Tn'L 10

236 15 10
                                    

Tn’L 10

[Kathryn’s Point of View]

Hinihintay ko parin ang text niya, yung tawag niya.

Hinahanap ko ang presensya niya.

Yung papasok siya sa cafeteria, at lahat ng tao lilingon sa kanya.

Yung makikita ko siya sa library na naghahanap ng libro.

Yung taong susulpot nalang bigla sa harapan ko.

At ang rason kung bakit ako napapanganga.

Daniel.

“haist. Hindi ko na kaya.” Sabay hawak sa noo ko.

Di ko na alam ang gagawin ko, galit siya sakin. Kinamumuhian niya ko. Ayaw niya kong Makita.

Anu bang klaseng mundo ‘to. Bakit kaylangan pa magmahal. Bakit naimbento pa ang love. Yan tuloy nagkaproblema ako. Ansakit.

“nak, kumain ka na. kahapon ka pa kasing nagmumukmuk dyan. Di ko alam kung kumakain ka ba.” Sabi ni mama na kakapasok lang sa kwarto ko.

“ma. Di ako gutom.” Sabay takip ng unan ko sa mukha. Ayaw kong Makita niya na namumugto yung mga mata ko. Ayaw kong mag alala si mama.

“anak, nanay mo ako. Wag ka ngang mag tago sakin. Anak kita. Alam ko kung may problema ang mga anak ko.”

Di ko parin kinukuha ang unan ko sa mukha. ayaw kong malaman niyang dahil lang sa lintik na pag ibig na ‘yan nagkakaganito ako. Hanep eh. Ansama ni cupido, bakit sakin pa.

“alam mo, minsan nagtatampo na ‘ko. Di kana kasi halos nagsasabi sakin ng mga problema mo. Mas close pa nga kayo ng bestfriend mo eh. Bestfriend mo din diba ako?”

“ma naman! Baliw ka talaga. Ofcourse, nanay ko kayo. No one could take that place. Pati pa ba si Mish pagseselosan niyo? Corny mo.” Nakakatawa talaga mag drama si mama.

“osige. Hindi na. basta kumain ka. Tsaka huwag mo ngang pabayaan pag aaral mo. Batang ‘to. Baka maapektuhan yang trabaho mo. Sana naintindihan mo ko anak.” Sabay haplos ni mama sakin.

Oo, nga. Naaapektuhan na talaga yung pag aaral ko. Pati trabaho ko, di na ko pumapasok sa library. Aish! DJ! Bakit naman kasi eh.

-----------------------------------------------------------------------------

Isang lingo na ang lumilipas pero hindi parin kami nagkakaayos ni DJ. Alam ko namang kasalanan ko.

Isa pa sino naman ako? Mahirap, working student, hindi mayaman at hindi kagandahan. hindi kami bagay. Sino naman ang hindi matatakot? Na ang may ari ng University na ‘to at ang katext ko ay iisa? At isa pa, mahal ko na.

“aish! Ang hirap!” hindi ako makapag concentrate sa klase. Ansakit. Ang bigat ng loob ko. Parang any minute bibigay na naman ako. L

“Ms. Santiago!” nabigla ako sa boses ng prof namin sa management. Feeling ko mag aalburuto na ‘to.

“any problem? You’re not listening. Gusto mo bang bigyan kita ng punishment at pwede maapektuhan ang scholarship mo ha?” galit na sabi ni ma’am. Matanda na kasi eh. Sorry naman. Di pwede maapektuhan yung scholarship ko.

“sorry Ma’am. Hindi lang po maganda pakiramdam ko.” Yuko kong sabi.

“Ms. Santiago, kung may problema ka man, wag mong dalhin dito. Iba ang aralin natin dyan sa iniisip mo. Maliwanag?”

“yes ma’am.” Haist. Sino naman kaya ang hind imaging okay? Kaw kaya sa kalagayan ko ma’am. Tsk.

“puro kasi kayo lovelife. Inuuna niyu pa yan!”

O__________O

Manghuhula ba si ma’am? O Chismusa? Is she eavesdropping? Whatever.

Paano ako makikinig kung lahat ng organs ko si DJ ang iniisip. Naman kasi. Pwede ba, wag muna ngayon guys. Ansakit eh.

Tama si Mish, sana sinabi ko ang totoo, hindi si DJ ang kawawa kundi ako. Kaya nasasaktan ako ng sobra. Antanga mo kasi Kath eh. Bakit kasi di ka nag iisip. Ipinanganak kang matalino, pero wala ka namang alam pagdating dito. Aish!

Tanga na siguro ako, dahil kinakausap ko ang sarili ko sa isip. Tsk.

There maybe harm in risking but there can also be regrets in doing wrong. -________-

------------------------------------------------------------

Nasa café ako ngayon, inaabangan si DJ baka nandito siya, kumakain, tumatambay, pero bakit?

Hindi siya nagpapakita sakin. Antanga mo. Natural kath, niloko mo siya. Aish!

Kinuha ko ang cellphone at denial ang number ni DJ, pero di niya sinasagot.

Aish! DJ. Pakinggan mo ko. -___________-

To :        DJ <3

Alam ko galit ka, pero please, pakinggan mo ko.

Paniwalaan mo ako. Nagmamakaawa ako Daniel.

Sana maintindihan mo ko. Sana kahit sa text lang, kahit sa text lang DJ, mag reply ka. L

-Kath

-------------------------------------------------------

After 30 minutes…………….

Wala parin siyang text, ni miscall. L

Kaya mo yan Kath. Matapang ka. Maayos mo ‘to.

Sabay dial ko sa number niya….

For the last time Kath. For the last time. Kung ayaw niya kong kausapin at Makita.

I let him go….

Two Inlove [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon