Chapter 2

22 2 0
                                    

•=•Chapter 2•=•
Ganito pala yung feeling....

"RIIIIIINGGGGG!!!!" Mabuti nalang at nasa classroom na ko bago mag ring.... Wala akong planong malate sa first subject ko ngayon. Physics eh....

Course ko? BS Applied Physics. May tanong pa ba? Okay... Good.

"Good day class." Mabuti naman at nagpakita na si Prof... Ilang araw na kaya siya hindi pumapasok! Yung nakakainis pa nga eh... Tuwing present siya, may pop quiz. Kaya ayan... Nasisinco yung mga kaklase ko.

"Prepare your pens and a one fourth sheet of paper. We have a quiz about The Quantity of Heat." Present yung groans sa klase. Sino naman kasing hindi madidissapoint? Nagpapasalamat talaga ako at nabiyayaan ako ng knowledge at matalinong tatay...

Sinulat ni Prof yung problems sa board. Ay... Madali lang. Basics eh. Pero kung hindi naman nagtuturo yung professor... Tingnan natin kung makakasabi ka na basics yan....

"Diyos ko po Lord!" Reklamo ng isa kong kakalase sa gilid.

"Sinco na ako neto...." Sabi naman ng isa.

"Parusa toooo!!!!" Another whined.

Malay ko ba... Hindi naman kasi ako mapride... Kaya naawa ako sa kapwa kaklase. Lalo na kung tamad yung professor. Eh ako.... Ano magagawa ko? Matalino nga kaso introvert... Wala pa gustong makipagusap saakin. Kaya... Problema na nila yan siguro...

Mga after 15 minutes. Nakatapos na ako. Pinasa ko kay Sir and nag nod lang siya, "You may proceed to your next class Mr.Francisco." At ako ay umalis na rin.

Hooooh! Ano next? English!? Eh.... May english pa pala dito.... Dumiretso na ako sa paglalakad, kaso may narinig akong umiiyak sa may bandang lockers... Gusto kong silipin kung sino kaso... Hindi ako chismoso.....

Tuloy lang ako sa paglalakad... Tapos may nalagpasan akong mga babae... Nag uusap... Pagdaan ko ito lang naman narinig ko...

"Like as if she would pass this semester? Right girls?"

"She wouldn't have a chance! How did she even pass here!? I pity her so... Haha!" Talk about b*tches... Sorry pero... Ang b*tchy kasi ng tono...

"Selynna Mendoza.... Failure... Petite... Ugly... Hah! Nakakaawa! Dapat drop out na yan eh!"

"Hahaha! Sooo true... Wala na siyang maabutan. Ganoon lang siya ka babaw... Mang mang! Hahahahaha!"

Siguro naman kung sino yung Selynna na yun, nasasaktan siya. Hindi man ako nakaranas ng pambubully, pero yung mga sakit na karamdaman, nadaanan ko na yan.

Diretso lang sa paglalakad Yhuki. Ganyan talaga ang mga babae... Gossip dito, gossip diyan. Kaartehan... Make-up... B*tchy accents... Haaaay.... Kung normal lang ako na lalaki, siguro na tuturn off ako sakanila. Masyadong mayabang eh...

Kaso. Introvert po! Introvert, simple, loner, nerd, friendless, hindi naman kagwapo-gwapo.

=•=•=•=•=

Ayan na.... Lunch break! Haist.... Nasa open fields nanaman ako. Tutal... Wala naman masyadong tao dito. Halos ako lang palagi. Kaya favorite tambayan ko to eh... I can be myself with the silence hovering the air....

To be honest... Hindi ako kumakain ng lunch. Ewan ko eh... Wala sa bokabularyo ko na kumain tuwing lunch.... Malay ko ba.... Napaka stubborn ko raw sabi ni dad. Hindi tatagal at magkaka ulcer ako. Eh... Ilang years ko na ginagawa to eh. Sanay na siguro tiyan ko.

"Oh! Smart-Aleck!" Sabay tabi sakin...

Tiningnan ko nalang siya ng naguguluhan. Ano ba meron? Ang gara naman.... Mag dadare na nga lang, ako pa yung biktima? Please naman....

"Bakit ganyan tingin mo? May ginawa ba akong masama?" Tanong ni Xyred...

"Nothing... I just can't believe you survived this long to join me for lunch..."

Napatawa siya at sinuntok yung shoulder ko ng mahina. May topak ata utak nito! Sinabayan ako eh...

"Oy!"

"Yes?"

"Hindi ka nakain ng lunch?" Sabay subo sa adobo.

Umiling ako at tumingin lang sa open field... Kaso lumapit itong siraulo na ito... Ano ba kasi problema niya?

"Alam mo... Magiging honest ako ha? Walang pikonan?" Nakinig lang ako sakanya. "May itsura ka.... Alam mo ba yon? Gwapo ka kaya..." Nanlaki yung mga mata ko nang sinabi niya yun!

"Gago! Saan mo nakuha yan!? Matinding pustahan ata ito..." Nanibago siya sa pangingiba ng aura ko!

"Oh! Nagtagalog ka!? Akala ko forever english ka... Nakakabosebleed..." Sabay tawa. "Pero real talk bro.... Gwapo ka." Bro!? Gwapo!? Real talk!?

"Ahh... Ahahaha... Sorry pero... Nakasingot ka ba? Nakainom? Lasing? Kasi.... Hearing such words from you is immensely impossible!"

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo... This is not a play. I am trying to be friends with you. Hindi mo ba nakukuha yon? I, Xyred Trevino, is bestowing myself to be your honorary bestfriend..." Di nga? Ano meron?

"Cut to the chase. Magkano binayad sayo? Ayaw kong maiiwanan nanaman ako sa ere kagaya ng dati. Akala ko kaibigan, payed lang pala..."

"Hindi. Nga. Ako. Binayaran! ANG KULIT MOOOO!!!! Kelan ba papasok sa malaking kukutin mo yan ha!? Ha, Smart-Aleck!?"

"Ang labo naman kasi para imbitahan mo akong maging kaibigan mo! Ikaw si boy sikat! Ako? The biggest nerd since I started studying here!"

"Alam mo... Wag ka nalang manigas jan at iaccept kung ano man ang gusto kong gawin. Gusto kita maging kaibigan dahil... Gusto ko. Wala ka kasi laging kasama. Kaya.... I volunteered myself to show you how intriguing it feels to have a friend." Wow. Real bro talk.

"So... You are asking friendship because of pity?" Parang naaawa lang siya sakin eh.

"No. I'm asking friendship because you need friends. Dali na Yhuki! Minsan na nga lang ako makapag effort ng ganito katindi para lang makanalo ng kaibigan eh...." Hindi ko aakalahing mag dadrama ng ganito si Mr.Sikat.

"Sure?"

"Sure!"

"Not a play?"

"Not a play!"

"Real approach?"

"Aish! Oo nga eh! Tigas talaga ng ulo mo! Tara! Gala tayo dun!" At inakbayan niya ako habang naglalakad papunta sa mga may puno.

Ganito pala ang pakiramdam nang may kaibigan. Ang weird kasi..... Hindi ko alam yung gagawin o sasabihin. Pero.... Parang seryoso siya sa ginagawa niya eh... Ito na ba ang kaibigan? Hindi binayaran? Hindi inutusan? Kung hindi, siya ang nagkusa para maging tropa ako?

Will you take me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon