•=•Chapter 4•=•
Dad, meet Xyred"Kailangan ba talagang pumunta sa bahay ko???"
"Yes pare! Para maging proud si tito sayo!"
"Tito agad? Masyado ka namang FC..."
"Alam mo... Bro... Makiride ka nalang! Trust me! Your old man would be proud of you!"
"Bahala ka jan. Basta... Pag nasaharap ka na ng bahay ko, mag doorbell ka muna! Hindi kagaya ng ginawa mo dati! Buti nalang at wala si dad nun!"
"Hahaha! Oo na oo na! Sige bye! Wait! Mahilig ba sa rosas si tito?"
"Bastard! Ano satingin mo sa tatay ko? Florist?!"
"Joke lang! Napakapikon mo! Kaya ang sarap mong pagtripan eh!"
"Ang bad influence mo!"
"Oo na! Sige bye! Makabangga pa ako ng kotse eh!"
"Bye!" At binaba ko na yung telepono ko. Baliw talaga yung mokong na iyon. Parang girlfriend ko na gusto magpakilala sa magulang ko. Siraulo talaga...
"Sino yung kausap mo anak?" Anak ng baboy! Ay! Hala!!! Nag tagalog ako! Aish!!!
"A person..." Nice lie! Baka kasi akalaaing unggoy si Xyred. Joke!
"Seryoso anak. Para kang ewan diyan na naiinis kanina. Sino yun!?" Then he gasped. "DON'T TELL ME THAT YOU HAVE A GIRLFRIEND!?" Wow... Tatay ko ba to? Ako? Magkakagirlfriend? Hahahaha! Ang ganda ng joke!
"No dad! Are you nutz?! Well... He does act like one..."
"He? So lalaki yun? Sino siya?" Ano ba naman! Ang daming tanong!
"You'll see..." At umupo sa couch... Nag nod nalang si dad, at tumuloy sa kitchen.... Haaay buhay... Naging ewan yung buhay ko dahil kay Xyred...
Parang ewan talaga yun! Pero nagpapasalamat ako at nakipagkaibigan siya saakin. Ganito pala kaexciting ang buhay pag may kaibigan ka. Nakakagawa ka ng lalokohan.
"Anak! May tao sa labas! Pakitingnan naman kung sino yun!" Ah! Si Xyred nayan... Diyos ko po... Sana hindi siya magmukhang tanga sa harap ng tatay ko...
Binuksan ko yung pinto, at nakita ko ang nakangiting Xyred... Nako... Kung pwede lang sapakin.... "Hindi ka pala nagloloko kanina..."
"Tangna naman Yhuki! Ako? Lolokohin kita? Ano to? Plastikan?" Binatukan pa ako!
"Gagi ka! Marinig ka pa ni, dad!" Sabay kamot sa batok!
"Sino siya anak?" Ay tipaklong baboy! Pucha! Si daddy! Nako nako nako!
"Ah! Eh! Dad!" Kaso... Biglang sumulpot itong shokoy na ito!
"Hi tito! Ako po Xyred Trevino! Bestfriend ng anak niyong si Yhuki!" Himala! Tumawa si dad!!!!
"Hahaha! Siya lang naman ang iisa kong anak. Oh! Yhuki anak! Wala ka palang sinasabi na may bestfriend ka na?" Sabay akbay saakin.... Nako... Basang basa yung damit ko sa kaba.... "Siya ba yung kausap mo sa telepono kanina?" Tumango ako.
Tumawa nanaman siya at pinat yung back ni Xyred, "Hay nako hijo! Alam mo ba! Parang mauubusan yan ng dugo kanina! Hahaha!" Tapos nagtawanan sila...
"Halika! Halika! Pasok na sa loob!" Ayan na.... Sheeet...
Inimbita ni dad si Xyred sa dining table. Mag lulunch na kasi... Siraulo talaga tong Xyred na to...
"So hijo... Ano yung course mo?"
"BS Civil Engineering po." Sabay subo ng carbonara... Haaay... Patay gutom...
"Kelan pa kayo nagkakilala ng anak kong ito? May problema kasi sa social interactions eh..." Sabay tawa... Ako? Wala lang.... Kumakain...
"Last two weeks pa po. Match made in heaven ata. Ako po sikat na loner, siya po matalinong loner." Tumawa rin siya.
"Anak. Mabuti at nakahanap ka ng kaibigan na kagaya ni Xyred. I'm proud of yo nak! Pa hug nga!"
"Dad...?" Napapahiya ako eh... Kaso siya mismo yung lumapit at niyakap ako... Nakita ko nalang si Xyred, tumatawa ng nakakaloko. Gago talga yun!
"Ah! Dad! I need air!" Salamat at bumitaw na rin! Kasi naman! Kung maka yakap parang mawawala ako sa buhay niya!
"Hahaha! Sorry anak! Kasi... Sawakas... Ikaw mismo ang nakahanap... Wala nang bayad bayad..." And gave me a nuggie. I have to admit... It was irritating... But I felt the love from within. Mahal ko talaga itong tatay ko... Kahit kasing baliw niya si Xyred.
"To be honest dad... Xyred was the one who approached me. He saw me and he himself wanted to be my friend." At ngumiti si Xyred.
Nagwink lang siya at tinaas yung baso... Hahaha siraulo talaga, "Kasi po tito... Hindi naman po siya ganun ka boring eh. Masaya yan kasama kung kinilala mo siya. Yung mga tao kasi ngayon mahilig manghusga."
Tumango si dad, "Oo. Tama ka. Ewan ko nga rin eh.... Ineexpect ko na maraming hahabol dito. Gwapo kaya ang anak ko na to." At inakbayan ako... Putragis!
Xyred mouthed a, One point. I just rolled my eyes and faced my father, "Anak. Bakit wala kang chicks?" Nag facepalm nalang ako sa tanong niya.... Ano bayan!?
"Kasi tito... Palatago yan sa mga tao. Introvert po eh..." Sabay inom ng tubig.
"Mabuti nalang at kaibigan mo si Xyred." At tumayo na. "Oh sha! May aasikasuhin pa ako. Bye anak. Bye Xyred. Wag gagawa ng kalokohan."
"Dad!?"
"Haha joke lang! Oh sige! Bye!"
"Ingat po kayo tito!"
Kami nalang ni Xyred yung naiwan sa bahay. Napakaharot! Lahat nalang ng nakikita niya hahawakan o papakielaman! Hay nakooo!!!
"Oy! Umupo ka nga! Makasira ka pa jan eh!" At hinila ko siya papaupo.
Kaso... Nakangiti siya ng nakakaloko... Gagi! "Ano yung ningingiti-ngiti mo jan?"
"Wala lang... Kung yung tatay mo alam... Edi... Ipapaalam ko sa lahat ang totoong itsura mo."
"Hoy! Walang ganyanan!"
"Bakit? Natatakot ka ba? Give up ka na? Alam mo na gwapo ka?"
"Aish! Nakakakalbo yang pinagsasabi mo! Hindi nga kasi ako gwapo!"
"Kasi... Nakatago! Sige! Jacket pa more! Hoodie pa! Wag kang madaya! Paano natin malalaman kung sino yung panalo kung hindi mo naman ipapakita yang mukha mo?" Sabagay... May point siya...
"Oo na! Sige!" Natuwa siya at tumalon-talon na parang tanga.
"Hoy! Tange! Masanggi mo pa yung TV!" At binatukan ko siya. Nagtitigan kami.... Staring contest? Pero pagkatapos non... Tumawa lang kami! Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Will you take me?
RomanceYhuki Francisco had nothing much in life... All he had ever done was walk, stroll, observe, or stand by in places his attention might think as interesting. A young teenage boy who had done nothing in life, yet great in academics. Until one faithful...