Chapter 10

19 1 0
                                    

•=• Chapter 10 •=•
Monday na monday eh...

"Anak! Nandito na si Xyred!" Sigaw ni dad galing sa baba.

"Okay! I'll be down in a sec!" Sigaw ko naman pabalik.

Okay... Okay... Hindi pa alam ni Xyred yung tungkol kay Selynna-ng bruha... Malamang magfrea-freak out yung tipaklong yun... Hay... Bahala na...

I ran downstairs and went straight to the door, "Bye, Pa!"

"Sige, ingat anak."

I closed the door and met the face of a smirking Xyred... Problema nito? "Hey. What are you smiling about?" I asked a bit tensed.

"Yhuki, ang bilis mong sumikat!" Tapos niyakap ako.

"Xyred. Gross... Gay alert." Asar ko.

"Tss... Kj..." Tapos ginulo-gulo buhok ko.

"Hey! I just combed my hair!" Reklamo ko, tapos inayos ulit.

"Aba! Improving si bestfriend! Naks!!! Mana ka talaga saakin." Then bumped his shoulder to mine.

"I'm confused... Dad said sakanya ako nagmana... Sabi din ni sir sakanya daw... Tapos ikaw? Kanino ba talaga?" Tapos tumawa kami.

"Tara na nga." Tapos nag lakad nang papuntang school. Habang naglalakad kami, kung ano-anong news na ang ipinagsasabi ni Xyred.

"Alam mo ba na may fanpage ka na agad sa Facebook?!" Sigaw niya.

"Baka ikaw gumawa non." Sagot ko naman.

"Ulul. Bakit ako gagawa ng fanpage mo. Meron na ako eh." Tapos tumawa. "Pero ang unfair mo! Ilang days ka palang nagpakita ng true face mo 67K likes na agad! Samantalang 53K palang ako! Jusko!" Tapos tumawa kami.

"Paano ba yan, Xy. Gwapo ko eh." Tapos nag pogi sign ako.

Binatukan naman ako! "Baliw ka rin eh noh?! Padeny-deny ka dati na hindi ka gwapo tapos ngayon ang vain-vain mo! Grabe ha!" Tapos tumawa ulit kami.

"Siyempre. Mana sayo eh." I said between the laughter.

"Ganun naman pala eh." Laptrip pag ganito yung paguusap namin ni Xyred. Hahaha!

Nang pagkadating namin sa harap ng school... Ang daming girls na nakaabang sa gate! Yung iba may banner na nakalagay, "We love you Mr. Smart-Aleck and Mr. Sikat! Date me please?"

Mapababae, mapabakla... Mukhang handa silang manghuli... Tiningnan ko si Xyred... Tiningnan din niya ako... "Yhuki...."

Namulat mga mata ko.... "Yhuki!! TAKBO! BILIS!" Sigaw niya saakin.

"H-ha?! Bakit-" Kaso hinila na niya ako patakbo sa campus grounds! Tumingin ako sa likod ko at... Jesus! Hinahabol kami!?

"Xyred! Bakit tayo hinahabol!?" Tanong ko sakanya na medyo natataranta.

"Ang tawag sakanila ay... Fangirls. All of them are obsessed to talk to their idols in personal! At mukhang tayo yun!" Sigaw niya.

Will you take me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon