. Tandaan mo, babae sila. Dapat sinusuyo mo. Gumawa ka ng paraan para mabalik mo siya.” inum lang ako ng inum. Wala akong oras makipag bangayan sa taong ‘to. Nasasaktan ako.

“Daniel! Kung mahal mo talaga siya, dapat kaya mo din siyang intindihin. Kahit mali, kahit masakit. Forgive and Forget. Para maging maayos kayo. Osiya!” sabay tapik niya sa balikat ko.

Forgive and forget? Paano? Kung siya na mismo, kinalimutan ako?

Mahal ko siya.

Ayokong mawala siya.

Pero masakit.. masakit yung ginawa niya.

Parang ipinamumukha niyang, mata pobre ako??

Wala akong pinipili Kathryn.

Kahit sino ka pa.

Kahit ano ka pa.

Matatanggap kita.

Shit! Baduy. Pero paano na kita mababalik? Kung Masaya ka na sa iba?

Kinalimutan mo na ba talaga ako?

Mahal kita.

Gagawin ko lahat Kathryn. Kahit ipalandakan ko pa sa Buong University na Mahal kita!

Gagawin ko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng tao.

Okay na kung sinaktan mo ko. Ang mas importante ang maibalik kita sakin.

Saktan mo lang ako ng paulit-ulit, basta akin ka lang.

------------------------------------------

A/N: malapi na.. haha

please comment and vote :)

Two Inlove [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon