Tnl 18 the Start

70 2 1
                                    

Tnl 18

“ate! Pinabibigay pala sayo ng lalaking ‘yon.” Sabay abot niya sakin ng balloon.

“Alam mo ate, ang swerte mo.”

“ha? bakit naman?”

“kasi po, mahal ka ng lalaking yon.”” Natawa ako sa sinabi ng bata. Haha.

“alam mo, ang bata mo pa, pero alam mo na yan.” Ngumiti ako sabay gulo sa buhok niya.

“mag aral ka nga mabuti ha?  sige na. umalis ka na, at umuwi sa inyu.”

Ngbiglang nasa harapan ko na siya at nakangiti –

“Ningiti ngiti mo? Para kang timang.” Pero totoo naman kasi ang gwapo niya eh.. hihi.

“sus! Pasimple ka pa, pero alam kong nagwagwapuhan ka sakin eh.” Sasabat n asana ako ng –

“tingnan mo nga yang pisngi mo! Parang binuhusan ka ng blush on sa subrang pula! Hahaha”

“ha? saan?” sabay punas ko sa pisnge ko. “alam mo—Araaaaay! Ko naman Daniel!, alam mo! Ang gentleman mo talaga!” paano, tinapon pa naman niya sakin yung bulaklak, di ko alam kung saan nya to nakuha, ang basa pa.

“alam mo! Ang kuripot mo talaga! Mukhang sa patay mo to nakuha!”

“alam mo, ikaw, puro ka reklamo, pasalamat ka nga eh binigyan pa kita.”

“ah ganun? Edi itapon!” sabay taas ko naman ng kamay, haha. Kala nya naman itatapon ko. Haha.

“ay, anu ba! Wag mo ngang itapon, pinaghirapan ko pa yang kunin jan oh…” sabay turo niya sa garden. Haha. Loko, hindi niya baa lam na bawal to?

“alam mo, ang kulit mo!”

“pero nahulog ka naman!”

“hindi ah! Ewan ko sayo, dun ka na nga!” sabay alis ko sa upuan. Oo na, gusto ko siya. mahal ko siya, pero gusto kong malaman kung mahal niya din ako talaga.

“kath! Anu ba? Wag ka ngang umalis bigla bigla.”

O­­­­­­­____________O

“DJ…”

”kath naman eh. Gusto mo na naman bang mag away tayo? Kainis ka.” Nakikita kong namumula yung mga mata niya. ganito ba talaga siya? sana di ko nalang siya chinallenge.

“uy…sorry. Umiiyak ka? Sorry.”

“pinagtitripan mo ba ako?”

“hindi…sorry. Gusto ko lang malaman kong mahal mo talaga ako.”

“ha? anung akala mo? Hindi? Liligawan ba kita kung hindi?”

“sorry Daniel.” Sabay yuko ko. Aish. Sana di ko na ginawa.

“halika nga.”  Sabay yakap niya sakin.

Masaya ako, kasi kasama ko na siya, mula nung nangyari ganito na siya kahalaga sakin, ganun din ako sa kanya. Mahigit isang lingo na rin ang nakalipas nung sinagot ko siya. pagkatapos ng pagkabati namin.

“anu to? Bakit ka naandito ha?”hawak hawak niya ang gitara.

“kath, pasensya. Pasensya dahil hindi kita pinakinggan, sana mapatawad mo ako.”

“bakit? DJ okay na ako..” okay ng aba talaga ako?

“hindi ka okay. Kathryn, please. Patawarin mo na ako. Oo, kasalanan mo, pero kasalanan ko din dahil hindi kita pinakinggan, inuna ko yung nasa isip ko. Kath..”

“bakit? Bakit ngayon? Kung saan alam mo na yung mga nangyaring hindi maganda sakin? Alam mo nang isangmali ko lang mawawalan na ako ng scholarship?”

“hindi ganun yun.”

“eh anu!!!! Bakit ka nandito ha? oo, pinapatawad na kita, umalis ka na!”

“mali ka kath!”

“anu ang mali Daniel ha, anu?!. ---“

“MAHAL KITA KATH! MAHAL KITA! Alam mo ba yun!”

“.........”

“mahal kita, kaya nandito ako, gusto kung magkabati tayo, oo, tinago ko, oo nagalit ako sayo, kasi hindi ko matanggap na yung babaeng minamahal ko na, niloko ako. Kath, hindi naman ako ganun kalseng tao. Yung mapang mata. Wala sakin kung anu ka. Kung sino ka. Yung ayaw ko yung ipapanggap mo yung bestfriend mo bilang ikaw..kath, sorry. Pero yun ako eh. Tatanggapin ko kung anu yung sasabihin mo, aalis ako ngayon, pero sana mapatawad mo lang ako.”

Sabay talikod niya. hindi ko alam kung matutuwa ako o tatalon kasi ang saya ko, kasi mahal niya ako. Pero bakit hindi ako makapag salita bakit hindi ako makakilos? Kath, huminahon ka, anu ba talaga ang gusto mo, gusto mo ba talaga siya? kung hindi, hahayaan mo siyang lumabas ng pinto na walang pagsisi sa huli.

“DANIEL!’

Tumalikod siya, at alam kong ang ngiting iyon ay ngiting makakapagbabalik sa dating ako.

Two Inlove [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon